• 2 •

9.2K 229 6
                                    

I never fall in love. Kale's words kept on repeating in my head.

The way he said those words, it seemed like he was saying that love does not exist. Na para bang sigurado siya sa sinasabi niya, na may mabigat siyang dahilan kung bakit nasabi niya yun. And in some reason, gusto kong malaman kung anuman ang dahilan niya. Bakit? Maybe, to prove that he was wrong—that love really does exist at sa ayaw man niya o gusto, when the right girl for him comes, he'd fall in love.

I was out of my thoughts when the electric kettle whistled. Tumayo ako mula sa wooden chair pagkatapos nilagyan ko na ng mainit na tubig ang cup noodles. Ito na ang lunch ko. Actually, merienda na rin since it was already quarter to three in the afternoon.

Pagkagaling ko ng café ay dumiretso na akong umuwi samantalang si Kale naman ay pumunta ng mall. He said he's gonna meet some friends.

Umupo na akong muli at inumpisahan na ang pagkain. Inikot ko ang mga mata sa paligid. Dito ako titira hangga't nag-aaral ako ng college, nang mag-isa. My parents decided that I should learn how to be independent kaya naman hinanapan nila ako ng bahay na matitirahan. And coincidentally, my mother's officemate has a house for rent and offered it to her. Kaagad naman itong tinanggap ni Mom.

The house was a bungalow type and fully furnished. May isang bedroom, toilet, kitchen, dining area at living room. Meron ding garage at backyard. Ang totoo nyan, may isa pang bahay na katabi itong bahay na tinitirahan ko.

And how cute was it that it looked completely the same as this house. From the structure, design, to the color, parehong-pareho. I just didn't know kung hanggang sa loob ay magkatulad pa rin.

Ang dalawang bahay ay napapalibutan ng puting pader at sa unahan nito ay may malaking itim na gate.

Ngayon ko pa lang napuntahan ang bahay na ito kaya naman hindi ko pa kilala kung sino ang nakatira sa kabilang bahay. What I've heard from mom ay parang pamangkin ata ng officemate niya. Sana di nagkakalayo ang age namin at makasundo ko siya. Kelan ko kaya siya makikilala? Kanina kasing dumating ako, walang tao sa kabilang bahay. Katok ako ng katok pero wala namang sumasagot. Maybe she'd be home later.

Susubo sana ulit ako nang malamang ubos na pala ang kinakain ko. Sighing, I stood up and threw the cup and fork into the sink.

Habang naghuhugas ako ng kamay, iniisip ko kung may nakalimutan ba akong gawin. Nadala ko naman ang lahat ng gamit ko dito, nakabili na rin ako ng groceries, natawagan ko na rin sina Mom and Dad kanina para sabihing nakarating na ako dito... pero parang may nakalimutan talaga ako...

I stared at the wall when suddenly an image of a cute puppy appeared in my head.

"Fudge! Si Suzy!"

Si Suzy ay isang shih tzu. My younger brother, Alvin, gave it to me last week. I loved dogs but I never tried to keep one. Feeling ko kasi, di ko maaalagaan nang mabuti. But learning that I'd be living on my own, naisip ng kapatid ko na bilhan ako para naman daw may bantay at kasama ako. At sabi pa niya na kapag nag-uumpisa na akong mabore, kausapin ko lang si Suzy.

Sigurado akong hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang pinabayaan ko si Suzy. I quickly went out of the house. Doon ko siya sa porch huling nakita bago ako pumunta ng grocery shop kanina. Bakit ba hindi ko naalala si Suzy nang makabalik ako? Ni hindi ko nga napansin kung nasa porch ba siya kanina o wala. Paano kapag nakatakas yun? Magagalit talaga sa akin si Alvin kapag nagkataon.

Pagkarating ko sa porch ay di ko na nakita si Suzy. Nakakabit pa rin sa metal bar ang tali niya pero wala na siya. Nakatakas nga si Suzy!

Naku naman! Saan naman kaya nagpunta ang asong yun? Alam ko nasara ko namang mabuti ang gate 

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon