NGAYONG araw ang kaarawan ng daddy ni Xaitan kaya naghahanda na kami para maagang makapunta doon. Dadaanan din kasi namin sila mama para hindi na sila maligaw.
"Don't be extra beautiful, Sciryn, maraming bisita si dad." Xaitan, grabbed my waist and kissed my cheek.
Natawa ako. "Kahit pa maraming pogi doon, sa'yo lang naman ako."
"You tempting me," pinisil nito ang beywang ko.
"Umalis na tayo, baka kanina pa tayo hinihintay nila mama." pag iiba ko ng usapan. "Baka kung saan pa tayo mapunta niyan."
Lumabas kami ng private house niya at sumakay sa van na pagmamay-ari niya. Hindi kami kasya sa kotse, kaya nag-van na lang kami.
"Lakas mong maka-sugar daddy vibes," biro ko sa kaniya.
Ngumisi lang ito bago pagsiklupin ang mga kamay namin. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Nasa labas na sila mama at mukhang hinihintay kami.
Si Xaitan na lang bumaba para salubungin ang mga ito at pagbuksan ng pinto.
"Ang ganda ng van mo," sabi ni tito nang makasakay sila.
"You can have this, if you want." sagot ni Xaitan at pinaandar ang van. "I mean, stock lang kasi siya sa bahay ko at hindi naman nagagamit."
Natawa si tito at umiling. "Kapag gusto ko ang mga bagay, pinaghihirapan ko kaya hindi ko ito matatanggap."
"Then, you can buy this van." sabi ni Xaitan. "I'm selling this for only ten thousand."
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Ten thousand lang!? Ang mahal mahal kaya nito!"
"When it comes to your family, I'm willing to give a discount." Kumindat ito.
"Hindi naman discount yun," nakangusong sabi ko. "Tito, wag kang magpauto kay Xaitan."
Natawa si tito. "Hindi naman talaga."
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay ng mga magulang niya. Halos malula ako sa taas ng gate nila.
"Hindi ba kami ma-out of place diyan?" tanong ni mama.
"No," sagot ni Xaitan. "I will make sure of that, ma'am."
Nang makapasok kami sa loob ay marami rami ng bisita at halatang yayamanin lahat. Ang lawak ng garden nila, tapos yung bahay ang laki, parang palasyo.
Dumiretso kami sa loob ng bahay at mas lalo akong napamangha dahil sa sobrang ganda nito.
"Nandiyan na kayo!" Agad kaming nakita ng mommy ni Xaitan at nilapitan. "Kumusta na ang mga balae ko?"
"Grabe ka naman, mare," natatawang sabi ni mama. "Nasaan si pare? Nandito na yung mga gifts namin."
Dumating ang daddy ni Xaitan at hindi ko maiwasang mamangha dahil magkahawig na magkahawig sila ni Xaitan.
"Happy birthday po," nakangiting bati ko at inabot sa kaniya ang regalo ko. "Sana po ay magustuhan niyo."
"Thank you, iha." Lumapit ito sa'kin at bumeso. "You look gorgeous, hindi na ako nagulat kung bakit patay na patay sa'yo ang anak ko."
"Bagay na bagay kayo," nakangiting sabi ng mommy ni Xaitan. "By the way, tara na sa labas. Kumain na tayo."
Lumabas kami ng bahay nila kung saan nakahain yung mga pagkain. Agad kaming kumuha ng pagkain at naupo sa isang table nang magkakasama.
"Ang bigatin ng mga bisita niyo," sabi ni mama.
"We don't care about them," sagot ng mommy ni Xaitan. "They are just invite them because they are part of our business. Yung iba nga diyan hindi invited."
"Kahit pala mayayaman nag-o-over the bakod sa handaan," sabi ni Jonathan na ikinatawa nila.
"Happy Birthday, tito!" Napaangat kami ng tingin nang may magsalita.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga magulang ni Xaitan habang nakatingin sa babaeng kagaya ko–half black american. Straight ang buhok ni at sexy sa suot na itim na dress.
Nilingon ko si Xaitan at ganoon din ang reaksiyon niyo, may kung anong emosyon din sa kaniyang mga mata.
"Kadarating ko lang po galing US at hindi kona nasabing darating ako," malambing na sabi ng babae. "Here's my gift pala, tito."
"Thank you," kaswal na sagot ng daddy ni Xaitan. "Hindi makakapunta ang parents mo?"
"No, dad is sick. Hindi siya maiwan ni mommy." Bumaling ang tingin nito kay Xaitan. "Hi, it's been a while, Xai.."
Xai? Bakit may pa-nick name?
"Yeah," tipid na sagot ni Xaitan at ako na ang binalingan. "Eat, beautiful. Don't starve yourself."
"I didn't know that you still use that call sign," sabi ng babae. "You used to call that to me–"
"Past is past," malamig na sabi ni Xaitan. "Just shut up and get lost."
Natawa ang babae. "Makikipag usap lang ako sa mga ka-business partner nila daddy."
Umalis yung babae na sinundan ko lang ng tingin. Siya ba yung ex ni Xaitan? Kung ganoon half black american din yun. . . Kaya ba ako nagustuhan ni Xaitan kasi naaalala niya sa'kin yung ex niya?
"I know what you're thinking," seryosong sabi ni Xaitan. "That's not true, okay? I like you because you're my Sciryn."
"Wala naman akong sinasabi–"
"–pero iniisip mo," malamig na sabi nito. "Stop thinking that way, please.."
Huminga ako nang malalim at tumango na lang. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila para mag c.r.
"Ikaw pala yung bago niya?" Napahinto ako sa paglalakad nang harangin ako nung babaeng kagaya ko. "I'm Illana, his ex girlfriend."
"Sciryn," I offered my hand but she just looked at it. "His girlfriend."
"You already knew about his work?" Tumango ako. "You see, we're same. Kaya ka rin siguro nagustuhan ni Xaitan dahil naaalala niya ako sa'yo. I'm not shock about that, Xaitan loves me so much."
Nakaramdam naman ako ng inis bigla. Niyayabangan niya ba ako?
"For me, we're not same." Nginitian ko siya nang matamis. "Pang-matagalan ako, ikaw hindi."
Nag iba naman ang awra nito, naging mukha siyang bruha na gusto akong isumpa. "What did you say?"
"Wag mo akong niyayabangan, Illana. Tinuruan ako ni mama na maging mabuting tao, pero tinuruan niya rin ako kung paano mambara at gumanti." Tinapik ko siya sa braso. "Para sa'kin, isa ka lang humps na panira sa daan. Good luck sa'yo."
Tinalikuran ko siya bago pa siya makapagsalita. Nang makalabas ako ay si Xaitan kaagad ang sumalubong sa'kin.
"Ang tagal mo," sabi nito. "Susundan na sana kita."
"Nakausap ko si Illana," sagot ko. "At wag mona siyang hahayaang makalapit sa'kin. Masusuntok ko sa mukha ang babaeng yun."
Natawa ito at yumakap sa beywang ko. "You're hot, beautiful."
"Ayoko nang call sign na yan," nakasimangot kong sabi.
"Then, I think I need to call you my wife starting from now." Humalik ito sa pisngi ko.
Nakita kong palapit si Illana kaya agad kong pinagdikit ang labi namin ni Xaitan. Natigilan naman ito at mukhang inis na inis na.
Not my man
*************
THIS STORY IS NOW COMPLETED TO MY VIP GROUP. IF YOU WANT TO READ MY ADVANCE UPDATE, YOU CAN JOIN TO MY PRIVATE GROUP PO.
REMINDER: THIS GROUP IS NOT FREE. MAY ENTRANCE FREE PO ITO.
IF YOU'RE INTERESTED DM ME TO THIS ACCOUNTS:
KwinDimown WP
KwinDimown (FB PAGE)
Dim Ferrer
![](https://img.wattpad.com/cover/343176498-288-k649164.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AcciónShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...