NAKALABAS na si tito at nakauwi na rin kami sa bahay. Iyon nga lang ay kailangan ko nang bumalik sa manila dahil may biglaang interview kaming mga cast ng movie. Kailangan daw nandoon lahat dahil maraming bigating reporters ang pupunta.
"Ingat ka," sabi ni mama at niyakap ako. "Balik ka, ah?"
"Opo, mama." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.
Niyakap ko rin ang dalawa kong kapatid na bahagya pang nakanguso. Siguradong mamimiss ako ng dalawang ito.
"Tito, wag pasaway po. Bawal ka munang kumilos," sabi ko kay tito. "Mag iingat po kayo dito."
"Mag iingat ka rin doon, iha."
Ngumiti naman ako sa kaniya at niyakap siya. Kinuha kona yung maleta ko at naglakad na palabas ng bahay.
Nakakalungkot dahil hindi ko man lang sila makakasama nang matagal. Hindi pa man din nakakaalis pero sobrang miss kona sila agad.
"You're sad." Napalingon ako sa nagsalita, at bahagyang gulat ang bumakas sa aking mukha nang makilala ito.
"B-bakit ka nandito?" utal kong tanong. "Akala ko nakabalik kana sa manila?"
Sa halip na sumagot, lumapit lang ito sa'kin at kinuha ang dala kong maleta
"Sabay tayo," sabi niya.
Lumapit ito sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto. Napakamot naman ako sa ulo ko at sumakay. Isinara nito ang pinto at nagtungo sa likod ng kotse. Inilagay niya muna sa trunk yung gamit ko bago siya sumakay.
"Kumain kana?" tanong niya habang nag-da-drive.
"Sa airplane na lang," sagot ko. "Ikaw ba ulit yung magiging pilot?" nakasuot kasi siya ng pilot uniform.
"Hindi na," sagot niya. "Samahan na lang kita, hindi kapa pala kumakain."
Natawa ako. "Sira ka talaga."
Ngumisi lang ito at nag-focus sa pag-da-drive. Halos isa't kalahating oras ang binyahe namin bago namin marating ang airport. Bumaba ako ng sasakyan pero hindi pa rin bumababa si Xaitan na ikinataka ko.
Hinintay kona lang siya sa silong. Limang minuto yata ang nagdaan bago siya lumabas. Napaawang na lang ako ng bibig nang makitang iba na ang suot niya. Isang black t-shirt at itim na slacks.
Kinuha nito ang gamit ko sa likod ng kotse niya at parang modelong naglakad palapit sa'kin.
"I know, I'm handsome." nakangising sabi nito.
"Oo, pogi ka."
Sabay kaming naglakad papasok ng airport. Halos lahat ng mga kasabayan namin ay napapatingin sa'ming dalawa, lalo na sa kasama ko.
Nang makapasok sa eroplano ay magkatabi kaming dalawa sa seat. Todo asikaso ito sa'kin na para bang may relasyon kami.
Tumayo si Xaitan nang magsimulang lumipad ang eroplano. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta at huminto siya sa harapan ng isang flight attendant. May sinabi siya sa babae bago bumalik sa'kin.
"Anong mayroon?" tinaasan ko siya ng isang kilay.
"I'm requesting food for you," sagot niya. "Hindi pwedeng gutom ka. Sa interview na agad tayo didiretso kapah nakalapag ang eroplano."
"Yung kotse mo pala? Paano yung kotse mong naiwan sa airport?" takang tanong ko.
"May tauhan kong kukuha non.."
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Ilang sandali lang ay dumating ang isang flight attendant na may dalang pagkain.
"Thank you," sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito...sa kasama ko bago umalis. Nagsalubong naman ang kilay ko sa ginawa nito at nagsimulang kumain.
"Ikaw? Kumain kana?" tanong ko sa katabi ko.
Tumango lang ito at sumandal sa upuan. Tinapos ko naman ang pagkain ko. Kinuha nung babaeng flight attendant yung pinagkainan ko at muling ngumiti sa kasama ko.
