• 28 •

4.2K 141 30
                                        

Alam mo yung pakiramdam na may gustung-gusto kang gawin pero hindi mo magawa? Hindi dahil sa pinili mong wag gawin ito kundi dahil napipigilan ka ng maraming bagay na di mo naman hawak, wala kang kontrol. Kaya kahit anumang pagpipilit ang gawin mo, kung mismo ang buong sitwasyon na ang hindi nakikiayon, wala ka ring magagawa kundi ang...maghintay.

At yan ang ginagawa ko ngayon-ang maghintay.

Hindi ko malaman kung paano ang isang napakagandang umaga ay nauwi sa ganito.

Base sa orasan ng taxi, mag-aalas nueve na ng gabi. Dapat nasa bahay ako ngayon-maaring tapos na o kasalukuyan pang kumakain ng dinner. Dinner na buong magdamag kong pinag-isipan kagabi at pinaghandaan ngayong araw.

Huminga na naman ako nang malalim habang ang mga mata'y nakatuon sa labas. Different automobiles were in lines barely moving. At katulad nila, mahigit isang oras na ring stuck-up ang taxi na sinasakyan ko ngayon.

Kung pwede nga lang, lumabas na ako at takbuhin na lang papuntang bahay. Pero imposible yun, lalo na't umuulan at higit sa lahat, di ko alam ang daan pauwi. Nakakainis! Wala akong magawa!

Dalawang oras. Dalawang oras na akong huli sa usapan namin ni Kale. Usapang ako pa ang nag-aya. Pero, nasaan ako ngayon? Naipit sa traffic. Hindi ko man lang siya natawagan dahil ang cellphone ko ay... Argh! Isa pa yung problema. Ang totoo nyan, ang daming problema at kamalasan ang naranasan ko ngayong araw.

Huminga na naman ako nang malalim at inilipat na ang tingin sa loob ng taxi. At pagtingin ko sa rearview mirror, kitang-kita ang dahilan ng malas na araw ko. Grabe! Ako aligaga na dito pero sya relax na relax na nakaupo sa unahan, pasipol-sipol pa.

Teka muna, Maika. Alalahanin mo, di naman niya sinadyang malasin ka, na mangyari lahat ng iyon sayo. Tandaan mo, biktima rin siya dito. Gaya mo, biktima rin siya ng mapaglarong kapalaran. Pareho lang kayo.

Tama! Wala nga siyang kasalanan. Argh! Siguro naghahanap lang ako ng mapagbubuntunan ng inis... Ng masisisi... Which is wrong. Di ko dapat ibunton ito sa kanya.

After all, I was the one who decided to answer that call. That one call which became the start for the bad things to happen.

Thirteen hours, eleven minutes, and forty seconds earlier...

Securing my braided hair with a band, I took a last glance in the mirror. Then afterwards, I headed to my bedroom's door. Ngayon pa lang ako lalabas ng kuwarto. It was like eight something in the morning already.

Kanina pa naman akong five gising, as usual, para magjogging, pero umulan kaya hindi na ako nakalabas. Hindi rin naman tumambay si Kale sa porch niya kaya bumalik na lang ako ng kwarto at natulog. Yep. Natulog ulit ako which is not usual for me since I find difficulty in getting to sleep again.

Closing the door behind me, I made my way to the kitchen. At tama nga ang hinala ko, nandoon na si Kale. Kasalukuyan siyang nagluluto ng pancake.

"Hey," I greeted him. "Morning."

After flipping the last piece of pancake, he looked over his shoulder to see me. "Morning, Mai."

At ngumiti siya ng nakakaloko pagkatapos ay humarap na ulit sa stove.

Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko. Ano ba? Bakit ba ako nagbablush? Dahil tinawag niya kong Mai? O dahil sa ngiti niya? Argh! Ewan. Isa pa, ano naman ang meron sa Mai eh tinatawag naman ako ni Alvin ng ganun?

Eh kasi kapag si Kale na ang bumabanggit nun parang may kakaiba. Yes, it was strange. Strange yet in a good way. And I don't even know how to explain the feeling. But one thing is clear to me, I love hearing that from him. Mai.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon