TSOB:12

13.1K 334 28
                                    

    
       SOBRANG pormal namin ni Xaitan nang makapasok kami sa conference room ng AB ENTERTAINMENT. Hindi kona pinansin ang sinabi niya kanina dahil mukhang nagbibiro lang naman siya.

Hindi ko nga lang inaasahan na ang magiging cast din ng movie ko, ay ang mga nakasama ko rin sa naunang movie. Ang pagkakaiba lang ay ako naman ang bida at kasama ko rin si Delaney sa movie. Wala nga lang siya rito dahil nasa eroplano pa lang siya.

"Na-approved na ang request movie," sabi ni manager Irene. "Pwede nang i-shoot ang movie, anytime."

"About saan ba ang movie, direk?" tanong ni Jaime–ang magiging leading man ko.

Ayoko sana sa kaniya dahil mayabang siya at madalas akong ipahiya noon sa mga tao.

"About a woman who fell inlove with a dangerous man," sagot ni Xaitan habang direktang nakatingin sa'kin.

"Nice," tumango tango si Jaime. "Mukhang magiging fit itong role para sa'min ni Kylene."

Mukhang hindi pa nasasabi ni Xaitan kung sino talaga ang leading lady niya.

"You're not both the main lead here," malamig ni Xaitan kaya natigilan sila. "Sciryn, is the main character, pangalawa lang kayo."

"Why her?" kunot noong tanong ni Olga–manager ni Kylene. "Wala naman siyang experience sa mga ganiyan direk, baka masira lang ang pelikula."

"She's good in acting," sabi ni Xaitan. "A lot of people asking for her movie. And this is my movie, ako ang masusunod."

Napapahiyang tumungo naman itong masungit na baklita at sinamaan ako ng tingin.

"Sciryn, will be the main character. Siya ang gaganap na Felicia sa movie," sabi ni Xaitan. "And the role for his main lead, will be mine."

Pare pareho kaming gulat sa isiniwalat nito. Kulang na lang ata ay lumuwa ang mata naming dalawa.

"Pardon, direk?" hindi makapaniwalang sambit ni Olga.

"I will be Sciryn's leading man," pormal na sagot nito. "Any problem with that?"

"Wala," sagot ni manager Irene. "Walang wala direk, may chemistry kaya kayo nitong maganda kong alaga."

Pigil ang ngiting umiwas naman ako ng tingin. Nakakainis. Bakit kinikilig ako?

"What's my role here?" salubong ang kilay na tanong ni Jaime.

"Kalaban," sagot ni Xaitan.

Pinag usapan pa naming lahat ang magaganap sa movie at kung kailan ito i-shu-shoot. Napagkasunduan na next week na ang shoot ng movie at ang mas masaya, sa palawan ito kukuhanan.

Saktong matapos ang meeting ay siya namang dating ni Delaney na mukhang pagod na pagod sa biyahe.

"Anong nangyari?" tanong nito. "Nakasimangot si Kylene at Olga nung makasalubong ko. Anong nangyari?"

"Hindi matanggap na magiging bida ang alaga ko," sagot ni manager Irene. "At si direk Xaitan pa ang leading man."

Nanlaki ang mga mata ni Delaney at bumilog ang kaniyang bibig. Ilang sandali lang ay tumili ito at napatalon talon.

"Delaney!" saway ko sa kaniya. "Napapano ka?"

"Dapat laging one hundred times ang take ng kissing scene," sabi nito. "Direk, panindigan niyo ni Sciryn ang kilig ko. Kapag kayo hindi endgame, sisipain ko sa itlog si Third."

Minsan ang sarap itanggi ni Delaney bilang kaibigan. Paano ko nga ba siya natagalan sa matagal na panahon?

"Wag kang makinig diyan," sabi ko kay Xaitan. "May meeting pa ba? Uuwi na sana ako para magkabisa ng mga lines."

"Wala na," sagot niya at tumayo. "Come on, let's go home."

"OMG! BINABAHAY NA ANG ALAGA MO!" sigaw ni Delaney kay manager Irene. "Wag mong istorbohin ah?"

"Deserve naman mabahay ng alaga ko," sagot ni manager Irene.

Napailing na lamang kami ni Xaitan at lumabas ng conference room. Ang sarap batukan nung dalawa kaso masamang manakit.

"Mauna kana sa sasakyan, pupunta lang akong wash room." Tumango lang si Xaitan.

Nginitian ko siya bago lumiko ng daan at magtungo sa washroom. Walang tao sa C.R kaya dumiretso na lang ako sa isang cubicle at umihi. Nang makalabas ako ay may tao na. Si Kylene, kasama si Olga.

"Nandito pala ang makati," sabi ni Olga. "Nakadali ng direktor kaya sumikat bigla."

Alam ko namang ako ang pinariringgan niya pero hindi kona lang siya pinansin. Lumapit na lang ako sa sink at naghugas ng kamay.

"Hindi na ako magugulat mamita kung mabalita na kaya siya nakapasok sa AB ENTERTAINMENT dahil nilandi niya ang mga direktor." Nagpantig na ang tainga ko dahil sa sinabi ni Kylene.

Hinarap ko siya at seryosong tiningnan. "Alam mo, Kylene? Kung walang nakaka-appreciate ng pagiging magaling mo, wag kang manira ng ibang tao."

"Are you talking to me?" madramang humawak ito sa dibdib niya. "Excuse babaeng uling, kaya nga ako sumikat dahil ang daming naka-appreciate ng talent ko. Hindi lang talent ko, dahil na rin sa ganda ko."

"Don't play innocent, Kylene. Yes, you have a talent when it comes to acting, but you're not a pro." Nginisihan ko siya. "Alam naman nating may backer ka lang."

"What did you say!?" galit na tanong nito.

"Isang beses ko pa nga lang sinabi, galit kana. Paano pa kaya kung uulitin ko."

"Hoy babaeng uling!" Dinuro ako ni Olga. "Wag ka ngang mayabang, may direktor ka lang na naguyama, tumapang kana ng ganiyan!"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Matagal lang akong nagtitimpi na wag kayong patulan dahil tinuruan ako ng mama kong rumespeto."

"...at wag manakit ng mga hayop." dagdag ko pa.

Nagsalubong naman ang kilay ni Olga at hinila ang buhok ko, ganun din ang ginawa ng alaga niya. Hindi naman ako nagpatinag at parehong hinila ang buhok nilang dalawa.

Napahiwalay lang kaming tatlo sa isa't isa nang may umawat sa'min.

"Direk, pagsabihan mo ang babaeng yan!" Dinuro ako ni Olga habang inaayos ang buhok niya.

"Bigla na lang po kaming inaway," madramang sabi ni Kylene. "She hurt me and mamita. Binabati lang naman namin siya."

Tiningala ko si Xaitan at nahuli kong nakatitig ito sa'kin na para bang binabasa ang emosyon ko.

"Hurt her again," malamig nitong nilingon si Kylene at Olga. "I will ruin your career."

Napaawang ang bibig nang dalawa dahil sa sinabi ni Xaitan. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas ng C.R. Dumiretso kami sa sakyan niya.

"You should not fight them!" madilim ang mukhang sabi nito.

"What!?" inis kong tanong. "Kinutya nila ako, lumaban lang ako!"

"Dapat tinawag mo ako at nang ako ang gumanti para sa'yo." Naphinga ito nang malalim at inayos ang buhok ko. "Kung lalaban ka o makikipag away, siguraduhin mo namang hindi ka masasaktan. Kung hindi mo naman kayang hindi masaktan, tawagin mona lang ako. You don't know how much I hurt, when I saw you hurt."

"Xaitan..."

"Next time, don't let anyone to hurt you, okay?" Napanguso na lang ako at tumango. "Good, beautiful."

************

IF YOU WANT ADVANCE UD, YOU CAN JOIN TO MY VIP GROUP.

FEE: 50 PER MONTH.

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon