"Kale, ano kasi eh... may gustong makipagdate sayo mamaya. Sana pumayag ka," sabi ko sa repleksyon ko sa salamin pagkatapos ay nagbuntong-hininga. Ang pangit!
"Kale, libre ka ba mamaya? Okay lang ba kung lumabas ka kasama itong babaeng nas... Argh! Pangit pa rin!" sigaw ko pagkatapos ay hinagis si Pepper sa salamin.
Ginulo ko ang buhok pagkatapos ay sinandal ang ulo sa taas ng drawer ko. Paano ko ba sasabihin kay Kale na may date na siya mamayang gabi nang di siya magagalit sa akin?
Paano ba naman kasi dalawang araw mula nang sinabi nyang makikipagdate siya, wala pa ring improvement.
Hindi ko alam kung wala lang talaga siyang mahanap o hindi talaga siya naghahanap ng makakadate. At dahil nga nababagalan ako, ako na ang gumawa ng paraan.
Thanks to God at naging successful ito. Ang problema ko na lang ngayon ay ang magiging reaksyon ni Kale. Kung papayag ba siya o hindi.
Paano na lang diba kapag nagalit siya dahil nanghihimasok ako sa bagay na 'to? Hindi naman siguro, diba? Inangat ko ang ulo at ang nakabaliktad na si Pepper ang nakita. Si Pepper ang stuffed toy na binigay ni Kale nung nagmall kami.
Ugh. Ang sama ko. Pati siya dinamay ko na. "Sorry, Pepper. Di dapat kita binato," sabi ko tapos ay kinuha siya.
"Ikaw, sa tingin mo, paano ko sasabihin na may date na siya mamaya?" tanong ko kay Pepper. Hay. Para namang sasagot ang stuffed toy na 'to?
"Sinong may date?"
Whoa! Seryoso sumagot si Pepper?
"Pepper, i-ikaw b-ba yu-" Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil may naramdamang akong humawak sa balikat ko.
At nang itaas ko ang tingin, nakita ko si Kale. He was giving me an amused look.
"H-hey!" I stuttered.
Inalis niya ang kamay sa balikat ko at sumandal sa katabing cabinet ng dresser.
"Bakit mo kinakausap ang stuffed toy na yan at sinong may date?" tanong ni Kale.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik sa kanya, pilit na iniiba ang usapan.
"Kanina pa nakahanda ang breakfast at di ka pa lumalabas," sagot niya. "So I decided to come in here and call you."
I just nodded. Sana nakalimutan na niya ang itinanong nya kanina. Please... sana nakalim-
"Sinong may date? Ikaw?" tanong ulit ni Kale.
Umiling ako. "Hindi. Wala akong date." Kasi ikaw ang may date.
"Talaga?" taka niyang tanong. "Eh ano yung narinig ko?"
"Um..." Ito na ba yun? Sasabihin ko na ba kay Kale? Pero kulang pa ang practice ko. "Pwede mamaya na natin pag-usapan? Magbreakfast muna tayo."
He agreed. "Sure."
At laking pasasalamat ko na hindi na siya nangulit pa.
Pagkatapos naming magbreakfast, naramdaman ko na naman ulit ang kaba. Kahit naman pala nang nagbebreakfast kami, kinakabahan na ako. Mas matindi nga lang ngayon.
Nandito na kami sa living room. Tinitingnan ang bawat isa. Si Kale hinihintay akong sabihin sa kanya ang tungkol sa "date". Ako, hinihintay ang sarili kong sabihin sa kanya yun.
"So?" he said as he tapped his fingers on the center table.
Huminga muna ako nang malalim bago nagtanong sa kanya, "May gagawin ka ba mamayang gabi?"
"Bakit?"
"May gust-"
Hindi na ako natapos sa sasabihin dahil biglang tumawa si Kale. What the... Bakit siya tumatawa?
He cleared his throat then asked, "Are you asking me for a date?"
My eyes widened. "W-what?"
"Oh, Maika! Kaya mo ba pinipilit na makipagdate ako kasi gusto mo akong idate?" tanong niya ulit.
Mas nanlaki ang mga mata ko. Ano bang pinagsasabi niya?
He smirked then stood up from his seat and walked over to me. Putting his hands at the back of the couch on either of my side, he leaned in close. Dang! I felt my heart race.
Ang lapit lang ng mukha ni Kale sa akin. He was too close like if I'd want to kiss him...Grrr! Why are you thinking about that Maika?
But to be honest, with Kale this so close, I just appreciated more how handsome he is. Hindi ko nga alam kung saan ako titingin eh. Sa mga mata niya, o sa ilong, o sa lips... Argh! Sa mata, Maika, sa mata ka lang tumingin.
Still wearing that smirk, Kale looked at me intently.
"Tell me, Maika," umpisa niya tapos ay mas lalo pa siyang ngumisi, "Nagkakagusto ka na ba sa akin?"
I was stunned. No, that was an understatement. I was flabbergasted. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko. At sigurado ako ngayong namumula ang pisngi ko. Did Kale just ask that? At bakit naman niya natanong yun?
Bago ko pa makuha ang mga sagot sa tanong na yun, sinubukan kong ibuka ang bibig para sabihing, "No!"
It wasn't that firm and loud like I wanted it to be sounded. But then, much better than to say nothing. And I didn't expect what happened next.
Kale removed his hands from the couch, moved backwards from me then started to laugh. He was still laughing as he sat back again on his seat. Fudge! Anong nakakatawa? Nakakatawa ba ang pagsabi ng 'no'?
"I'm just kidding," he finally said.
Grrr! I knew it. Nanloloko lang siya. Niloloko nya lang ako.
"You should've seen your face. It's priceless!" he teased then laughed again.
"Not funny, Kale," I told him, annoyed.
"Chill, I just wanted to lighten up the mood."
"Still not funny!"
"Okay, okay!" sabi niya pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay. "Hindi na mauulit yun, promise. So, balik tayo sa sinasabi mo kanina. Ano yung tungkol sa date?"
I first heaved a deep sigh. "I saw this online dating site... and I... I made an account for you in there," paliwanag ko kay Kale.
He was just keeping his eyebrow raised so I continued, "I looked for girls na pwede mong idate, I messaged some of them and I recei-"
"Ang gusto mo bang sabihin may blind date ako mamaya?" tanong ni Kale.
Tumango ako. "Yes and actually sa susunod pang dalawang gabi."
"What?" Kale asked, shocked.
"You see there were three of them who replied so naisipan kong ischedule silang idate mo these coming nights," sabi ko. "Sorry, Kale. I know, di dapat ako nakialam pero I just wanna help... you know."
Kale moved his eyes away from me.
Galit na ba siya? Susumbatan niya ba ako sa ginawa ko sa kanya?
"This night," he started then paused for a while, "what place and what time?"
"Yellow Cab, seven pm," sagot ko.
"Okay I'll be there on one condition," sabi niya.
"Ano?"
"Ipagdadrive mo 'ko," sabi ni Kale.
"S-sure," sabi ko.
Whoa! Tama ba ang narinig ko? Pumayag si Kale at di siya nagalit sa akin.
Mamaya na rin ang magiging first date niya.
Pero bakit ganun? Ako naman ang may gusto nito pero bakit di ako masaya?
#
![](https://img.wattpad.com/cover/39709062-288-k455068.jpg)
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Teen FictionAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...