TSOB: 23

11.9K 309 5
                                    

     NAKALABAS na ako ng hospital at sa ngayon ay tumutuloy kami ni Xaitan sa kaniyang private property. Maganda ang lugar na kinatatayuan ng private house niya dahil kitang kita ang dagat at tahimik din.

"Kailan tayo babalik ng manila?" tanong ko kay Xaitan na kasakukuyang nagluluto.

Nakaupo ako sa island counter niya at pinagmamasdan lang siyang kumilos.

"Maybe, next week." sagot niya habang nasa hinihiwa pa rin ang tingin. "I still have transactions need to finish here."

"Anong transaction yun?" pang uusisa ko.

Saglit itong tumingin sa'kin. "Guns.."

Napatango lang ako at hindi na nagtanong pa. Pinagmamasdan ko lang si Xaitan na parang isang professional chef kung kumilos. Hindi na ako magtataka kung bakit magaling siyang kumain–OMG! Sciryn, what are you thinking!?

Napailing na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko. Sa matagal na panahong nakakasama ko si Xaitan, pakiramdam ko ay nagkakasala na ako ng lubos dahil sa mga mahahalay kong naiisip.

"What are you thinking?" tanong ni Xaitan kaya sa kaniya napunta ang atensiyon ko.

Pinupusod niya ang kaniyang buhok. Napatingin na lang ako sa mga braso niyang malaki at mga ugat nitong banat na banat. Kapag siguro sinakal niya ako, tigok kaagad ako.

"Ang laki ng muscles mo, kapag sinakal mo sigurado ako mamamatay kaagad ako." wala sa sariling sambit ko.

Natawa ito at lumapit sa'kin. "Why are you thinking that I might throttle you using these hands?"

"Naisip ko lang," mahinang sagot ko.

Napasinghap ako nang palandasin niya ang malapad na palad sa aking leeg. Hinimas himas niya ang aking leeg habang seryosong nakatingin sa'kin.

"Yes, I might throttle you...but in bed only." Ngumisi ito. "Sa kama lang kita sasakalin, Sciryn, at hindi mo ikamamatay yun."

Nag init naman ang pisngi ko sa kaniyang sinabi kaya mahina ko siyang hinampas sa braso.

"A-ang bastos mo," nakangusong sabi ko.

"I'm just practical," sabi niya at kinurot ang pisngi ko. "Upo kana sa dining, luto na ang niluluto ko."

Tinalikuran ako nito at nilapitan yung niluluto niya. Imbis na maupo ay naghanda na ako ng pagkakainan namin. Kaming dalawa ang naghain bago kami maupo at magsimulang kumain.

"Malapit na birthday ng daddy mo," sabi ko sa kaniya. "Ano bang gusto ng mga daddy mo? Balak ko kasing mamili ng regalo para sa kaniya."

"It's up to you," sambit niya lang. "Dadaanan din natin ang pamilya mo, gusto nila mom na isama mo sila."

"Mukha ngang bestfriend na si mommy mo at mama ko eh," sabi ko.

Sa Hospital kasi kung mag usap sila ay parang sobrang tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. Si mama, walang preno sa pagkwento ng mga bagay na kinahihiya ko.

"Mom will always be mom." Napailing si Xaitan.

Nang matapos kaming kumain ay siya ang naghugas, habang ako naman ang naglinis ng dining. Dumiretso kami sa salas niya nang matapos na kaming magligpit.

"Let's watch movie," sabi niya at kaagad na kinuha ang remote. "What do you want to watch?"

"Kahit ano na lang," sagot ko at sumandal sa kaniya. "Frozen pala, gusto kong panoorin yun."

Natawa naman ito at kaagad na pinlay ang movie. Kahit na malapit na akong mawala sa kalendaryo, mahilig pa rin talaga akong manood ng mga ganitong movie. Nakakakalma kasi sila.

"Bukod sa'kin, may ibang babae kapa bang nagustuhan at niligawan?" tanong ko.

Curious kasi ako sa buhay niya. At saka, malabong wala siyang nagustuhan dati.

"I have one ex," sagot niya. "Tumagal kami ng six years, but we broke up because she found someone else."

Napatango ako. "Paano kung bumalik siya para i-continue ang relationship niyo? Sayang din ang six years."

"I won't settle for less," sambit niya. "I have you, now."

"Ano namang laban ko sa six years? Wala pa ngayong two months na magkakilala eh–" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong siilin ng halik.

"May laban ka dahil na sa'yo ang puso ko," malambing na sabi nito. "Don't overthink, beautiful. I won't replace you in my heart."

Napangiti na lang ako sumandal sa balikat niya. Wala muna akong panghahawakan sa ngayon kundi ang mga salitang binitiwan niya.

After we watched movie, we decide to go outside. Naglakad lakad kami sa dalampasigan habang magkahawak ang aming kamay.

"Gusto ko kapag nagka-pamilya ako malapit din sa tabing dagat kami titira. Gusto ko kasi ng private life, yung mga walang toxic sa paligid, yung wala akong kaaway." Tiningala ko siya at mariin naman itong nakikinig sa'kin. "Tapos, tuwing mag aaway kami ng asawa ko, lulunurin ko siya."

Natawa si Xaitan. "I think I need to ready myself for that."

Huminto kami sa malilim na parte at naupo sa buhangin habang nakatanaw sa dagat.

"Xaitan, pwede na ba kitang sagutin?" tanong ko sa kaniya. "Feeling ko kasi, ready na ako sa relationship at feeling ko ay nakilala na naman kita."

Tiningnan ko siya, mariin lamang itong nakikinig sa'kin habang nangungusap ang kaniyang mga mata.

Hinawakan nito ang pisngi ko at mabilis na pinagdikit ang mga labi namin. Napapikit na lamang ako at sinabayan ang ritmo ng kaniyang mga labi.

"You don't know how much I'm happy right now," kalmadong sabi niya. "My heart beats fast and I think I'm going to die."

Natawa ako. "Ang OA mo naman."

Ngumuso lang ito at hinalikan ang kamay ko. "You're officially mine now, Sciryn. Kahit wala pa tayong singsing at wala pa tayo sa altar, aangkinin na kita ng buo. No one can get away you from me, they will taste my bullet if they did that."

"Xaitan, sa'yong sa'yo lang ako wag kang mag alala." Nginitian ko siya. "I'm happy because you're not afraid to show me your two sides. You're beast, Xaitan."

"Yes, beautiful. I'm a beast." Umalon ang kaniyang lalamunan. "And this beast have to sides.." Hinalikan niya ako. "The soft one...and the rough one."

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon