"What are you doing here?" he asked as he narrowed his eyes, eyeing me suspiciously.
Nanlaki ang mata ko. What? Akala niya ini-stalk ko siya?
I rolled my eyes at him. "Hindi ba't sa'yo ko dapat itanong yan? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?"
"I saw you in the convenient store," amin ko sabay dugtong, "with some girl. Then you went here and you're with another girl. You seemed friendly with them, too friendly in fact. Ang di ko maintindihan ay bakit sobrang snob mo pagdating sa akin?"
He snorted. "I don't make friends."
"What? Eh anong tawag mo dun sa mga babae na kausap mo kanina?"
His jaw clenched, halatang naiinis na siya sa akin. "If it's not yet clear to you, I'm a player," he stated coldly. "I used girls. After I get what I want from them, I dump them. Now, if you don't want anything with that, do yourself a favor and leave me alone."
I was surprised. Sa bibig mismo ni Kale nanggaling na player siya. But oddly, I wasn't bothered by his confession. I still wanted to be his friend. Maybe, because of what he exactly said. Parang nagkaroon pa ako lalo ng rason na gustuhing mas makilala pa siya. If why was he like that. For sure, may rason kung bakit ganyan siya.
So, after breathing deeply, I told him, "I don't care."
Kale's eyes widened. Parang mas nagulat pa nga siya sa sinabi ko. His forehead creased. "What?"
"You heard me, I said I don't care. I don't care if you're a player. I still want to be your friend," sabi ko pagkatapos inilahad ang kamay sa kanya at nginitian pa siya.
His jaw dropped. Tumaas na ang level ng pagkagulat niya ngayon. Then he let out a harsh laugh. "You're really crazy you know that?"
Tumingin siya sa kamay ko. Ilang segundo ring tiningnan ito tapos bumalik na naman sa mga mata ko ang tingin niya. His features softened. For a moment, naisip ko na aabutin na niya ang kamay ko at tatanggapin ang alok ko. But that quickly vanished as I saw a grim smile curled up slowly in his lips. Then he said, "In your dreams."
And before I knew it, nilagpasan na niya ko, shoving the side of my shoulders in the process.
I huffed. Ano pa nga bang i-e-expect ko kay Kale? Argh Maika. You're so stupid.
I should leave him alone after what he did pero siguro nga, I must be really crazy because I turned around and followed him.
Akala ko babalik siya doon sa kasama niya pero hindi. Tuloy-tuloy ang paglalakad niya hanggang sa makalabas siya ng pancake house.
Mas binilisan ko pa ang lakad pero parang palayo lang ng palayo ang agwat namin ni Kale. So, I did the best thing I could do, I ran. Na kay Kale lang ang atensyon ko habang tumatakbo sa sidewalk at nang makitang paliko na siya sa may kanto, nagpanic ako, so I screamed after him. "Kale!"
And that was when I didn't noticed the big rock that was on my way. Too late, I tripped over it. And the next thing I knew, I was slumped down on the road, my left foot was hurting. Ouch. Oh my.
Maya-maya pa, may naramdaman akong presensya sa tabi ko. "Ineng, okay ka lang?"
Napatingin ako sa gilid at nakitang may lumapit sa akin na matandang babae.
Umiling ako sa kanya. "Hindi ko po magalaw ang paa ko," sagot ko.
"Naku! Kailangan mo ng maipatingin yan. May clinic na malapit dito, may matatawagan ka ba para matulungan ka?"
Iiling palang dapat ako nang may naramdamang humawak sa balikat ko tapos nakaramdam ako ng hininga sa gilid ng pisngi ko. "Are you okay?"
Bigla akong napalingon. It's Kale. Binalikan niya ako.
Titig na titig pa rin ako sa mukha niya nang makitang gumalaw ulit ang bibig niya. "Maika, are you okay?"
At doon pa lang nag-sink-in ang tanong niya. "No," iling ko. "Ang sakit ng paa ko," sabi ko at hinawakan ang kaliwang paa.
"Dalhin mo na siya sa clinic hijo para maagapan yang pananakit ng paa niya. Kawawa naman ang nobya mo," singit nung lola.
Halos sabay kaming napatingin ni Kale doon kay lola, parehong gulat ang ekspresyon pero walang nagtangkang magtama sa sinabi niya.
Habang tulala pa rin ako sa sinabi ng lola, madali namang nakarecover si Kale hanggang sa maramdaman ko na lang na pinapatong na niya ang kamay ko sa balikat niya tapos dahan-dahan niya akong binuhat, pabridal style. Nalipat na ang buong atensyon ko sa kanya.
Maya-maya pa, may narinig akong taxi na huminto sa harap namin. Binuksan nung driver ang sidedoor at dahan-dahan akong inilagay ni Kale sa loob. Nang makitang maayos na akong nakaupo, nakita ko siyang humarap sa lola. "Salamat po sa tulong."
"Wala yun," sagot ng lola. "O sige na, dalhin mo na yang nobya mo sa clinic."
I felt that word tugged at my heartstrings. Bakit ba ako naaapektuhan n'un?
"Manong, sa clinic po," sabi niya at umandar na rin ang sasakyan.
I glanced at Kale, ang mga mata naman niya ay nakatuon lang sa harap. Then I remembered what all that happened today. Masyadong marami. Marami rin akong natuklasan sa lalaking ito. He's a player, he's cold toward girls. And it's crystal clear that he doesn't want to be friends with me. And yet, nung nadapa ako, binalikan niya ako at ngayon nga ay dadalhin na ako sa clinic.
I really can't understand you, Kale.
Nakatingin pa rin ako sa kanya nang unti-unting gumalaw ang ulo niya at tumingin din siya sa akin. I swallowed hard. He caught me staring at him.
I expected him to snap at me, tell something bad but to my surprise, he smirked at me, a very sexy one, and said those words I used against him few days ago, "You better stop staring baka mamaya nyan ma-in love ka na."
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Novela JuvenilAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...
