TSOB:10

12.6K 315 8
                                    

       UWING uwi na ako, kaya lang nakakahiyang magpaalam lalo pa at nagkakasayahan ang lahat.

"Wala ka pang asawa?" tanong ni Kylene kay direk, na umiling lang. "Really? You're gorgeous, direk. I can't believe that you're still single."

"I don't do relationship," sagot niya. "Just flings."

"Can I be your one?" banat ni Kylene na nakapagpataas ng isang kilay ko. "Just kidding."

"I don't do flings, now," sagot ni Xaitan at tumingin sa'kin. "Naisip ko kasing hindi maganda sa kalusugan yun."

"Pero may nagustuhan ka?" tanong sa kaniya ni manager Irene–manager ko.

"Hmm," tumango ito habang nasa akin pa rin ang tingin.

Napanguso naman ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Bakit sa'kin siya nakatingin habang sinasabi yun?

"Nandito ba yung nagugustuhan mo?" tanong ulit ni manager Irene sa kaniya.

Pasimple kong tiningnan si Xaitan. Ngumiti lang ito nang matamis at kinagat ang pang-ibabang labi niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa isasagot niya.

"Aalis na ako," paalam ko kaya sa'kin napunta ang atensiyon. "Pasensiya na po, pero gusto po sanang magpahinga."

"Mag iingat ka," sabi ni direk Lambao.

"Hatid kita?" alok ni manager Irene.

"Hindi na po, mag-taxi na lang ako." Dinampot ko ang bag ko at tumayo. "Maraming salamat po sa inyo."

Bahagya akong yumuko bago lumabas ng kuwartong iyon. Gusto kona talagang magpahinga, masakit kasi ang ulo ko.

"Are you not feeling well?" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may magsalita.

"Bakit ka nandito?" gulat kong tanong kay Xaitan. "Uuwi kana rin?"

Tumango ito. "Hatid kita."

Tatanggi na sana ako kaya lang kinuha nito yung dala kong maleta at bag. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

"Ang dami mong kotse," sabi ko nang makasakay kami ng sasakyan niya.

Ngumiti lang ito at pinaandar ang sasakyan. Dahan dahan lang ito sa pag-da-drive kaya hindi nadagdagan ang sakit ng ulo ko.

"Saan ka nakatira?" tanong ko sa kaniya.

"You will know later," tanging sagot niya.

Hindi na ako sumagot at nag-focus na lang sa daan. Alas tres pa lang ng hapon kaya medyo mainit pa.

Nang makarating sa condo building ay agad akong bumaba. Si Xaitan ang may dala ng mga gamit ko habang papasok kami sa loob. Mukhang ihahatid niya ako.

"Akin na," sabi ko at kinuha sa kaniya yung mga gamit ko nang bumukas ang elevator sa floor ko. "Kanina mo pa dinadala ang mga gamit. Ini-spoil mo ako masyado."

"I love spoiling you," nakangiting sabi niya. "Isa pa, magkatabi lang naman ang condo nating dalawa."

"Ikaw yung nakatira sa kabila?" gulat kong tanong.

Tumango ito at sumandal sa pader. Tinanggal niya ang pagkakatali sa buhok niya at sinuklay ito gamit ang daliri.

"Are you tired?" tanong nito at tumango naman ako. "Can I have your  keys?"

"Anong gagawin mo sa susi ko?" takang tanong ko.

"Pupuntahan kita mamaya. Ako ang magluluto ng dinner natin." Dinner natin? "Let's have a dinner, later."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kinalkal ko yung duplicate sa bag ko at ibinigay sa kaniya.

"Gisingin mo ako para matulungan kita," sabi ko.

"Okay."

Nginitian ko siya bago pumasok sa condo ko. Dumiretso agad ako sa kuwarto ko at inilagay sa gilid ang mga gamit ko. Patalon akong humiga sa kama.

Bakit ba ang sweet sa'kin ni Xaitan? Ako ba yung tinutukoy niyang gusto niya?. . . Ang assuming ko masyado. Asa naman akong magugustuhan ako ni Xaitan.

Napailing na lang ako at itinulog ang pagiging assuming ko.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nagising ako, bukas na yung aircon at may kumot na ako. Napakamot na lang ako sa ulo ko at lumabas ng kuwarto habang naghihikab.

Natigilan ako nang makitang may lalaking nakaupo sa sofa habang nanonood ng television.

"You're awake." Lumingon ito sa'kin.

OMG! Nakalimutan ko yung dinner namin. Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil siguradong mukha akong sabog.

Wala naman akong pakielam dati sa itsura pero ngayon kaharap ko si Xaitan, masyado akong natataranta.

"Don't hide your beautiful face," ungot nito. "Come on, show me your face."

Napanguso naman ako at tinanggal ang kamay ko sa aking mukha. Inayos ko ang buhok ko at naglakad palapit sa kaniya.

"Nakapagluto kana?" tanong ko at naupo sa tabi niya. "Sabi ko gisingin mo ako eh."

"Masyado kang pagod," sagot niya. "Naghihilik kapa nga."

Nag init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin, siya ang nagbukas ng aircon at ang nagkumot sa'kin.

"Gutom kana ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "Come on, let's eat."

Tumayo kaming dalawa at nagtungo sa kusina. Napaawang na lang ako ng bibig nang makita ang maraming pagkaing nakahain sa lamesa.

"Ang dami naman nito," sabi ko sa kaniya.

Ngumisi lang ito at ipinaghila ako ng upuan. Nang makaupo ako ay siya naman ang naupo.

"Talagang sisirain mo ang pagiging sexy ko," natatawang biro ko sa kaniya. "Paborito ko pa talaga ang niluto mo."

"I called your mother and asked your favourite food," he said. "Hindi naman pwedeng basta na lang ako magluto."

"Lahat namang kinakain ko," sagot ko.

Pilyong ngumiti ito kaya mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Let's eat."

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapaisip na lang. Bakit ginagawa ni Xaitan ang mga bagay na 'to?

He always spoil me and treat me like a queen. Pakiramdam ko sobrang special ko dahil sa paraan nang pagtrato niya sa'kin. Bukod sa tito ko, siya lang ang lalaking tumrato sa'kin ng ganito.

I'm happy, but at the same time I'm scared. I don't want to hurt my feelings again. Is he really like me? Or he just need something from me?

"What are you thinking?" he asked.

"Why are you doing this?" seryosong tanong ko. "Why are you treating me like this? Xaitan, naguguluhan ako sa mga nangyayari."

"You're special for me," nakangiting sabi niya. "I'm doing all of this because you deserve it."

"Xaitan. . ."

"Just let me treat you like this. Just let me spoil you. Hayaan mo akong iparamdam sa'yo ang mga bagay na deserve mo. You're very different woman, Sciryn and I love how the way I treat you. . . "

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at tumango..

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon