• 30 •

3.3K 83 8
                                        

The next day came and everything was seemed normal. Like the same as the normal stuffs we were doing before. Nagluluto siya, kumakain kami ng sabay, nanunuod sa living room... Mukhang madali lang naman gawin ang sinasabi niya eh, wag ng balikan ang nangyari at manatiling magkaibigan.

Okay, nagsinungaling ako. Lahat ng sinabi ko ay mali maliban sa normal routine naming dalawa.

Oo, ginagawa pa rin namin yun pero ngayon, makikitang may kakaiba talaga. Hindi kami nag-uusap maliban sa normal na hi, hello, good morning, kain na.

Yung mahahabang conversations, wala na. Hindi rin kami makatingin sa bawat isa. Lagi na ring may distansya sa amin, na para bang takot na takot kaming magkadikit ang mga balat namin at mapapaso kami kapag nangyari yun.

Everything was just so awkward. And that same scenario continued for days. Until one morning...

Pagkatapos ng ilang pilit sa sarili, lumabas na rin ako ng kuwarto. After what happened to us, nawalan na ako ng ganang mag-jogging.

Well, the truth is, nawalan na ko ng ganang bumangon sa umaga at lumabas ng kuwarto. Kung pwede nga lang sa kuwarto lang ako eh.

Kahit ilang araw na rin kasi ang nakalipas, nandoon pa rin ang sakit. Sariwa pa rin ang lahat. At sa tuwing naaalala ko ang pag-uusap naming yun, pareho pa ring sakit ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Hindi na nabawasan, kahit katiting man lang. Hay. Ano ba yan? Bakit ba iniisip ko na naman ang tungkol dun?

Habang inaalis sa isipan ang lahat ng yun, naglakad na ako papuntang dining area.

At nagulat ako nang ang madatnan lang ay ang mga pagkain. Wala si Kale.

Asan kaya siya? Bakit wala siya dito? Hindi naman kaya di na niya makayanan ang sitwasyon at inisip niyang umiwas na lang? Pero bakit? Ito naman ang gusto niya, diba? Wag ng isipin pa kung anuman ang sinabi niya nang gabing yun at ituloy lang namin ang pagiging magkaibigan.

Pumayag naman ako dun eh. Kahit na nasasaktan ako. Kasi wala rin naman akong choice eh. Mas gusto ko ng paulit-ulit na maramdaman ang ganito kesa naman mawala sa buhay ko ng tuluyan si Kale.

Okay lang. Kung hanggang sa friendship lang kami, eh di tanggapin. Eh siya? Nasaan siya ngayon? Binalak na lang takasan ang lahat.

Sighing, I made my way to the kitchen. Parang nawalan na ako ng ganang kumain. Opening the fridge, I looked for the orange juice but didn't see it. Ubos na ata. Yun pa naman ang gusto kong inumin ngayon.

Looking around inside the fridge, I realized wala na pala itong kalaman-laman. Kelan ba ako huling nakapaggrocery?

*

After half an hour, I was already in the grocery store pushing a cart infront of me. Where to first? Beverages.

Pumunta ako ng beverages section at agad naghanap ng orange juice. I grabbed three big bottles and put them in the cart. After that, I pushed the cart, going to the toiletries section.

Kinuha ko ang mga nakita kong kailangan at agad na inilagay ito sa cart. I was looking for my favorite brand of tissue paper when I felt my cart bumped into something.

When I turned to look at it, I gasped when I found it was not something. It was someone.

Ang medyo inis niyang ekspresyon ay napalitan din ng pagkagulat nang makita niya ako.

"Hey." Halos sabay naming bati sa isa't-isa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Groceries," maikli niyang sagot.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon