Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin akong inaalagaan ni Kale. Kahit nga hindi ko na kailangang gumamit ng wheelchair, he still looked out for me. He always cooked for me. Nasasanay na nga ang taste buds ko sa mga niluluto niya.
We still had our movie time every afternoon. And I found out gusto niya rin pala ng romantic films. Akala ko kasi puro sci-fi at action films ang gusto niya. At nang tanungin ko siya kung bakit siya nanonood ng ganoon, he said nakakakuha siya ng style on how to get girls. Player talaga.
Pero pagsapit ng gabi, nilulutuan niya lang ako ng dinner tapos umaalis din siya agad. One time, I asked him kung saan siya pumupunta and he just answered me with two words—good time.
I don't know kung anong ibig sabihin niya dun. Good time with friends? Or yung other good time?
Whatever. It's his life. Ano namang pakialam ko diba? Wait lang, why do I sound bitter? Ugh. Nevermind.
But the most important thing that happened throughout the week was that we had conversations. Puro random nga lang and most of those we were arguing, like that one time...
"Ano kayang mas bagay sayo, red or black?" tanong ko habang tinitingnan ang dalawang maliit na damit na nakapatong sa couch.
Hindi talaga ako makapagdecide lalo na't kung ganito kalikot si Suzy sa lap ko. Argh!
"Hey Suzy behave. Pinipilian kita ng damit eh!" I told to my puppy irritatedly.
Hindi pa rin ako nakakapili nang bumukas ang pinto. Oh! Si Kale. Tamang-tama ang dating niya, tatanungin ko siya.
"Hey," he greeted as he sat down at the nearest chair.
I smiled. Alam na niyang bumati ngayon.
"Hi," bati ko din. "Can you help me?"
"Saan?"
"Nahihirapan kasi akong pumili kung anong susuotin ni Suzy. Ikaw ano sa tingin mo ang mas bagay sa kanya?" tanong ko tapos ay kinuha ang dalawang damit at ipinakita sa kanya.
"Um, ikaw ano bang mas gusto mo?" tanong niya pabalik.
"Yung black pero ikaw, ano para sayo?"
Tiningnan niya ulit ang dalawang damit. "Yung red," sagot niya.
Nagtaas ako ng kilay. "Sure ka?" tanong ko. "Parang mas maganda yung black eh."
"Yung red."
"Yung black."
"Red."
"Black."
"Red."
"Alam mo yung black talaga. Yung black na lang," sabi ko pagkatapos binato ang red na damit pabalik sa couch at sinuot na kay Suzy ang damit na kulay black.
I heard Kale groan. Haha, he's pissed. I bit my lip as I tried not to laugh.
"So what's the use of asking me kung sa huli ang gusto mo rin ang masusunod?" tanong niya.
"To prove something," sagot ko habang patuloy pa ring inaayos ang damit ni Suzy.
"And what is that something?" tanong niya.
"That my choice is better than yours."
He scoffed. "Seriously? You being bias doesn't prove anything," he said. "And in the first place, bakit ba kailangang damitan ang asong yan?"
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Teen FictionAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...