"Type ka nung flight attendant," kalabit ko sa kaniya.
Tumaas lang ang isang kilay nito bago isandal ang ulo sa balikat ko. Umayos naman ako ng upo para hindi siya mangawit.
Muling dumaan yung babaeng flight attendant at tumingin sa kasama ko. Napasimangot ito nang makita ang ayos namin ni Xaitan, kaya nginisihan ko siya.
Buong biyahe ay nakadantay lang ang ulo ni Xaitan sa balikat ko at mukhang natutulog din siya. Ako naman ay nakatutok lang sa cellphone ko dahil ka-text ko ang manager ko at si Delaney.
Ilang oras lang ay nag-landing na ang eroplano. Ginising kona si Xaitan at pareho kaming bumaba ng eroplano.
Sa kaniya ulit ako sumabay papunta sa hotel kung saan magaganap yung interview namin. Ang dami niyang kotse, sana lahat.
"Hindi ba tayo ma-i-issue nito?" nakangiwing tanong ko.
"Let them," sagot niya lang.
Maraming reporter sa labas nang makarating kami ni Xaitan sa hotel. Halos busugin kami ng mga ito sa litrato nang sabay kaming bumaba. Bahagyang nag-ekis ang lakad ko dahil sa nakakasilaw na flash.
"Stop taking pictures," malamig na sabi ni Xaitan at inalalayan ako.
Nakaalalay ito sa'kin hanggang sa makapasok kaming dalawa sa loob. Dumiretso kaming dalawa sa pinaka-main room ng interview. At halos lahat ng atensiyon nila ay nasa amin ni Xaitan nang makapasok kami sa loob.
Napayuko naman ako dahil sa hiya pero si Xaitan ay taas noong sinasabayan ako sa lakad.
"Late na ba kami?" alalang tanong ko sa manager ko.
"No, kasisimula pa lang namin." nakangiting sagot niya. "Mukhang may maiinggit na naman sa'yo mamaya."
Alam ko kung sino yung pinariringgan niya, kaya nilingon ko yung manager ni Kylene. Masama ang tingin nito sa'kin, ganun din yung alaga niya.
Nagsimula na ang interview sa'min kaya pare parehong kaming naging formal.
"Ms. Sciryn, anong masasabi mo sa mga basher na maraming sinasabi sa'yo about sa movie?" tanong ng isang reporter.
"No comment," sagot ko. "Hindi ko naman hawak ang buhay nila. Let them bash me, I just don't care about them."
"May kumalat na larawan na magkasama kayo ni Direk Xaitan sa palawan. Anong masasabi mo dooon?"
Litrato? Bakit wala naman akong nakita sa social media.
"Deleted na ang mga litrato," dagdag oa nung reporters. "Pero marami pa ring curious tungkol doon. May relasyon ba kayo?"
Napatingin naman ako kay Xaitan at nahuli kong nakatingin din ito sa'kin. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang mga nangyari.
"We're friends," si Xaitan ang sumagot kaya sa kaniya napunta ang atensiyon. "Palawan is a nice spot for vacation, wala namn sigurong masama kung magbakasyon ako kung nasaan siya diba?"
"Pero ang sweet niyo sa litrato, Direk." Sabad nung manager ni Kylene.
"We're just laughing to each other, it's normal." sarkastikong sagot nito. "What do you want me to do? Punch her?"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa pagiging suplado nito o hindi.
Laking pasasalamat ko dahil naitawid namin nang maayos ang nangyaring interview. Nang makalabas ang reporter ay binigyan na kami ng pagkain ng mga staff.
"Ang suplado mo," pasimpleng bulong ko kay Xaitan habang kumukuha ng pagkain.
"His question is so damn stupid," nakasimangot na sagot niya.
"Pero anong nangyari sa pictures?" takang tanong ko. "Bakit wala akong nakita?"
"I clean all of them," sagot niya. "I don't want you to worry anymore. Nasa hospital pa ang tito mo noon."
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Thank you, Direk."
"Anything for you.."
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AçãoShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...