TSOB:8

12.3K 309 3
                                    

    "SCIRYN–" Akmang hahawakan ako nito kaya agad akong umatras at umiwas sa kaniya.

"Nakita ko yung CCTV," mahinang sabi ko. "Ikaw yung binabaril nung mga tao... Sino kaba talaga? Alam kong hindi ka pulis."

Sumeryoso ang mukha nito. "I can't tell. It's private."

"Ayaw na kitang makita," sabi ko at nilampasan siya.

Alam kong nakasunod siya sa'kin pero hindi ko siya sinubukang lingunin. Agad akong pumara at sumakay ng taxi na hindi siya nililingon.

Hindi ko lubos isipin na nagsisinungaling siya sa'kin. Sa sobrang panatag at palagay ng loob ko sa kaniya, hindi ko man lang naisip na baka may lihim pa siyang itinatago sa'kin.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana. Alam ko namang wala akong karapatang panghimasukan ang pribado niyang buhay, pero bakit kasi kailangan niya pang magsinungaling sa'kin?

Yung gunman na sinasabi niyang natagpuang pugot ang ulo, siya ba ang may gawa nun? Pumapatay ba siya?

Nabalik lang ako sa realidad nang huminto ang taxi sa hospital. Nagbayad ako sa driver at bumaba, saka dumiretso sa loob ng hospital. Nagtungo ako sa kuwarto ni tito at nadatnan ko itong nakaupo na sa kama na parang walang nangyari.

"Tito!" Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Ayos kana po? Wala nang masakit sa'yo?"

"Wala na," sagot nito. Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya. "Tingnan mo, kung hindi pa kita sinamahan baka ikaw pa ang na-hospital."

"Pero dahil po sa'kin napahamak kayo," naiiyak kong sabi.

"Anak, wala kang kasalanan. At saka mas ayos ng ako na lang, wag kana." Kinurot nito ang pisngi ko. "Walang amang gugustuhing mapahamak ang anak nila."

Napanguso naman ako para pigilan ang luha ko. Natawa naman si tito sa inasta ko at hinalikan ako sa noo.

"Nasaan si Xaitan? Bakit hindi mona siya kasama?" tanong ni mama.

"Busy po," sagot ko lang. "Kumain na po ba si tito? Baka gutom na siya."

"Hindi pa ako makakakain, kailangan pa kasi akong suriin ng doctor." sagot ni tito. "Wag ka nang mataranta, Sciryn."

Tumango na lang ako at tinabihan sa upuan yung dalawang kong kapatid.

"Gutom na ako," nakangusong sabi ni Cyrin. "Ate, ilibre mo kami ni Kuya Jonathan."

"Hindi pa ba kayo kumakain?" sabay silang umiling. Nilingon ko si mama. "Ma, pakakainin ko lang po itong dalawa. Hindi pa pala kumakain."

"Sige, mag iingat kayo."

Lumabas kami ng mga kapatid ko. Dinala ko sila sa isang convenient store malapit sa hospital. Pinaupo ko sila sa upuan sa loob at ako naman ang namili nang kakainin nila.

Nang makabili na ako ay inilapag ko yun sa lamesa nila. Naupo ako sa tabi nila at pinagmasdang silang dalawa na kumain.

"Ate, si Kuya Xaitan." Nginuso ni Jonathan ang lumabas kaya tumingin ako doon.

Nakita ko si Xaitan sa labas na seryoso ang mukha at naglalakad palapit sa'min. Pumasok ito sa convenient store at nagtungo sa gawi namin.

"Let's talk," walang emosyong sabi nito. "Please. . ."

Tumingin ako sa mga kapatid ko. Tumango na lang ako at sinundan siya sa paglalakad. Naupo ito sa upuan sa gilid ng convenient store.

"Lalayuan mo ako?" mahinang tanong nito.

"Depende sa sasabihin mong paliwanag sa'kin –"

"I'm mafia," hinihintay ko na bawiin ang sinabi niya, pero wala akong narinig. "Aside from being director and pilot, I'm mafia too. I work to underground."

"Masamang tao ka?" patanong kong sabi.

"Yeah," tumango ito. "Masama ako sa mga taong masama sa'kin, but I'm not that heartless."

"Kami ng pamilya ko? Sasaktan mo ba kami?" tanong ko.

"Why would I do that?" nagsalubong ang kilay nito. "Hindi ako nananakit ng mga taong inosente at wala namang ginagawang masama sa'kin."

"Okay," nginitian ko siya. "Pwede mo pa rin kaming lapitan kasi hindi mo naman kami sasaktan."

"Really?" nagliwanag ang mukha nito. "You won't push me away?"

"As long as hindi naman ako sasaktan o ang pamilya ko nang taong gustong mapalapit sa'kin, hindi ko sila lalayuan." paliwanag ko. "Wag mo lang i-kwento sa'kin ang mga trabaho mo underground dahil mukhang hindi magandang pakinggan."

"Yeah," natawa ito. "I won't hurt you and your family. I won't let my enemy to hurt you and your family."

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Deal?"

"Deal," sagot nito at nakipag-shake hand sa'kin.

Nang matapos kaming mag usap sa labas ay pumasok na kami sa loob. Hindi pa rin tapos yung dalawang kumain kaya bumili ako ng ice cream namin ni Xaitan para may kinakain kami habang naghihintay.

"Nililigawan mo ba si Ate?" tanong ni Jonathan kay Xaitan na bahagya kong ikinagulat.

"Jonathan!" saway ko sa kaniya.

Napanguso naman ito at bumalik na lang sa pagkain. Nilingon ko naman si Xaitan na may ikinukubling ngiti sa labi.

Nang matapos kumain ang mga kapatid ko ay naglakad na kami pabalik ng hospital. Tulog sila mama at tito nang makapasok kami sa loob.

"Wag kayong maingay," sabi ko sa dalawang kapatid ko. "Kailangan magpahinga nila mama."

Tumango ang mga ito at naupo lang sa sofa, tahimik silang dalawang nag-cellphone. Kami naman ni Xaitan ay lumabas at naupo sa upuan sa gilid.

"Bakit ka pumasok ng underground? I mean, bakit pinili mong maging mafia?" tanong ko.

"Family tradition. Ang mga panganay na anak sa angkan namin ay kinakailangan talagang mapabilang sa mundo ng Mafia," sagot niya. "Well, being mafia is exciting. Ginusto ko rin naman na mapabilang sa underground."

Napatango ako. "Hindi ba kayo nakukulong dahil sa mga illegal na gawin niyo?"

"Walang kinalaman ang mga pulis sa ginagawa namin hangga't hindi kami lumalampas sa limitasyon," sagot niya.

"Ang gulo pala," natatawang sabi ko.

"Yeah," natawa rin ito. "Magulo sa mundo ng mafia, pero dito mo rin makikilala ang mga tunay na kaibigan."

"Yung asawa ni Delaney, kagaya mo rin siya?" tumango ito. "Ligtas naman siya sa kaniya 'no?"

"Don't worry, she's one hundred percent safe. Hindi hahayaan ni Third na madamay ang asawa niya sa mga kaguluhang nangyayari sa buhay niya." Nakahingan naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya.

Pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pag aalala para sa asawa ni Delaney. Siguradong mabubugbog siya ni Delaney kapag nalaman nito ang trabaho niya.

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon