• 6 •

4.8K 131 2
                                    


Nang makapagbayad na si Kale sa driver ay bumaba na kami. Siya muna ang unang bumaba pagkatapos pumunta siya sa kabilang side ng taxi para kunin ako. Binuhat niya pa rin ako hanggang papasok ng clinic. Nang makapasok kami ay may babaeng lumapit sa amin. Kinausap ito ni Kale.

Maya-maya pa, pinapasok na kami ng babae sa isang kuwarto. Ibinaba ako ni Kale sa may higaan. Samantala, lumapit naman ang doktora sa amin.

"What happened?" tanong niya.

"I tripped over a rock. Nadapa po ako tapos di ko na po maigalaw ang kaliwa kong paa."

Maingat niyang inalis ang rubber shoes ko kasunod ang medyas. Ginalaw-galaw niya ang paa ko at nakaramdam ako ng sakit. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling mapasigaw sa sakit. 

Maya-maya pa bumalik na ang doktora. Ginamot niya ang paa ko, binendahan pagkatapos. Pinainom niya rin ako ng gamot, para ata sa pamamaga nito. She said I got a sprained ankle. But not severe though. Kaunting bruise at pamamaga lang.

May iba rin siyang binilin, tulad ng pagpapahinga ko ng 24-48 hours. Kailangan ko din i-cold scompress ang paa ko but not longer than 20 minutes. Marami pa siyang sinabi pero hindi na sa kanya nakatuon ang atensyon ko. It was on Kale who was now in his full concentration as he listened to the doctor.

He looked really serious. And I couldn't help myself but to smile. Kahit alam kong baka napilitan lang siyang tulungan at dalhin ako dito, still he did it. Hindi niya ako basta-basta iniwan sa kalsada.

In fact, he cared. Kale cared for me. Nawala ako sa pag-iisip nang bigla siyang tumingin sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Argh! Nahuli niya kong tinitingnan siya.

"Maika, one-week bago gumaling yang paa mo," sabi ng doktora. Agad naman akong tumingin sa kanya. Paano kaya niya nalaman ang pangalan ko? Siguro sinabi ni Kale. "Pwede yung mapabilis o mapabagal depende sa gagawin mong pag-aalaga dito. Kaya I suggest na sundin mo lahat ng bilin ko at mapapabilis ang paggaling," dugtong niya.

Tumango naman ako. "Opo. Thank you po."

"At isa pa pala, wag mo munang pwersahin yang paa mo, maybe wag ka munang maglakad-lakad up to two days lalo na at namamaga. Take a rest muna," bilin ulit ng doktora.

Ngumiti ako sa kanya. "Sige po gagawin ko po."

"Okay," sabi niya pagkatapos ay tumingin kay Kale. "Hijo, halika muna sa labas at ibibigay ko ang reseta ng gamot na kailangan niyang inumin."

Sumunod naman si Kale. Pagkalabas nilang dalawa ay siya namang pagpasok ng babaeng nakita namin kanina. Siguro assistant siya dito.

"Okay na ba ang paa mo?" tanong niya.

"Opo, di na ganoon kasakit saka medyo nagagalaw-galaw ko na rin," sagot ko.

Ngumiti siya. "Mabuti naman. Naku pinag-alala mo yung boyfriend mo," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Naku naman! Pati si ate iniisip na boyfriend ko si Kale.

Umiling ako kaagad. "Hindi ko po siya boyfriend," nahihiya kong sagot.

Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ba? Sorry ha. Akala ko kasi boyfriend mo siya. Hindi naman kayo mukhang magkapatid o magpinsan."

Natawa ako. "Hindi ko nga po siya kapatid. Hindi ko rin po siya pinsan. Hindi kami magkamag-anak. Ano ko po siya..." natigilan ako. Ano ko nga ba si Kale? Hindi ko naman masasabi na magkaibigan na kami. Eh ayaw niya nga sa akin eh. Diba nga tinakbuhan pa ako para lang makaiwas sa akin? "Kapitbahay. Opo, kapitbahay ko po siya," sagot ko sa babae.

Kumunot ang noo niya. "Kapitbahay lang?" tanong niya.

Tumango ako. 

And she gave me a look like she was telling me something. 

Hindi na ako nakasagot pa sa babae nang bumalik na si Kale saka sinabi, "Let's go."

I just nodded. Patayo na sana ako nang bigla siyang lumapit at inalalayan ako.

"Uhh... thanks," I said shyly. Ang lapit lang kasi namin sa isa't-isa. He just briefly smiled.

Hindi pa rin ako makagalaw sa ayos ko nang may biglang tumikhim. Inalis ko ang tingin kay Kale at tumingin kay ate na nasa loob pa rin pala. She was giving me that look again as she smiled.

Napailing na lang ako. Saka ko naramdaman ang kamay ni Kale sa likuran ng tuhod ko.

"Hey w-what are you doing?" taka kong tanong.

"Carrying you," sagot niya at inayos ako sa kanyang mga bisig pagkatapos ay nag-umpisa ng maglakad.

"Y-Yes I know. Pero bakit?"

Tumigil siya sa paglalakad pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Gusto mo bang lumala yang lagay ng paa mo?" seryoso nyang tanong. 

"Ayaw mo naman pala eh. Now shut up and just let me carry you," sabi niya at naglakad na siyang muli.

I cringed at his voice. Napaka-commanding kasi. Kaya wala na akong nagawa kundi ang manahimik.

Nang papalabas na kami ng pinto ay nadaanan ng tingin ko si ate na tahimik na tumatawa sa sulok. I rolled my eyes. Argh! She was not even helping in my situation. 

May taxi na ng lumabas kami ng clinic. Maingat pa rin akong isinakay ni Kale sa loob.

Tahimik lang kaming pareho habang nasa sasakyan maliban na lang kung ituturo niya sa driver ang daan papuntang bahay. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ito. 

Buhat-buhat pa rin ako ni Kale hanggang sa papasok ng bahay.

"Salamat," sabi ko sa kanya nang mai

Teka kung dalawang araw kong di pwedeng pwersahin ang paa eh di two days niya rin akong bubuhat-buhatin? Huh? Parang di naman tama.

"Kale are you planning to carry me for two days?"

He snorted. "What? Are you out of your mind? Like I would do that," sabi niya pagkatapos umupo sa katapat na cushioned chair.

I frowned. Bakit ko pa ba sinabi yun? Dapat di na lang. At bakit ko ba naisip na aalagan niya ako? For sure kaya lang niya ako dinala sa clinic ay dahil sa guilt at awa. At dito na nagtatapos yun. Dito na nagtatapos ang kabaitan niya. Patay! Paano na ako kakain nito? Pupunta ng CR? Pupunta ng kwarto ko? Forever na ba ako sa sofang ito?

Ang OA Maika! 2 days ka lang di pwedeng maglakad-lakad, sigaw ng bahagi ng utak ko.

Oo nga pala. Hay. Kung anu-ano na kasi ang pinag-iisip ko.

Nang maglakad na si Kale papalayo, ewan ko ba pero nagsimula na akong kabahan na mag-isa. Kaya naman hindi ko pinigilan ang sarili ko at tinawag siya.

"Kale saan ka pupunta?"

Lumingon siya. "Sa bahay."

Tumango na lang ako at nagpatuloy na siyang maglakad.

Could I ask him na wag muna niya kong iwan? Pero paano kung ireject na naman niya ako tulad ng palagi niyang ginagawa. Argh! Whatever. Bahala na.

"K-Kale!" tawag ko ulit and gladly, he turned around.

"Ano?"

Geez, parang naiinis na siya. Sasabihin ko pa ba?

"Ah... Can you..."

"What?"

"Um, thank you sa lahat ng tulong mo," yeah I know. I chickened out.

He just gave me a long glance tapos umalis na. Ugh

Alright di ako maiinis.

Pero paano na ako ngayon?

#

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon