"HINDI ba pwedeng mag leave ka muna?" tanong sa'kin ni Xaitan na nag-da-drive. "You're pregnant, Sciryn. We need to be sure that our baby will be safe."
"Xaitan, magaang role lang naman ang mayroon ako." sagot ko. "Wag kang mag alala dahil magiging okay lang ako. At isa pa, nakabantay ka naman sa'kin eh."
"Fine," sabi nito pero halatang labag sa kalooban niya ang pag sang ayon.
Kababalik lang namin ng manila matapos ang ilang linggong leave. Maayos na naman daw ang lahat at nahuli na ang mga nagpaputok ng baril kaya tuloy na ulit ang shoot.
"But trust me, if something bad happen to you. I will fvcking ruin them," seryosong sabi nito.
"Kumalma ka lang," natatawang sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Promise, magiging maayos lang ang lahat."
Nang makarating sa lugar kung saan kami mag-shu-shoot ay kaagad kaming bumaba ng sasakyan.
"You're here." Nakangiting sinalubong ako ni Manager Irene. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Opo," nakangiting sagot ko. "Keri kona ang magtrabaho, ang tagal na kaya nang pahinga ko."
Ngumiti lang ito at hinila na ako palapit sa mga kasamahan namin.
"Tumaba ka," sabi ni Olga. "Hindi kaya masira ang image ng pelikula natin?"
"Buntis kasi," sagot ko na ikinawala ng ngiti niya. "Mas pipiliin ko kasi ang baby ko kaysa ang mag diet."
Hindi na kumibo si Olga at tinarayan na lang ako. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang shoot namin. Ramdam ko ang bawat tingin sa'kin ni Xaitan kaya tuwing dumadaan ang paningin ko sa kaniya ay nginingitian ko siya.
Nang matapos ang eksena namin ay kaagad ko itong nilapitan.
"Are you hungry?" malambing na tanong nito.
"Gusto kong chicken," bulong ko sa kaniya. "Bilhan mo ako."
Tumango ito bago tawagin ang kapatid. "Go, buy some chicken for our lunch."
"Bakit ako?" maktol ni Yuki. "Ang trabaho ko ay bantayan si Sciryn, hindi maging tagabili mo."
"Wag ka nang magreklamo ililibre naman kita!" masungit na sabi ni Xaitan sa kapatid.
Umirap naman si Yuki bago umalis para bumili. Magrereklamo pa, papayag din naman pala.
"I love you," malambing na sabi ni Xaitan at hinalikan ako sa pisngi. "Do you want to eat something else? Example, me. Do you want to eat me?"
Natawa ako. "At kailan kapa natutong bumanat ng mga ganiyan?"
Napasimangot ito. "Yuki, taught me that line. I swear I will punch him!"
"Ang init ng dugo mo sa kapatid mo," natatawang sabi ko. "Mas mukhang ikaw ang naglilihi kaysa sa'kin."
Hindi ito kumibo at sumubsob lang sa leeg ko. Nasa ganoon lang kaming posisyon hanggang sa dumating si Yuki. Inihanda ni Xaitan ang pagkain namin bago kami magsimulang kumain.
"Ang baho naman niyang kinakain mo!" singhal ko kay Yuki na kumakain ng ampalaya. "Ayoko nang amoy!"
"Ang bango kaya!" Umirap ito.
Hindi kona kinaya kaya tumayo ako. "C.R lang ako."
Agad akong tumakbo patungong C.R. Dumuwal ako sa lababo. Sayang ang mga kinain ko. Naisuka ko lang lahat.
Nang makapagmumog ako ay agad akong lumabas ng C.R. Napahinto ako nang may matulis na bagay ang tumutok sa tagiliran.
"Wag kang sisigaw at tahimik na sumama sa'kin," sabi ng lalaking nasa likuran ko.
"Okay," sagot ko lang.
Hindi ako nakaramdam ng takot kahit na kaunti. Hindi ko alam kung bakit.
Pinaglakad ako nito at dinala sa parking. Akmang isasakay ako nito sa isang sasakyan pero bigla na lang siyang bumagsak.
"Are you okay?" alalang tanong ni Xaitan.
"Hmm.." Tumango ako at nilingon yung lalaki wala nang buhay. "Binaril mo?"
Tumango ito. "Are you sure you're okay? Wala bang masakit sa'yo?"
Umiling ako. "Xaitan, mukhang marami rami kang kalaban."
"Ginagawan kona ng par–fvck!" Mabilis ko itong nilapitan nang aktong babagsak siya.
"Ayos ka lang?" alalang tanong ko. May nakapa akong kung ano sa likuran niya na agad kong binunot. Isang syringe.
"T-this is bad.." bulong niya. "G-get my phone and open my location–"
Bigla siyang nawalan ng malay. Nanginig ang katawan ko nang may isang matandang lumitaw sa likuran niya. Malawak ang ngisi nito at maraming kasamang armado.
"Sino kayo?" takot kong tanong. "Anong kailangan niyo?"
"Kuhanin ang mga yan!" utos ng matanda. "This is will be exciting.."
Agad nilang kinuha si Xaitan. Akmang tatakbo ako kaya lang may humablot ng buhok ko.
"Escaping?" nakangising tanong nung matanda. "Dalhin ang mga yan.."
Sinakay nila kami sa isang van. Niyakap ko si Xaitan na walang malay at pasimpleng dinukot ang cellphone niya. Binuksan ko ang location niya kagaya ng sabi niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal nag binyahe namin bago huminto ang van. Hinila ako pababa ng mga armado. Nasa isang abandonadong piyer kami.
"Tie that two idiots," utos ng matanda. "Bantayan niyong maigi dahil kapag nakatakas ang mga yan, kayo ang papatayin ko!"
Dinala kami ng mga armado sa isang sirang yacht. Tinali nila kami ni Xaitan na wala pa ring malay.
"Xaitan!" Siniko ko ito. "Gumising ka!"
"Naaayon lahat sa plano." Napatalon ako sa gulat nang magsalita ito at kumilos. "I can believe that he's still idiot until now. Walang utak na matanda."
"Ano bang nangyayari?" kinakabahang tanong ko. "Sino ang mga yun?"
"He's Yuri's father," sagot nito. "He's my enemy."
Sa isang iglap ay sira na ang tali nito. Lumapit ito sa'kin at tinanggal ang pagkakatali ko.
"This is part of our plan," sabi nito. "Kapag dumating sila Yuki, sumama ka kaagad sa kaniya. Tatapusin ko ang laban namin ng ama niya."
"Sumasakit ang ulo ko." Napahimas ako ng sintido ko. "Anong plano bang sinasabi mo?"
Umiling ito. "Ipaliliwanag ko ang lahat kapag maayos na. Basta, sumama ka kay Yuki, mamaya."
"Ikaw? Maiiwan ka?" alalang tanong ko. "Xaitan, ang daming tauhan nung matandang yun! Hindi mo kayang mag isa ang kalabanin sila."
"Half of his men are my men," sagot nito. "Naplano na naming lahat ng ito. One of the reason kaya pumayag akong bumalik tayo sa manila. I'm sorry because I use you as my bait."
Niyakap ko siya. "Naiintindihan ko, pero siguraduhin mong magiging maayos ka. Kapag namatay ka, si Yuri ang pakakasalan ko."
Natawa ito. "I won't die, Sciryn. Promise."
Bigla kaming nakarinig nang sunod sunod na putukan at pagsabog. Bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan kami.
"Tara na," sabi ni Yuki at inilahad ang kamay niya.
Hinalikan ko muna si Xaitan bago tanggapin ang kamay ni Yuki. Nilingon ko muli si Xaitan pero wala na ito doon.
"Magiging ayos lang naman siya, diba?" alalang tanong ko kay Yuki.
"Hmm.." Tumango ito. "At mas lalo siyang magiging ayos kapag ligtas ka.."
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AcciónShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...