Hindi ako makapagconcentrate sa kinakain dahil panay ang sulyap ko kay Kale. Magkatapat lang ang mga upuan namin. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang nangyari kagabi. At di rin ako matigil sa kakaisip tungkol sa natuklasan ko.
She was really Kale's mother. Halos lahat ng features ng babaeng yun, nakuha ni Kale. Pero gusto ko talagang malaman kung bakit ganun na lang ang galit ni Kale sa nanay niya. What happened?
Pero imposible atang maitanong ko pa yun dahil nangako na ako kay Kale na kakalimutan ko na ang nangyari kagabi at di ako magtatanong ng kahit ano tungkol dun. Hay. Paano na ngayon 'to?
"Okay ka lang?" biglang tanong ni Kale. Di ko namalayan, kanina pa pala siya tumigil sa pagkain.
I nodded awkwardly then said, "Uh... yeah."
"Are you sure?"
Tumango ulit ako.
"Eh bakit di mo kinakain yang pagkain mo?"
Napatingin ako sa pinggan ko. Hindi ko pa nga nababawasan kahit kaunti man lang ang pasta.
"May problema ba sa luto ko?" tanong ulit ni Kale.
Tumingin ulit ako sa kanya sabay iling. "No! Walang problema. May... gumugulo lang kasi sa isip ko."
Nagtaas ng kilay si Kale. "Gaya ng ano?"
"Uh... family ko," pagsisinungaling ko.
Actually, lately, di ko na nga masyadong naiisip ang pamilya ko. I don't know, having Kale in here lessened the lonely feeling I felt since the day I went in here. In some way, it was good that he was keeping me distracted.
Yun nga lang, what I've learned from last night was too much. It was too much that I'm sure kung hindi masasagot ang mga katanungan ko tungkol dun, dadalhin ko ito habambuhay. Ibig ding sabihin nun na forever akong di matatahimik.
"Okay," yan lang ang narinig kong sinagot ni Kale at nagpagtuloy na siya sa pagkain.
Hay. Parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari kagabi. Bakit ganun? Ano talaga ang meron? Pinilit ko munang alisin lahat ng katanungan sa isip ko at kumain na rin.
Nakadapa ako sa kama habang ang baba ay nakapatong sa dalawang kamay ko, nasa harapan ko ang laptop pero kanina pa wala ang atensyon ko dito. Nang matapos kaming magbreakfast, agad akong nagpaalam kay Kale at nagkulong sa kwarto.
Iniisip ko pa rin kung ano ang mga posibleng nangyari sa pamilya ni Kale. Bakit di niya kasama ang mommy niya? Anong nagawa nito sa kanya at galit na galit siya dito? Nasaan ang Dad niya?
Gusto ko na talagang makuha ang mga sagot sa mga tanong na yun. Pero alam ko naman na di ko makukuha yun mula kay Kale. Teka baka naman pwede kong tanungin ang tita niya? Sigurado ako may alam yun tungkol dito. Tama! Tatawagan ko si Mommy at kukunin ang contact number ng tita ni Kale. Pero, hindi kaya mukha na akong pakielamera? Buhay ng iba, pinanghihimasukan ko.
At gaano naman ako kasiguro na sasabihin sa akin ng tita ni Kale ang tungkol sa bagay na yun? Kung siya mismo ay malihim at gustong iwasan ang tungkol dito. Maybe it wasn't a good idea to ask his aunt. What should I do then?
Suddenly, I heard a popping sound. At nang ilipat ko ang tingin sa laptop, nakita kong may new message si Kale sa ginawa kong account niya sa HearttoHeart.com. Yep, that was the dating site.
I clicked the inbox bar and read the new message.
cgirl1997: Hello sorry sa late reply. Busy lang nitong nakaraang mga araw. About the date, okay lang ba kung mamayang 8pm? Sa Pizza Hut, yung branch malapit sa Central Avenue. I'll wait for your reply till 5pm. Thanks.
![](https://img.wattpad.com/cover/39709062-288-k455068.jpg)
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Ficção AdolescenteAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...