MAGA ang aking mga mata kinabukasan, alam kong napansin iyon nila mama pero hindi na lang sila nagtanong.
"Ate, gusto mong ice cream? Ililibre kita." sabi ni Cyrin. "Marami akong pera kaya maililibre kita."
Nginitian ko siya at tumango. "Sige, minsan ka lang naman mag alok."
"Sasamahan ko si Cyrin, ate." sabi ni Jonathan. "Bibilhan din kitang dairy milk."
"Mag iingat kayo." Ngumiti lang ang mga ito bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Ihahatid ko lang itong gulay sa kabilang bayan," sabi ni mama. "Nandito ang tito mo, kung may kailangan ka magsabi ka lang."
"Ingat ka po, mama." Tumango lang ito bago tuluyang umalis.
Dumako ang tingin ko sa cellphone ko na tumutunog. Nakita kong si Xaitan ang caller, imbis na ma-excite bumalik lang ang sakit na nararamdaman ko.
"Sciryn, may problema kaba?" Napalingon ako kay tito. "May problema ba kayo ni Xaitan?"
Kusa na lang tumulo ang mga luha ko at niyakap siya sa beywang. "Tito, hindi ba ako nararapat mahalin? Pakiramdam ko dapat mag isa lang ako sa buhay. I-iniwan ako ng tatay ko, t-tapos...si Xaitan mas mahal ang ex niya."
"Anak, wag mong isipin yan." Hinaplos nito ang likod ko. "Deserve mong mahalin, nandito lang naman kami para sa'yo. Iniwan ka nga ng tatay mo pero may dumating naman para punan ang paghahanap mo sa pagmamahal ng isang ama. Ako yun."
"Ang sakit, tito. Ayoko nang ganito." Mas lumakas ang iyak ko. "G-gusto ko lang namang may magmahal sa'kin. H-hindi pa ba ako sapat kay Xaitan? May mali ba sa'kin? I-ibinigay ko naman ang lahat sa kaniya, lahat naman ginawa ko para sa kaniya eh."
"Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako eh, mahirap po bang gawin yun?" dagdag ko pa. "Tito, napapagod na po ako, ayoko nang ganito."
"Sciryn.." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Xaitan mula sa aking likuran.
Humiwalay ako kay tito at lumingon sa likuran ko. Hindi nga ako nagkamali, nandito ngayon si Xaitan. Ang lalaking dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
"Mag usap kayo," seryosong sabi ni tito. "Pagkatapos ay tayong dalawa naman ang mag uusap." Hinalikan ako ni tito sa noo bago siya lumabas ng bahay.
Pinahid ko ang mga luha ko at nilingon si Xaitan. "B-bakit ka nandito?"
"I'm worried about you," maamong sabi niya at lumapit sa'kin.
"Worried? I-ikaw nga ang dahilan kung bakit ako ganito!" singhal ko sa kaniya. "H-hindi mo sinasagot ang tawag ko, tapos malalaman kona lang na magkasama kayo ni Illana. You even slept with her, naghalikan din kayong dalawa."
"Oo, magkasama kami." Bumuntong hininga. "Pero parte lang iyon ng business namin, hindi kami magkasama sa hotel and we never kiss. Sciryn, hindi totoo ang mga yun."
"May picture kayo," mahinang sabi ko. "Xaitan, kung ayaw mona sa'kin dapat sinabi mona lang. A-alam mo kung anong trauma ko sa mga lalaki, alam mo kung gaano ko kagustong mahalin ako. Xaitan, ang sakit eh. Sobrang sakit!"
Mahina naman itong napamura bago ako yapusin ng yakap. Hindi ako nagtangkang lumaban dahil wala na akong lakas.
"I never cheat, Sciryn.." bulong nito sa'kin. "Hindi ko sinabi sa'yong makakasama ko si Illana dahil alam kong mag aalala ka lang at hindi makakapag-focus sa work mo. I love you so much, Sciryn. I can't hurt you. Please, stop crying."
"Umalis ka muna, gusto kong lumayo muna sa'yo-"
"-Ayoko. Kahit magalit ka sa'kin, hinding hindi ako aalis sa tabi mo." Humiwalay ito sa yakap. Namumula ang mga mata niya at nanggigilid ang kaniyang luha. "Let's fix this, Sciryn. Let's fix this, please..."
![](https://img.wattpad.com/cover/343176498-288-k649164.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AcciónShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...