• 4 •

5.6K 151 8
                                        

Every morning, I'd always see Kale in his porch. Actually, after my not-so-good encounter with him, tuwing umaga ko na lang siya nakikita. Hindi ko alam kung nasaan siya buong maghapon pero malalim na ang gabi kapag umuuwi siya.

At tuwing umaga rin, palagi kong sinusubukang makipag-usap sa kanya. Pero gaya ng lagi niyang ginagawa, he always tried to avoid me.

Meron ngang isang pagkakataon kung saan tinanong ko siya kung pwede akong makipagkaibigan, gulat na gulat niya akong tiningnan. Uulitin ko sana ang sinabi ko pero tinakbuhan niya ako at bigla siyang pumasok ng bahay niya at pabagsak na pinagsarahan ako ng pinto.

What was wrong with him? Ayaw niya ba akong maging kaibigan?

It was my seventh day in here. At ito na rin ang panglimang beses kung saan tatanungin ko si Kale kung pwede ba kaming maging friends. Hindi ko nga alam kung bakit ba ako pilit ng pilit na makipagkaibigan sa kanya, e, halata namang ayaw niya sa akin. Siguro kasi wala naman akong kilala sa mga katabi naming bahay. Parang di ata uso sa mga kapitbahay namin ang lumabas ng bahay nila.

Ayoko namang mag-stick lang kay Suzy. Feeling ko mababaliw na ako sa tuwing kinakausap ko siya at dahil di siya sumasagot, iniiba ko ang boses ko para sagutin ang sarili ko.

Kailangan ko na talagang mapapayag si Kale na makipagkaibigan sa akin.

Huminga ako nang malalim tapos binuksan ko ang front door papuntang porch. Nang makalabas na ako ay agad akong tumingin sa kabilang bahay. Bukas ang ilaw, pero wala si Kale.

Baka masyado lang akong maaga ngayon. I glanced at my wristwatch, 5.15. Hindi ako maaga. Dapat nandito na siya sa labas. Pero bakit wala pa siya? Baka tulog pa. Siguro puyat kagabi. Siguro nga... Umupo muna ako sa bench sa gilid ng porch. I guess I would just wait for him to wake up.

Thirty minutes na ang nakakalipas pero walang Kale na lumabas.

He wouldn't show up.

And this time, I was sure of it. Baka sawa na siya sa araw-araw kong pangungulit sa kanya. Iniisip ko tuloy kung bakit ganoon siya. I mean, he did everything to avoid me. Imposible namang loner siya. He got some friends, right? Sinabi niya yun nang nasa café kami. Then, why was he like that? Ang aloof niya pagdating sakin. Hindi kaya... womanhater siya? Could it be the reason?

Standing up from the bench, nagsimula na akong maglakad palabas. Mamaya ko na iintindihin si Kale. Right now, I needed to jog.

=

Humihingal akong tumigil mula sa pagtakbo. Inalis ko ang earphone sa magkabilang tenga at ang tunog ng mga humuhuning ibon ang unang sumalubong sa akin. Medyo malayo ng bahagi ng subdivision itong napuntahan ko. Halos wala na ngang mga bahay na nakatayo dito. Looking around, my eye caught something interesting.

Hindi kalayuan mula sa kinakatayuan ko ngayon ay may maliit na burol. I wondered kung anong meron sa tuktok nun. Gustuhin ko mang makita, nanunuyo na ang lalamunan ko. Kailangan ko nang bumalik para makainom ng tubig. Taking a long sideglance at the place, I sighed. Maybe, tomorrow, I'd be back and see it.

Nagsimula na akong mag-jog pabalik ng bahay. But realizing that my place was way too far, nagdecide na lang ako na sa convenient store na lang bumili ng maiinom. Merong convenient store dito sa loob ng subdivision at bukas iyon 24/7.

Ilang sandali pa narating ko na rin ito. Pagkapasok ko sa loob ay pumunta agad ako sa beverages section. Kumuha ako ng mineral water at pumunta ng cashier para magbayad. Buti na lang at walang pila.

Pagkabayad ko ay binuksan ko na agad ang bote at uminom. It was so refreshing. Wala na ang uhaw ko.

Lalabas na sana ako ng store nang may pamilyar akong boses na narinig. Tumingin ako sa gilid kung saan nandoon ang mga upuan at nagulat ako sa nakita.

Sitting on the corner was Kale, with a girl. And he was laughing with her and kind of... flirting?

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Kale dito at kung bakit siya may kasamang babae. But one thing I was sure of, he is definitely not a womanhater.

"Call me okay?" narinig kong maarteng sabi nung babae. 

"I will," sagot ni Kale, habang ngumingisi. 

Okay, this was so different of him. And what the hell? He was smiling at her. Maybe, not totally a smile... pero kahit na. He wasn't snob this time. Di gaya ng pakikitungo niya sa akin.

I was still looking at them when suddenly Kale leaned down to the girl and... kissed her. Mabilis lang yun pero hinalikan niya pa rin yung babae. 

"Would I be getting more of that?" the girl asked flirtily habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Kale. Ugh! Gross! 

Kale laughed. "Maybe," sabi niya. "I gotta go. Wait for my call."

Ngumiti muli yung babae gaya ng kanina. "Sure, pretty boy."

Nang humiwalay na si Kale sa babae, mas itinago ko pa ang sarili sa shelf ng mga chips. Kailangan di ako makita ni Kale. Narinig kong bumukas ang glass door ng store at nang sumara na ito ay siya namang pag-alis ko sa pagtatago. Agad-agad na rin akong lumabas para sundan si Kale.

Nang nasa may kalsada na ako ay inikot ko ang paningin at tamang-tama namang nakita ko agad siyang naglalakad papunta sa bandang kanan ng daan at lumiko.

Saan kaya siya pupunta? Hindi naman doon ang daan pauwi ng bahay.

Hindi pa naman siya nakakalayo kaya binilisan ko ang lakad para maabutan siya. Nakita kong huminto siya pagkatapos ay may tiningnan sa cellphone. Tatawagin ko na sana siya nang bigla siyang tumawid at pumasok sa isang pancake house. Tumawid din ako at sinundan siya. 

Hinahanap ko kung saan siya pumwestong umupo nang mapansin ko sa gilid ang isang lalaki, kaparehong-kapareho niya ng damit. May kausap ito na isang babae. Isa na namang... babae? 

What the... 

Napanganga ako. Ano naman ni Kale ang isang ito? 

Obviously, yung kanina girlfriend niya. Hindi naman niya hahalikan yun kung hindi niya girlfriend diba? Eh itong kasama niya kaya ngayon?

Maya-maya pa nakita kong hinalikan ni Kale ang kamay ng babae. She was definitely not just a friend. Pero anong ibig sabihin nun? Kung girlfriend ni Kale ang babae sa convenient store... at girlfriend niya rin ito... He's a timer!

Nang tumayo si Kale sa kinauupuan niya at pumunta sa restroom, I took the chance. I went after him at siniguradong hindi niya ako napansin. Hinintay ko siya sa labas ng pintuan ng CR ng boys.

Maya-maya pa lumabas na si Kale pero hindi niya ako napansin sa gilid dahil nakatingin siya sa phone niya at nagtetext. Nang nagsimula na siyang maglakad, hinila ko ang laylayan ng shirt niya.

He laughed. "Hey hindi mo na ako kailangang sundan hanggang dito."

Suddenly he turned around to face me, "Miss me alrea—"

Natigilan siya nang makita niya ako. Obviously, hindi ako ang inaasahan niyang makita. His eyes widened. "M-Maika?" gulat niyang tanong.

I smiled at him mockingly. "Yes it's me, Kale."

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon