TSOB:17

14.8K 356 18
                                        

    

     "AT bakit kayo nanghingi ng panabong na manok kay Xaitan?" seryosong tanong ko sa mga kapatid ko.

Talagang hinintay ko silang makauwi galing school para mapagsabihan. Mababaliw yata ako sa nalaman ko.

"Tinutulungan namin yung lolo na nakatira malapit sa school namin," sagot ni Jonathan. "Namatay kasi yung manok niyang panabong at nalulungkot siya, kaya nanghingi kami ng panabong na manok kay Kuya Xaitan."

"Okay, gets ko yun." Napahinga ako nang malalim. "Pero bakit naman kayo nag-ca-cutting para lang makapagsabong?"

"Pilay kasi si lolo, hindi siya makapunta sa sabong." sagot ni Cyrin. "Sorry na po, ate, hindi na namin po uulitin."

Napahimas ako sa sintido ko, sumobra naman ata sa bait ang dalawang ito.

"Wag niyo nang uulitin ah?" Tumango sila. "Masamang gawain yun, lalo pa at mga bata pa kayo. Jonathan, malaki kana, dapat alam mona ang tama at mali."

"Gulo mo, ate." Nagkamot ito ng ulo bago ako lapitan at yakapin. "Hindi na mauulit, promise."

Sumali din sa yakap si Cyrin. Nakakamiss ang dalawang makulit na bata na ito.

"How about me?" sabad ni Xaitan. "Are you still mad at me?"

"Mamaya tayo mag uusap," sagot ko lang.

Umusli naman ang nguso nito at nanahimik. Parang batang pinagsabihan ng nanay niya.

Nasa ganoon kaming posisyon nang dumating si tito. Agad akong humiwalay sa dalawa at ito naman ang nilapitan. Niyakap ko siya saglit.

"Kumusta po?" tanong ko sa kaniya. "Hindi na po ba malala ang sugat niyo?"

Umiling ito. "Maayos na maayos na ako, anak. Ikaw? Medyo pumayata ka."

"Kabaliktaran po ata," nakangusong sabi ko. "Tumaba po ako."

"Nagkalaman ka lang," sagot niya. "Nasabi na ba ng mama mo ang ginawang kalokohan ng manliligaw mo?"

Tumango ako. "Napagsabihan kona po yung dalawa kong kapatid."

"Sa iyo lang naman takot ang dalawang 'yan," natatawang sabi nito. "Pahirapan mo ang manliligaw mo, ah? Aprubado na naman siya sa'min ng mama mo, pero na sa'yo pa rin naman ang desisyon."

Pabulong lang ang pagkakasabi nito sa huling sinabi niya kaya kaming dalawa lamang ang nakarinig.

"Opo," tanging naisagot ko. "Aalis na po kami, baka po kasi hinahanap na kami ng mga kasama namin."

"Mag iingat kayo," binalingan nito ang kasama ko. "Xaitan, ingatan mo itong anak ko."

Tumayo si Xaitan at lumapit sa'min. "Yes, sir."

Nagpaalam na rin ako sa mga kapatid ko at kay mama, bago kami umalis ni Xaitan. Sa biyahe ay tahimik lang kami, hindi ito nagsasalita at hindi ako nito kinukulit. Mukhang pinakikiramdaman niya muna ako.

"Hindi na ako galit," sabi ko. Agad naman itong napalingon sa'kin. "Pero kung may hihilingin ang mga kapatid ko o ang mga magulang ko, sabihin mo muna sa'kin ah?"

Tumango ito. "I will."

Maaliwalas na ang mukha nito, hindi mukhang inapi ng kung sino. Nang makarating kami sa resort ay agad kaming bumaba ng sasakyan. Ito ang may dala ng mga gamit naming dalawa.

"Anong room ko?" tanong ko.

"Magkasama tayo sa iisang kuwarto," sabi nito, na ikinatango ko lang.

Hindi na naman bago sa'kin yun, wag nga lang sanang maulit yung nangyari noong nakaraan. Okay lang yung kiss, kasi para din naman sa role namin yun. Yun ang sabi ni Xaitan.

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon