TSOB:22

11.9K 296 6
                                    

     

     "COME on, beautiful. Don't hide yourself," sabi ni Xaitan at pilit na tinatanggal ang kumot na nakataklob sa'kin. "Baby, you need to eat."

"Nahihiya ako sa mommy mo," nahihiyang sabi ko.

Natawa naman ito. "She's not mad, okay? Come on, beautiful."

Napanguso naman ako at tinanggal ang kumot na nakatakip sa'kin. Ngumiti sa'kin si Xaitan at inalalayan akong makaupo para makakain.

"Don't worry, iha, napagdaanan ko rin ang bagay na yan." Tumawa ang mommy ni Xaitan. "Halos sakalin ko ang asawa ko dahil akala ko ay may babae siya."

"Sorry po talaga," nahihiyang sabi ko.

"It's okay," nakangiting sabi ng ginang. "Bibigyan kita ng dictionary next meeting natin, para alam mo kung nambababae talaga ang anak ko."

"As if I have a care to other women," sabi ni Xaitan at nilapagan ako ng pagkain. "Eat now, beautiful."

Tumango lang ako at nagsimulang kumain. Hindi pa ako pwede ng mga rough food, kaya puro soft food ang nakahain sa'kin.

"Kailan ang kasal?" Napaubo ako dahil sa sinabi ng ama ni Xaitan. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Xaitan.

"Dad, I'm still courting her." sabi ni Xaitan.

"Ang hina mo naman pala, anak." Hindi ko maiwasang mapahagikhik dahil sa pagtatalog ng daddy ni Xaitan. Medyo baluktot ito at may accent.

"Hayaan natin, mukhang kinikilala muna ng mga bata ang isa't isa." sabi ni tito. "Wag nating madaliin, lalo pa at bago pa kay Sciryn ko ang mga ganitong ligawan."

"Oh, I see." Nakangiting tumango ang mommy ni Xaitan.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam na ang mga pamilya namin na aalis na at babalik na lang. Dalawa ulit kaming naiwan ni Xaitan sa hospital.

"Masakit pa ba ang sugat mo?" tanong ng binata. "Papunta na dito si Third, siya ang gagamot ng sugat mo."

"Pwede naman yung mga doctor na l–"

"–No, I don't have trust to them." Hinaplos nito ang buhok ko. "Hindi ko alam kung nasa paligid lang ang mga kaaway ko."

"Mapapahamak ba ako ngayong mukhang alam na ng mga kaaway mong malapit ako sa'yo?" kagat labing tanong ko.

"No," paninigurado ng binata. "As long as I'm alive, no one can hurt you."

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Pero dapat protektahan mo rin ang sarili mo, ah? Kailangan ligtas ka rin."

"I will," nakangiting sabi nito.

He was about to kiss me but he stopped when the door open. Iniluwal nito ang mag asawang sila Delaney at Third. Nakasimangot si Delaney, mukhang nag away na naman sila.

Nilapitan ako ni Third at sinimulang tanggalin ang benda sa ulo ko, at sinimulang gamutin ang aking sugat.

"Inaaway mona naman ba si Delaney?" tanong ko sa kaniya.

"No," malamig niyang sagot. "She's the one who's fighting me."

Sinilip ko si Delaney at gigil na gigil ang itsura nito, panay rin ang irap ng dalaga.

"Bakit ba?" takang tanong ko. "Hindi naman yan magagalit nang walang dahilan."

"She wants to go to amusement park," sagot nito. "I don't want to go there. I'm not a kid, we're not a kid."

Natawa ako. "Wala kapa talagang alam kay Delaney. Mahilig siyang pumuntang amusement park dahil hindi siya nakakapunta doon noong bata pa siya. Palagi kasi siyang ikinukulong kaya ngayong malaya na siya, madalas siya sa amusement park."

Halatang natigilan ito sa sinabi ko. Hindi naman ito nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbebenda ng sugat ko.

"Umalis kana, dito lang ako kay Sciryn." sabi ni Delaney sa kaniyang asawa.

"May pupuntahan tayo," walang emosyong sabi ni Third at mabilis siyang hinila.

Kinawayan ko pa si Delaney bago sila tuluyang makalabas ng kaniyang masungit na asawa.

"Ang sungit ni Third," nakangusong sabi ko. "Parang ikaw."

"We're mafia, we need to be heartless." Naupo ito sa kama ko. "Kahit sa mga mahal namin ay kailangang maging malamig pa rin kami dahil sa oras na makita ng mga kalaban na malambot kami sa mga nakakasama namin. They will use them against us."

"Bakit sa'kin hindi ka gano'n?" tanong ko.

"Isipin ko pa lang na magagalit ako sa'yo, pakiramdam ko gusto ko nang saktan ang sarili ko." Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. "Bakit pa ako magiging malamig sa'yo kung kaya naman kitang protektahan?"

Ngumiti ako. "Mas gusto yung hindi ka malamig sa'kin, kasi unti unti kitang nakikilala. Mas gusto kong nakikita at nararamdaman ang tunay na emosyon mo."

"Gusto ko rin namang makilala mo talaga ako. Hindi ako matatakot na ipakita sa'yo kung sino talaga ako. Ayoko kitang bigyan ng dahilan para pagdudahan ako." Ngumiti ito. "Pero kung mga bagay lang din na makakasakit sa'yo, isisikreto ko yun."

"Dapat wala tayong secret sa isa't isa," nakangusong sabi ko.

"No, beautiful." Natawa ito at tumayo. "You can sleep now, you need to rest."

Umusad ako at tinapik ang tabi ko. "Tabi tayo, hindi pwedeng puro ako na lang ang nagpapahinga."

Umusli naman ang nguso nito at nahiga sa tabi ko. Nakatihaya ako habang siya naman ay nakatagilid at nakayakap sa'kin.

"Eu te amo, meu amor. Farei tudo por você, mesmo que custe minha vida. Você é meu tudo e você é meu mundo." Napasimangot na lang ako dahil sa sinabi niya.

Ito na naman ang alien words niya. Mag aaral na talaga ako ng language niya para hindi na ako nahihirapang intindihin siya.

"Wala akong naintindihan," nakasimangot kong saad.

Natawa lamang ito at sumiksik sa aking leeg. Napapikit na lang ano nang kaniyang patakan ng halik ang aking leeg.

"Let's sleep," mahinang sabi niya.

Napangiti lang ako at bahagyang napanguso. Sa mga ipinaparamdam ni Xaitan, parang feeling ko tuloy gusto kona siyang sagutin..

UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon