MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising ako. Hindi naman ako nilalagnat, sadyang tinatamad lang ako at mabigat ang katawan ko.
"Good morning." Xaitan kissed my lips. "I cooked breakfast for us, let's eat."
"Pagod ako," inaantok na sagot ko. "Xaitan, ikuha mona lang akong pagkain. Hindi ako makatayo."
"Are you sick?" alalang tanong nito. "You want to go to hospital?"
Umiling ako. "Kuha mo akong pagkain, dalhin mo rin yung balimbing ko."
"Okay," tugon nito at tumayo.
Narinig ko ang paglabas nito ng kuwarto ko. Nakahiga lang ako hanggang sa pumasok siya dala ang pagkain ko. Naupo naman ako sa kama at kinuha ang pagkain ko. Sabay kaming kumain sa kuwarto ko.
"You look pale," alalang sabi nito. "May sakit kaba? Are you low blood?"
"Xaitan, buntis yata ako.." Naibagsak nito ang kutsara niya dahil sa sinabi ko. "Hindi ako dinatnan noong nakaraang linggo, moody rin ako at iba ang pakiramdam ko ngayon."
"Y-you mean, y-you have baby?" Nginuso nito ang tiyan ko. "W-what we need to do? Should I call doctor? Should I buy pregnancy test?"
Natawa ako. "Kumalma ka, hindi ko pa naman sure."
"Buntis ka," siguradong sabi nito. "Hindi ako nagtira sa labas, nilabas ko lahat sa loob mo."
"Paano nga kung buntis ako?" kagat labing tanong ko. "Sigurado bang safe kami ng anak mo?"
Napaseryoso ito. "Kung sakali mang buntis ka, handa akong tapusin ang gusot ko kahit walang plano. I need to make sure that you're safe and our baby."
Napatango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Bibili akong PT." Tumayo ito. "Wait me here, okay?"
Mabilis ako nitong hinalikan bago nagmamadaling umalis. Napailing na lang ako at napatawa bago nagpatuloy sa pagkain.
"Anak?" Napalingon ako kay mama na kapapasok lang ng kuwarto ko. "Pwede ba tayong mag usap?"
"Opo," sagot ko. "Tara dito, mama."
Naupo naman ito sa tabi ko. "Sciryn, buntis ka ba?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Hindi ko pa alam, mama. Pero sa tingin ko po, oo?"
Ngumiti si Mama. "Masaya ako para sa'yo, Sciryn. Alam kong hindi kita nabigyan ng kumpletong pamilya pero hayaan mo sanang magkaroon ka ng kumpletong pamilya. Anak, kung may hindi kayo pagkakaintindihan ni Xaitan, ayusin niyo sana para sa kapakanan ng anak niyo."
"Mama, nabigyan niyo po ako ng pamilya." Hinawakan ko ang kamay niya. "Si tito ang naging papa ko at pinaramdam niya sa'kin ang pagmamahal ng isang ama. Mama, wag po kayong mag alala sa'kin, magiging ayos po ako."
"Hindi ako makapaniwalang magkakaroon na ng pamilya ang baby ko," sabi ni mama. "Mahal na mahal kita, Sciryn."
"Mahal na mahal kita, mama." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
Nasa ganoon kaming posisyon nang dumating ang hingal na hingal na si Xaitan. Bitbit nito ang isang plastic na pregnancy test.
"Here," sabi nito at kinuha yung isa. "How can we use this?"
"Ako lang ang gagamit," sabi ko at kinuha sa kaniya yun. "Xaitan, wag kang mataranta."
Pumasok ako sa C.R dala yung tatlong pregnancy test. Nilagyan ko iyon ng wiwi at naghintay saglit. Nang makita kona ang resulta ay lumabas ako dala yun.
"Positive," nakangiting sabi ko. "Mama, may apo kana!"
"What's the gender?" tanong ni Xaitan na namumutla na. "Is it a girl or boy?"
"Xaitan, hindi ma-de-detect ng PT ang gender ng baby," natatawang sabi ko. "Hindi pa rin makikita ang gender kapag nagpa-check up tayo, masyado pang maliit si baby."
Tumango naman ito bago ako lapitan at yakapin. Naririnig ko ang malakas ng tibok ng kaniyang puso.
"Thank you," sabi nito. "I don't know how to express my feeling right now. I'm so blessed, Sciryn. Thank you so much. I love you."
"May dahilan kana talaga para hindi magloko," natatawang sabi ko. "Hawak ko ang anak mo, Xaitan. Itatago ko talaga sa'yo 'to."
Natawa ito at hinalikan ako sa labi.
"Anong nangyayari dito?" Pumasok si Tito kaya napahiwalay sa'kin si Xaitan.
"Tito, lolo kana po." Nanlaki ang mga mata nito. "Magkakaanak na po kami ni Xaitan."
"Congratulations!" masayang sabi nito. "Kailangan nating i-celebrate yan. Xaitan, tawagan mo rin ang mga magulang mo at pag uusapan na natin ang magaganap sa kasal niyo ng anak ko."
Natawa ako. "Unti untiin po natin."
"I will call my parents," sabi ni Xaitan at mabilis na tinawagan ang kaniyang mga magulang.
Sila mama naman ay lumabas dahil magluluto raw sila para sa celebration mamaya.
Aaminin ko, natatakot pa rin ako sa mga posibleng mangyari lalo na at may supling sa aking sinapupunan. Pero magtitiwala ako kay Xaitan, magtitiwala ako sa kaniya dahil alam kong po-protektahan niya kami.
"I know you're worried because I have enemy," sabi ni Xaitan habang hinahaplos ang tiyan ko. "But don't worry, I will settle everything starting tomorrow. Kailangan kong kaagad kumilos dahil dalawa na kayong po-protektahan ko. Ibibigay ko ang patayang gusto nila, pero hindi ako mamamatay. Sinong papakasalan mo kapag namatay ako?"
"Ako, pwedeng ako." Napalingon kami sa nagsalita. Si Yuki, prenteng nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kuwarto ko. "Hindi kana lugi sa'kin, magkahawig naman kami ni Xaitan."
"Shut up!" masungit na sabi sa kaniya ni Xaitan. "Pupunta dito ang parents ko, handa kana bang magpakita sa kanila?"
"Kaya nga ako nandito eh," sagot niya. "Balita ko nga rin may pamangkin na ako eh. Dapat kapangalan ko yan para mas gwapo lalo."
"Who says that you're handsome?" tanong sa kaniya ni Xaitan. "You're not handsome, Yuki, stop dreaming."
Nagsimula nang mag-asaran ang magkapatid. Naupo lang ako doon at kumain ng balimbing habang pinagmamasdan silang dalawa.
Bakit mukha na silang itlog sa paningin ko?
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
ActionShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...