TSOB:18

13K 316 3
                                    

     

   PAGKATAPOS naming kumain ay bumalik na kami ni Xaitan sa room naming dalawa. Yung iba naman naming kasama ay lumabas para mamasyal at maligo sa dagat.

"You don't want to swim?" Xaitan, asked.

I shooked my head. "I just want to rest and memorize my lines. Hindi ko rin ma-e-enjoy dahil nasa labas sila Kylene, kontrabida pa naman ang mga yun sa buhay ko."

"I want to rip their neck," gigil na sumubsob ito sa aking leeg. "How dare them to insult you in front of me?"

"Wala kang gagawin sa kanila," mahinahong sabi ko. "Let them bark, karma na ang bahala sa kanila."

Tumango na lang ito.

"Magpahinga ka muna," sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. "Halatang wala ka pang maayos na tulog."

"I don't have enough sleep when you're starting to avoid me," he murmured. "Don't do that again, okay?"

Tumango lang ako.

Hinila ako nito pahiga sa kama. Mahigpit ang yakap nito sa'kin habang ang mukha niya ay nakasubsob sa aking leeg. Ilang sandali lang ay lumalim na ang paghinga nito at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa'kin. Mukhang nakatulog na siya.

Bahagya akong lumayo sa kaniya para titigan ang mukha niya. I can't imagine that this handsome man is courting me. Napangiti na lamang ako hinaplos ang mukha niyang halos perpekto na sa paningin ko.

Natigil lamang ako sa aking ginagawa nang tumunog ang cellphone ni Xaitan. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bed side table at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Mãe is calling.....

Mae? Sinong Mae? Kunot noong tiningnan ko si Xaitan pero mahimbing itong natutulog at mahinang naghihilik. Hindi naman siguro siya magagalit kung ako ang sasagot ng tawag.

Pinindot ko yung answer at itinapat ang cellphone niya sa aking tawag.

"filho.." malamyos na boses ng isang babae ang nagsalita. "Are you there my filho?"

Filho?

"Hindi po ito si Filho," sagot ko. "Baka po wrong number kayo, Xaitan po yung may ari nung number."

Natawa ang nasa kabilang linya. "Where is he? And who are you?"

"Tulog po si Xaitan," sagot ko. "Sino po sila? Ako po kasi yung nililigawan ni Xaitan."

Hindi naman siguro 'to ibang babae ni Xaitan.

"Patawagan mona lang ako kay Xaitan kapag nagising siya," malambing na sabi nito. "His pai is waiting for him. Byee, darling.."

Namatay ang tawag kaya naibaba ko yung cellphone ko. Napatitig na lang ako sa cellphone ni Xaitan. Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan ang messages nito. Nakita kong may convo sila ni Mae kaya agad ko iyong binasa, kaso nga lang nahilo lang ako dahil ibang salita ang gamit niya sa pag uusap.

Eh, ano naman kung may ibang babae si Xaitan sa buhay niya? Nililigawan lang naman niya ako–pero diba kahit manliligaw pa lang, dapat loyal na?

Napailing na lang ako sa iniisip ko at ibinaba ang cellphone ni Xaitan. Naisipan kona lang lumabas ng room namin dahil kung ano ano nang pumapasok sa isipan ko. Mababaliw na ata ako.

Tumambay ako sa mismong rooftop kung saan may swimming pool at may mga naliligo. Naupo ako sa isang upuan at pinagmasdan na lang ang mga naliligo.

"Don't you mind if I sit beside you?" Napatingala ako nang may magsalita.

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon