• 42 •

4K 112 5
                                        

"Maika?"

Narinig kong tawag ni Mommy mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Pagkarating ko dito sa bahay ay nag-usap lang kami ng sandali, nagkumustahan saka ako nagpaalam na pupunta muna sa kwarto. 

And props to my parents. Alam kong alam nilang may pinagdadaanan ako pero hindi nila pinahalata iyon. Basta lang parang normal akong sinalubong. But I knew it was because Alvin was there. Ang kapatid kong mas una pang kinumusta si Kale kaysa sa akin.

Alam ko rin na sa reaksyon ko kanina nang marinig ang pangalan ni Kale at kung paano ko iniwasan ang mga tanong ng kapatid ko tungkol dito ay tukoy na ni Mommy ang problema ko. At kahit pa hindi nila ako inusisa tungkol doon kanina, hindi matatapos ang araw na hindi nila ako kakausapin.

And I was right because Mommy's at my door now.

Narinig ko pang tinawag niya akong muli na sinundan ng mga katok. I got up from my bed and opened the door.

I smiled at her. "Yes, Mom?"

"Nakapagpahinga ka na ba?" tanong niya. Tumango ako, at sumunod niyang tanong, "Pwede ba akong pumasok?"

Agad akong tumango. "Oo naman po."

Nauna na akong umupo sa kama. Sinara naman ni Mommy ang pinto at tumabi sa akin.

"It's just more than a week before school starts," pauna ni Mommy. "Namiss mo talaga kami ha at napauwi ka dito."

I shook my head as a small smile escaped my lips. What a subtle way to put it. Gusto talaga ni Mommy na ako ang mag-open tungkol sa problema ko. Kaya iyon ang ginawa ko. "I...I just can't stay in there. Hindi ko muna po kayang makita si Kale."

"So, I was right," sabi niya, "Tungkol nga kay Kale. Did you two fight?"

Umiling ako. Sana nga ganoon lang. Sana nga, simpleng away lang. Pero hindi ganoon ang nangyari. And there was no point in hiding it from Mommy. So I told her about it. Everything. Yung nararamdaman ko para kay Kale. The latter's take on it, and how I was hurt from it. May ilang detalye lang akong hindi na kinuwento pa tulad ng nangyari sa bar kagabi.

"I'm so sorry, Maika," sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. "I don't even know how to comfort you right now except from saying that, soon, the pain, it too shall pass. In time. And it's part of it, you know. Kapag binuksan mo ang puso mo sa pagmamahal, binuksan mo na rin ito sa sakit, sa lahat."

"Alam ko po, Mom," buntunghininga ko. "Pero kahit na inaasahan ko nang mangyayari 'yun, ang hirap pa rin pala pag nandyan na."

Mommy just sighed and the next thing I knew she pulled me close to her and gave me a tight hug. And at this moment, I found solace.

*

Ang mga sumunod na araw ay punung-puno ng bonding kasama ang pamilya ko. Kung wala ka sa labas ay nakapirmi kami sa bahay, ginagawa ang paborito namin - ang magvideoke.

At sobrang laki ng papel na ginampanan ng pamilya ko para makalimutan ko ang lungkot. Pero aaminin ko na sa tuwing sasapit na ang gabi at mag-isa na lang ako, hindi ko talaga mapigilan ang isipang maglakbay kay Kale.

Napahinga na naman ako nang malalim saka bumaling pakaliwa sa kama. Nakita ko ang orasan at doo'y pasado alas onse na. Kailangan ko na talagang makatulog pero ewan ko ba't hindi ako madalaw-dalaw ng antok.

Hay. Ano ba 'to?

Maya-maya napunta ang tingin ko sa cell phone na katabi ng orasan. Halos isang linggo ko na ring hindi yan binubuksan.

Inabot ko ito saka in-on. It took some seconds before the message notifs appeared. 27 messages. That many?

Binuksan ko iyon at nakitang halos kay Jordane galing. She was asking if I was okay. Nakita ko rin na may mangilan-ngilan mula kina Merlin and the rest of the gang. Pare-pareho lang ng tinatanong.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon