BUSY ako sa pagkabisa ng mga lines ko nang biglang may nag-doorbell. Tumayo naman ako at lumapit sa pinto tsaka ito binuksan.
"Anong ginagawa mo rito!?" inis kong tanong kay Yuki.
"Infairness, ang ganda ng condo mo." Dire diretso itong pumasok sa loob.
"Lumabas ka!" Itinuro ko ang pinto. "Bawal ka dito."
Ngumisi lang ito bago maupo sa sofa at kainin yung kinakain kong pizza. Napakamot na lang ako sa ulo ko at napahinga nang malalim.
"Isusumbong kita kay Xaitan," sabi ko.
"Go on," balewalang sabi niya. "Gusto mo ako pa ang tatawag para sa'yo eh."
Dinampot nito ang cellphone ko at kaagad tinawagan si Xaitan thru facetime. Kaagad namang bumungad ang nakangiting si Xaitan pero kaagad napawi ang ngiti niya nang makita si Yuki.
"Why are you fvcking holding my wife's phone!?" galit na tanong. "Are you really fvcking trying my patience!?"
"Chill," natatawang sabi ni Yuki. "Nasaan ka ba kasi? Ayaw mo bang bantayan ko ang asawa mo 'kuno?"
"Where am I?" Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako nang iluwal no'n si Xaitan na mukhang papatay ang itsura. "I'm here, you fvcking idiot!"
Ibinaba ni Xaitan ang cellphone niya at kaagad na bumunot ng baril. Itinutok niya iyon kay Yuki na nakangiti lang at nag-pi-picture gamit ang cellphone ko.
May sira ba siya sa utak?
"Oh, you're here." Tumayo si Yuki at ngumiti. "Nice to see you again, Kingford."
"What do you need?" malamig na tanong ni Xaitan, dito.
"I'm just visiting my love team," nakangising sagot nito.
Napapikit naman ako at gigil siyang sinamaan ng tingin. Hindi pa alam ni Xaitan ang tungkol sa bagay na yun, dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya.
"Love team?" Bumaling ang tingin sa'kin ng binata. "What his saying, Sciryn?"
"May bago akong project diba? Si Yuki yung partner ko," mahinahong paliwanag ko. Nagsalubong lalo ang kilay nito. "Don't worry, walang kissing scene. Holding hand at yakapan lang."
"You're not gonna take that project," walang emosyong sabi nito. "Hindi ka makikipagtrabaho sa ibang lalaki, okay?"
"Xaitan–"
"–That's my final decision, Sciryn." malamig na sabi niya.
"You're still like that." Tumawa si Yuki. "That's the reason why Illana left you. You still manipulated your woman, Xaitan. Pinagdadamutan mo sila ng kalayaan."
Nag igting ang panga ni Xaitan sa sinabi nito. Alam kong gusto niyang barilin si Yuki ngayon pero pinipigilan niya lang ang sarili.
"Hindi na ako magulat kung iwanan ka rin niya dahil sa ganiyang ugali mo–"
"–Tumigil kana!" sita ko kay Yuki. "Umalis kana, please lang."
Sumipol naman ito at tumayo. Tinapik niya muna si Xaitan sa balikat bago tuluyang lumabas ng condo.
"Xaitan," mahinahong tawag ko sa binata. "Kumusta ang byahe mo? Gutom kaba?"
"Am I manipulating you?" Tinago nito ang baril niya at dumiretso sa sofa. "Am I selfish when it comes to you?"
Nilapitan ko siya at niyakap. "Wag mong pakinggan si Yuki, hindi naman kita iiwan." Humiwalay ako sa yakap. "Pero sana pagkatiwalaan mo ako, okay? Ikaw lang ang mahal ko at hindi kita ipagpapalit kahit masungit ka pa."

BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
ActionShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...