"Kale, please kahit ilang subo lang," pakiusap ko kay Kale.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy ay nagpadeliver agad ako ng soup na pwedeng kainin ni Kale. Kailangan niya na kasing uminom ng gamot. At base sa kung paano ko siya nadatnan dito kanina, masasabi kong di pa siya kumakain. Di naman ako marunong magluto kaya wala ng ibang choice kundi ang umorder.
Tiningnan niya lang ako habang nakasandal pa rin ang ulo niya sa headboard ng kama. Sa mga tingin niya, parang may gusto siyang sabihin. I just couldn't tell if what was it.
Mula nang gisingin ko siya para kumain ay ganyan na ang tingin niya sa akin. Hindi rin niya ko kinausap. Kahit isang salita nga lang eh, wala siyang binanggit. Basta bumangon lang siya at sumandal sa headboard.
"Kale," sabi ko ulit.
He just remained looking at me. I sighed.
"Eat this," I told him then added, "please."
Binaba ko muna ang tray sa nightstand niya pagkatapos ay ibinaling ulit sa kanya ang tingin."Ano bang problema, Kale? Bakit di ka nagsasalita?" tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ulit ako hanggang sa iiwas niya ang mga mata. "What are you doing here?"
Mahina lang yun pero sapat lang para marinig ko. I crossed my eyebrows. "Gusto sana kitang makita pero may sa-"
"Nakita mo na ako. You can go."
What's with him?
"Seriously Kale. Anong problema?" tanong ko sa kanya. "Bakit mo ko pinapaalis?"
Ano bang nagawa ko at parang masama ang loob niya sa akin? Hindi na naman siya sumagot. Argh! Nakakainis na talaga. Bakit ba ganito ang pakikitungo niya sa akin?
"Okay," I said after a long breath. "I don't know if what's your problem with me pero di kita iiwan ng ganyan ang lagay mo. You're sick and being your friend, I need to take care of you," I said then got the bowl of soup from the tray. Lumapit pa ako kay Kale. "Now be a good friend and do what I tell you to do. Eat."
"Friend?"
I nodded. "Yeah, friend. Why?"
"After what happened, you... still treat me as a friend?"
Tumango ulit ako. Oh! Now I get it. Inisip ni Kale na ayaw ko na siyang maging kaibigan dahil sa nangyari. Well, I thought of that pero nadala lang naman ako ng galit sa kanya.
I saw Kale bite his lip then he smiled. And hell, mas lalo lang siyang gumwapo. I mean pwede ba yun? His hair was messy, his eyes were looking tired and his nose was red because of cold. But still he looked good. And with that smile... he looked a thousand times better.
He cleared his throat and that was when I noticed I'm staring too much. Agad kong binaling ang tingin sa ibang direksyon.
Nakakahiya. Nahuli niya akong tinititigan siya.
"So friends? As in really friends?" tanong niyang muli.
And it was my turn to smile until I chuckled. I looked at him and said, "Yes friends. Bakit ba paulit-ulit mong tinatanong?"
Biglang naging seryoso ulit si Kale. "I hurt you, Maika. Nang dahil sa akin kaya ginawan ka ng masama ng lalaking yun. And I'd understand if because of that ayaw mo na kong maging kaibigan."
I knew it. Sinisisi niya rin ang sarili.
"Kale, sorry, mali rin ako. Hindi ko dapat sinisi ang lahat sayo," sabi ko sa kanya. "And don't think that I wouldn't treat you as a friend. That won't happen."
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Novela JuvenilAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...
