TSOB:21

11.7K 326 1
                                    

      MALAPIT nang magsimula ang shoot pero hindi pa rin bumabalik si Xaitan, medyo kinakabahan na ako at hindi na mapakali.

"Saan ba pumunta si Direk?" kunot noong tanong ni Delaney. "Pati si pareng Third, wala."

Mukhang magkasama si Third at Xaitan, wala naman sanang masamang nangyari sa dalawang iyon, lalo na kay Xaitan.

"Sabi saglit lang sila," mahinang sabi ko.

"Ang pangit na nga ng shooting place natin, masyado pa tayong pinaghihintay!" Inis na sabi ni Kylene.

Hindi kona lang ito pinansin kahit pa gustong gusto kona siyang sabunutan kanina pa.

Saglit pa kaming naghintay kay Xaitan. At mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko nang matanaw kona ito. Hindi na ako nakapagpigil pa at agad siyang sinalubong.

"Ang tagal mo," mahinang sabi ko. "Akala ko may nangyari nang masama sa'yo, sabi mo kasi saglit ka lang!"

"Sorry for worrying you," saglit itong ngumiti sa'kin. "Let's start our shooting now."

"Ayos ka lang ba?" alalang tanong ko sa kaniya dahil mukha siyang hindi okay.

"Yeah," sagot niya. "Let's start our shooting now."

Kahit hindi naniniwala sa kaniya ay wala na akong nagawa pa. Ang eksena ni Xaitan ay makikipag laban siya sa mga kaaway niya at ako naman ay magiging bihag. Itatali sa'kin ang isang tali at bahagya akong iuusli sa bangin.

"Safe ba yung tali?" kinakabahang tanong ko.

"Safe 'yan," sagot ng assistant ni Xaitan. "Wag kang matakot, dinouble check na rin iyan ni direk."

Tumango na lang ako.

Malakas ang kabog ng puso ko habang nakausli ako sa bangin, kapag naputol yung tali o natanggal yung kahit isang tornilyo sa konektado sa bakal siguradong malalaglag ako.

"ACTION!"

Nagsimula na ang eksena ni Xaitan, pinanood ko lamang itong makipaglaban sa kaniyang mga kunwaring kalaban.

Nang itapat sa'kin ang camera ay pinatulo ko ang mga luha ko dahil kasama iyon sa eksen–

"Shit!" Napamura ako nang marinig kong lumangitngit yung bakal.

Bago ko pa masabing i-check muna ang tali ay unti unti nang bumigay ang tornilyo. Napasigaw na lamang ako nang unti unti akong mahulog sa bangin, ngunit bago ako tuluyang mahulog ay may mga brasong humawak sa taling nasa beywang ko. Dahil doon ay napawasiwas ako at tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay.

Nakaramdam na lamang ako ng hilo at ramdam ko ang unti unting pandidilim ng paningin ko.

"IF SOMETHING BAD HAPPENS TO HER, I WILL FVCKING MAKE SURE TO KILL Y'ALL!" dinig ko pang sigaw ni Xaitan bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Nang magising ako ay nasa isang puting kuwarto ko, nalaman kona kaagad na nasa hospital ako dahil sa amo.

"Are you feeling okay?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Xaitan. "May masakit ba sa'yo?"

Napahawak ako sa ulo nang bahagya itong kumirot. Nang makapa ko ang benda ay unti unting nanumbalik sa'kin ang mga nangyari.

"Don't force yourself," nilapitan ako nito at inalalayan. "I'm fvcking scared, Sciryn. You're unconscious for almost fvcking two weeks!"

T-two weeks!?

"Paano yung shootin–"

"–Don't mind that," malamig na sabi nito. "You need a rest."

Napatitig ako sa mukha niyang walang emosyon. Alam kong may ginawa siyang hindi maganda sa mga kasamahan namin.

"Xaitan, anong ginawa mo?" seryosong tanong ko. "Wala naman silang kasalanan sa nangyari."

"They fvcking planning to kill you!" galit na sabi niya. "Inamin nila sa'kin yun, nagsabwatan sila! If you can forgive them, well I'm not you."

"Xait–"

"–The doctor is here, lalabas lang ako saglit."

Hindi na ako nito pinagsalita at basta na lamang akong tinalikuran. May mga pumasok na doctor at sinuri ako, tinanong din nila ako ng ibang bagay na nasagot ko naman.

Nang makaalis ang doctor ay pumasok na ulit si Xaitan.

"Don't worry, I didn't kill them....yet." Naupo ito sa upuang nasa gilid ko. "I just fvcking let them taste my punishment."

"Anong ginawa mo?" seryosong tanong ko.

"I took everything for them," pormal na sagot nito. "Even you mad at me, I will never forgive them. They deserve hell after what they did to you."

"Baka nagkakamali ka–"

"–I am mafia, Sciryn." madiing sabi niya. "Do you think I am that stupid?" Huminga ito nang malalim. "Sciryn, can we not talk about them? It's not good for your condition."

Tumango na lang ako. "Ayos ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka?"

"I can't sleep because I'm so worried about you," he held my hand. "I'm so thankful because you have no any head injury."

"Paano na yung shoot natin?" Napanguso ako. "Sayang naman yung ginastos mo at pinaghirapan mo."

"I have a new plan," sagot nito. "Wag munang trabaho ang isipin mo ngayon, mahabang pahinga ang kailangan mo."

Ngumiti ako sa kaniya. "Matulog ka sa tabi ko.."

Umiling ito at dumukmo sa kama ko. "Dito na lang ako, baka masaktan ka kapag tinabihan kita.."

Hindi na ako sumagot at hinaplos lang ang buhok niya. Ipinatong naman niya ang braso sa aking tiyan na para bang niyayakap niya ako.

Ilang minuto lang ay nakatulog na si Xaitan. Napangiti na lang ako nang makitang bahagya itong nakanguso at salubong na salubong ang kaniyang kilay.

"Kahit sa pagtulog, masungit.." natatawang sabi ko.

Hinawakan ko ang kamay nitong nasa tiyan ko at pumikit na lang din hanggang sa makatulog.

"Oo, kumare!"

"Siguradong magiging magkasundo tayong dalawa, kumare!"

Nagising ako nang may marinig akong ingay. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa'kin ang pamilya ko, may isang ginang din at isang lalaking kahawig ni Xaitan?

"Ma," tawag ko sa mama ko. "Si Xaitan po?"

"Umuwi saglit," nakangiting sagot nito. "Maliligo lang daw siya at may aasikasuhin."

"Hindi man lang nagpaalam," napanguso ako. "Mama, sino po sila?" Binalingan ko ng tingin yung dalawang bisita namin.

"Mga magulang ni Xaitan," sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Nag aalala sila sa magiging daughter in law nila kaya dumalaw sila."

Nahihiyang napalingon naman ako sa mga magulang ni Xaitan. Naalala ko bigla ang nangyaring pag uusap namin ng mama ni Xaitan.

"How are you, iha?" tanong ng daddy ni Xaitan.

"Ayos lang po," nahihiyang sagot ko. "S-salamat po sa pagpunta.."

"I'm glad that we already meet you," nakangiting sabi ng mama ni Xaitan. "Sa birthday pa sana ng asawa ko, kita i-mi-meet pero sobra talaga akong nag aalala sa'yo. At isa pa, para masabi kong hindi ako kabit ni Xaitan."

Wala sa sariling naitakip ko ang kumot sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Gusto kona lang lumubog ngayon sa kinahihigaan ko.

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon