• 18 •

3.3K 97 14
                                    

Kale told his story. I found out he was a chubby kid back then as in he was really big.

But unlike me, he was never been bullied. Well, isang beses pero nang makita ng lahat kung paano niya sinuntok ang isang lalaking nang-asar sa kanya, nalaman ng lahat kung saan sila lulugar.

But at that age, Kale had a crush on someone. Actually, quite an obsession. The girl was their campus crush. Kale confessed to the girl but he got rejected. At ang masakit pa ay ang mga salitang binitiwan ng babae sa kanya, 'No one's going to like you because you're a beast.'

Tumatak ang mga salitang yun kay Kale kaya naman pinilit niyang pumayat bago sumapit ang sophomore year nila. And he was able to do it. Pumayat siya. Pero kasabay nun, pinangako niya sa sariling di na niya hahayaan ang sarili na ma-in love ulit.

"Because of that girl, nabuo na sa isip ko na ang gusto lang ng babae ay ang physical appearance. That what really matter is the looks," patuloy ni Kale. "Kaya ganun ang ginawa ko, I gave girls what they want. No feelings attached... I promised to myself na kung may masasaktan man, di ako yun," sabi niya.

I sighed heavily. I wanted to tell Kale na maling nilalahat niya ang mga babae. Tulad ko, di lang naman ako sa pisikal na aspeto tumitingin eh. Pero paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? Parang sinarado na niya ang puso't isipan tungkol dun.

Pero bakit ako, ginawan man ako ng mali ng lalaking yun, di ko sinara ang puso ko sa pag-ibig. Dahil alam kong sa ayaw ko man o sa gusto, mararanasan ko rin yun. Mararamdaman sa isang taong alam kong inilaan para sa akin ng Diyos.

"Pareho pala tayo ng naranasan..." sabi ko kay Kale. "Parehong nagmahal, parehong nasaktan. The only difference is that I keep my heart open for love while you do the opposite."

Hindi nagsalita si Kale. Pinirmi niya lang ang tingin sa dingding na parang napakalalim nang iniisip.

"Kale hindi pwedeng ganyan lagi ang pananaw mo," sabi ko ulit sa kanya. "Hindi naman lahat ng babae ay katulad sa nagustuhan mo nung nasa high school ka pa. Marami namang babae ang hindi ganun eh. Siguro kailangan mo lang buksan yang mga mata mo pati na rin yang puso mo."

He shook his head. "You don't understand Maika. Hindi ikaw ang nagawan ng-"

"I understand Kale," I told him. "I do really understand. I know where you're coming from. You're afraid, aren't you? Takot kang magkagusto ulit, takot ka nang magmahal... kasi natatakot ka na baka masaktan ka na naman."

Kale looked at me this time. Hindi pa rin siya nagsasalita, basta tinitingnan lang ako, habang may kakaibang ekspresyon ang mukha niya na di ko mabasa.

"Paano kapag dumating ang taong para sayo? Hindi mo malalaman kung nakasara yang puso mo," sabi ko ulit.

"Can we just quit this talk?" Kale asked. At base sa tono niya, naiirita na siya.

But, no. Hindi ko siya titigilan. Not now, that I got the courage of telling him these things-things I already wanted to tell him the day we first met.

"No Kale," I answered. "Di pa ko tapos sa sasabihin ko."

He furrowed his eyebrows. "Huh?"

"Remember what I've told you about Math and Accounting?" I asked. "Marami ang ayaw kumuha ng Accounting because they thought it's full of Math, difficult like Math. Katulad ka rin ng mga yun. You don't wanna try to love because being hurt is what you think of first. Bakit ba kasi ayaw mo munang subukan?"

"Dahil masasaktan lang ako Maika."

"See, ayan na naman ang iniisip mo. Don't think of that!"

He grunted. "I'm thinking of that dahil alam ko naman yun ang mangyayari. What, maybe at first, okay pa then pag nagtagal? Ano na?" he asked as he shrugged. "Girls do like me just because of my looks. Nothing more. Ano nga ba ang iba nilang magugustuhan sa akin maliban sa itsura ko? I'm no good at anything."

That was not true. Not really true. Though Kale has a bad personality, marami pa ring characteristics siya na maganda. And I must say, it was a privilege na malaman ang lahat ng bagay na yun dahil naging kaibigan ko siya.

"Hindi totoo yan, Kale. Don't put yourself down," sabi ko sa kanya. "I wish you could be me in a minute para makita mo lahat ng magagandang katangian na meron ka."

He laughed dryly. "You're just saying that because you're my friend," sabi niya. "Eh paano yung ibang tao?"

I breathed deeply. "Nung unang beses na nagkita tayo, sa labas ng grocery shop tinulungan mo kong pulutin ang mga nahulog kong tissue paper. Tapos nung nasprain ako, dinala mo ako sa clinic," saad ko. "We were not friends that time Kale but you helped me."

Kale opened his mouth but closed it again. Inalis niya ang tingin sa akin.

"What I am telling you Kale is you try," I said softly this time. "Alisin mo yung takot. Wag mong isiping masasaktan ka."

"And how will I do that?" Kale asked.

"Try to see girls in a new perspective. That all of them are not like that girl in your high school."

He snorted. "Trust me, all the girls I've been with, kagaya lang ng babaeng yun."

Argh! Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na hindi nga lahat ng babae ay ganun?

"Baka naman kasi ganun ang hinahanap mo, kaya yun ang nakikita mo. But I'm sure Kale na marami dyan sa tabi na di tulad ng akala mo."

Ako, Kale! Hello? Di mo ba ko nakikita? Di ako tulad nila, gusto ko nang sabihin yan sa kanya pero pilit ko lang pinipigilan ang sarili ko.

"At paano naman ako makakahanap ng di ganun sa inaakala ko?" tanong niya.

"Um... maybe you go in a date?" I was unsure. Paano nga ba? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, ang galing-galing kong magsalita, pagdating sa kung paano yun gagawin, wala na. How will I know? Taga-advice lang naman ako dito.

Pero sa gaya ni Kale, since he was not into becoming friends with girls, baka mag-work sa kanya ang dating. By that, he'd get to know them.

"Date?" ulit ni Kale.

Tumango ako. "Yeah date," I confirmed. "It's a good way para makilala mo ang isang babae. Malay mo, may makita kang makakainteres sayo and we don't know, baka yun ang maging first girlfriend mo."

"Date," ulit ni Kale pagkatapos ay nag-iba siya nang tiningnan, para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung anong gagawing desisyon tungkol dito.

He put his thumb and forefinger on his chin then started to rub it. He looked really serious. Parang grabe ang ginagawa niyang pag-iisip.

Suddenly, he removed his fingers from his chin and lifted his face up, his eyes meeting mine. Wala siyang sinabi pero nakita ko siyang tumango.

I creased my forehead.

He was nodding.

What for? Oh. The date. Does it mean...

Fudge! Bakit ba minsan ang slow ko?

I smiled. "Pumapayag ka na? Makikipagdate ka na?" excited kong tanong sa kanya.

He just shrugged. "Well, you're a one good persuader," he said then nodded again. "So yeah, I'll try dating."

#

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon