Kanina pa ako nakatingin sa kawalan, ang isip ko ay lumilipad pa rin. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay at idinampi ito sa aking labi. Nangyari ba talaga yun? Hindi ba ako nananaginip? Hinalikan ba talaga ako ni Kale?
Inilipat ko ang kamay sa mukha pagkatapos ay sinampal-sampal ko ito. Nang hindi ako makuntento, dinamay ko na rin ang isa ko pang kamay, ang magkabilang pisngi na ang sinasampal-sampal ko. Nang lumaon, kinurot ko na rin ang pisngi ko.
"Ow!" Ang sakit nun ah! Di nga ako nananaginip.
Tuluyan na akong sumandal sa sofa.
'I like you Maika! And that is my damn problem!' Naulit ang mga sinabi ni Kale sa isipan ko. Gusto ako ni Kale. I felt my cheeks warmed as a smile crept on my lips. He likes me too.
And all this time, I thought I'm just the only one who feel that way toward him. Well guess I'm wrong. I mean, definitely wrong. Kale feels something for me, too.
I groaned as I closed my eyes. Kanina, wala man lang akong nasabi sa kanya. Hindi man lang ako nakapagsalita. Kunsabagay, paano ako makakapagsalita kung huminga nga nang maayos, nahihirapan pa akong gawin kanina.
Kaya ayun, hindi pa man ako nakakarecover nang kahit kaunti sa nangyari, tinalikuran na ako ni Kale at pumasok sa bahay niya. He just left me there, dumbfounded and out of breath.
Again, I heaved out a sigh. Ano nang gagawin ko? Ano nang mangyayari sa aming dalawa ni Kale?
Biglang nagflash sa isipan ko ng halikan ako ni Kale. Ewan ko ba, nakapikit naman ako nun pero parang may larawang namumuo sa isipan ko. Lalo pa't malinaw pa rin sa isipan ko kung paano niya ako tingnan nang mga oras na iyon. Bigla akong napamulat ng mata pagkatapos ay nanlaki ang mga ito. Fudge! First kiss ko nga pala yun!
First kiss na inaasahan kong manggagaling sa first boyfriend ko. Argh! Napasabunot ako sa buhok. Dapat ba akong magalit kay Kale? Kinuha niya sa akin ang first kiss ko. Pero ginawa niya lang naman yun kasi... gusto niya raw ako.
Pero kahit na! Kailangan pa ba akong halikan para malaman ko yun? At isa pa, basta-basta niya na lang ginawa yun. Tama ba yun?
Hinawakan ko na naman ang labi ko. Pero bakit parang may bahagi sa akin-mas malaking bahagi-na natutuwa at... ano... um, ano... sige na nga, kinikilig, yan inamin ko na! Kinikilig ako dahil hinalikan ako ni Kale. Hay. Di ko na alam.
At yung mga sinabi ko-sa mga kasinungalingang sinabi ko-naniwala ba siya dun?
Gusto ko na talaga siyang makausap. Baka kasi naniwala siya sa mga sinabi ko tungkol kay Ryan, na nakipagdate ako dito, na mas gusto kong kasama ito kesa sa kanya. At gusto ko ding linawin ang totoong nangyari. At higit sa lahat, gusto kong malaman ni Kale ang nararamdaman ko para sa kanya,
Hinihintay ko na magpalit ang numero sa electronic clock mula sa 4 at maging 5. Sa madaling salita, inaantay kong mag-five am.
Grabe, napuyat ako. Mali, di pala talaga ako nakatulog. Paano, buong magdamag kong iniisip ang nangyari kagabi. Ibig ding sabihin, buong magdamag ding pabalik-balik ang ngiti sa mga labi ko.
Hay... Excited ako na kinakabahan. Excited kasi kagabi ko pa gustong makita si Kale. Kinakabahan dahil di ko alam kung anong ikikilos sa harap niya, kung paano kami mag-uusap at kung ano ang mga posibleng mangyari.
Sana maging maayos ang lahat. At sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya lalo na yung nararamdaman ko. Sana talaga di ako panghinaan ng loob at biglang umurong.
Sa magiging pag-uusap namin nakasalalay kung ano ang mangyayari sa aming dalawa. I don't want to expect anything but I just hope it'd be for the better.
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Ficção AdolescenteAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...
