'Hi. Can I know where you are right now?'
Binasa ko pang muli ang itinayp na mensahe at saka ito binura.
Seriously, I was acting like some clingy girlfriend and we were not even together. Ugh.
Okay. That text was obviously for Kale. It was now past dinner time and he wasn't still home. Ang totoo, nitong mga nakaraang araw, umaalis siya pagkatapos ng lunch time pero agad naman siyang nakakabalik bago magdinner. Ngayon nga lang ang naiba.
Nung unang beses na lumabas siya ay nagpaalam siyang lalabas kasama ang mga kaibigan. Nag-okay lang ako kasi alam ko naman na gustong-gusto na nilang magbabarkada ng boys hang-out.
Nang sumunod na araw na nakadamit panglabas na naman siya, inunahan ko na siya at tinanong kung lalabas ulit siya kasama ang mga kaibigan. Agad siyang tumango tapos hinalikan ako sa noo at nagpaalam na sa akin. Then that went for days. Actually, halos ngayong buong linggo ay lumabas siya.
Maybe, they just missed each other. Like so much.
Sige, Maika. Lokohin mo pa sarili mo. I groaned. Okay. The truth was I'm doubting Kale's reasons. Like, I didn't know. Pakiramdam ko lang na hindi niya talaga kasama sina Raz.
Meron naman akong number ng mga girls. Ang totoo, ilang beses ko na ngang gustong tanungin sila kung magkakasama ba talaga ang mga boys pero pinigilan ko ang sarili ko.
Hindi lang dahil hindi ko kayang malaman na hindi nagsasabi ng totoo si Kale kung hindi dahil ayaw ko ring idamay pa sila dito. Sigurado naman kasi akong tatanungin nila kung anong problema.
Tiningnan ko na naman ang phone ko. Hindi naman siguro masamang magtanong, diba? I could just tell them that Kale was not answering his phone or something.
Ugh. Bahala na nga. Patext na dapat ako nang biglang bumukas ang pinto.
Agad akong napatingin doon at nakita si Kale. He was looking tired but still managed to smile. "Hey. How was your day?"
Hinintay ko muna siyang makaupo sa sofa bago ako sumagot. "Okay lang. Buong maghapon kaming naglaro ni Suzy." At buong maghapon ding inalala ka, inisip kung saan ka talaga pumunta.
At hindi ko na ring mapigilan pang tanungin siya. "Ikaw? Kumusta lakad niyo ng mga kaibigan mo?"
He shrugged. "The usual."
Kale didn't emphasized more what he meant by his answer. At kahit na gusto ko pang may mas malaman pa, hindi na rin ako nakapagtanong. Lalo pa't nang sabihin niyang. "Actually, I'm really tired. Can I say pass for our movie night?"
Natigilan ako doon. This was not usual of him. At mas lalo lang nadagdagan ang agam-agam ko. Subalit nagpilit pa rin ako ng ngiti at sinabi kay Kale, "Sure. Magpahinga ka na. Good night."
"Good night, Maika." And with that, Kale stood up and left without even giving me a good night hug. Hindi niya rin ako tinanong kung kumain na ba ako. Napahinga ako nang malalim. May iba talaga kay Kale.
And that night, I barely got some sleep thinking the reason why.
Pero nang dumating ang kinaumagahan, tila may nag-iba sa ihip ng hangin.
Late na ako nagising. Hindi ko na rin nakuha pang bumangon para sa daily jogging routine ko. Paano, madaling araw na rin ata nang makatulog ako kakaisip kay Kale.
At nang lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kitchen, medyo nagulat pa ako na makitang nandoon si Kale, nakaupo sa isa sa mga silya, ang ulo ay nakatungo habang sa harap niya ay puno ng iba't ibang pagkain na alam kong niluto niya.
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Подростковая литератураAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...
