"We're here," narinig kong sabi ni Kale pagkatapos huminto na ang kotse.
Nakatingin pa rin ako sa bintana. Actually, mula ng umalis kami ng bahay hanggang sa makarating dito, nasa labas lang ang tingin ko. At dahil naglalakbay sa ibang planeta ang isip ko, wala man akong naalala ni isa sa mga dinaanan namin.
Tiningnan ko ang labas, hinanap kung saan ang The Republic. Ano bang itsura nun?
"Maika," narinig kong tawag ni Kale.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nakataas ang dalawang kilay. "Hmmm?"
"We're here," ulit niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Ay! Oo nga pala, nandito na kami. Kailangan na naming bumaba.
"Oh yeah, sorry," sabi ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagsosorry. Ugh.
Bubuksan ko na dapat ang pinto nang maalala ko ang regalo ko kay Carmen na nasa backseat.
Umikot na naman ako sa upuan ko. Aabutin ko na sana ang regalo nang sakto ding may kinuha si Kale sa backseat. Natigilan ako at pati rin siya. Napatingin ako sa mukha niya, ganun din siya sa akin. Bakit ba lagi na lang kaming nauuwi sa ganitong sitwasyon?
Gusto ko na talagang lumayo, umiwas... pero di ko magawa. Parang katulad din ng nararamdaman ko para sa kanya, gusto ko ng kalimutan pero di ko kayang gawin. Kahit pa nga anong pilit ko sa sarili ko eh, ayaw pa rin.
At di ko malaman kung bakit di rin umiiwas si Kale. Kung bakit parang naging estatwa na siya at di makagalaw sa pwesto niya.
I kept my eyes on his. Hanggang kailan ba kami magtititigan?
"Kale," I muttered.
And that seemed bring him back into the reality. Unti-unti na siyang lumayo sa akin pagkatapos sumandal siya sa driver's seat, iniwasan na ang tingin ko.
Naalala ko naman ang kailangan kong gawin. Kinuha ko na ang regalo sa backseat. Doon ko lang napansin na may katabi itong box na may puting gift wrapper, regalo siguro ni Kale kay Carmen. Inabot ko din ito.
"Here," sabi ko habang binibigay sa kanya ang regalo niya.
Kinuha niya ito nang di tumitingin sa akin. "Thanks."
And after that, we went out of the car.
Naunang naglakad si Kale, sinundan ko naman siya. Huminto siya sa tapat ng isang building. Tumingin ako sa bandang itaas at nakita ang pangalan ng lugar, The Republic. Ito na pala ang venue ng birthday ni Carmen.
Naglakad kami papuntang entrance, may nakaantabay namang parang guard dun at pinagbuksan kami ng pinto.
When the door opened, we were welcomed by the blasting music. Maraming taong nakaitim at nakaputi ang nagsasayawan sa gitna. Naghihiyawan.
Alright. I didn't expect this. Bar pala itong The Republic. Parang nung party lang ni Raz. Hiling ko lang walang masamang mangyari ngayon.
Hindi pa kami tuluyang nakakalayo mula sa entrance nang biglang sumulpot si Carmen sa harap namin. Agad siyang yumakap kay Kale.
"Kale! Buti naman at nandito ka na," masayang wika niya habang nakakapit pa rin ang mga kamay sa leeg ni Kale.
Ilang sandali pa, lumayo na rin si Carmen. Napunta naman ang tingin niya sa akin, agad ko siyang nginitian.
"Happy birthday," bati ko.
She smiled, too, but I could say that it was a fake one.
"Thanks," sagot niya pagkatapos tiningnan ako pababa, parang sinusuri ang ayos ko. I was wearing a white dress.
![](https://img.wattpad.com/cover/39709062-288-k455068.jpg)
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Teen FictionAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...