• 41 •

3.6K 116 15
                                        

Umaga na pero tuliro pa rin ako. Pagkatapos ng nangyari sa may burol, dala-dala ko na iyon hanggang sa higaan. Kaya't hindi na ako gaano pang nakatulog. And I didn't care. Sleep was not what I needed.

Remembering last night, I groaned. I just told Kale what I truly feel. And he broke my heart by the words he said. 

Pero naalala ko rin yung reaksyon niya nang tanungin ko siya kung ano bang tunay na nararamdaman niya para sa akin. There was something there. And maybe, it might not be love, but it was close to that. Kale was just too stubborn to admit it.

And honestly I did not know if until when I could wait or what I could take just for him to tell what he truly feels for me.

Buong maghapon, nanatili lang ako sa loob ng bahay. Kulang na nga lang mabutas ang pader na kanina ko pa tinitingnan. I glanced at my phone. There was still nothing but an empty screen. Wala man lang missed call o text galing sa kanya. Kay Kale.

And I couldn't stop myself from wondering if what he's doing now. Kung naiisip niya rin ba yung kagabi? Kasi iyon na lang ang laging pumapasok sa isipan ko.

If he even cared that I was hurt by him. Or...

Napasandal ako sa sofa saka nagbuntong-hininga. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos ng nangyari kagabi. But for me, I just wanted to know the truth from Kale. I just wanted to hear from him what he honestly feels for me.

Ilang sandali pang nasa ganoon akong ayos nang bigla kong narinig na tumunog ang ring tone ko. May tumatawag. Inabot ko ang cell phone at agad na sinagot ang tawag matapos makita ang pangalan ni Jordane.

"Maika?"

"Hi, Jordane," sagot ko. "Napatawag ka?"

"Um, si Kale..."

Nagsimula akong kabahan doon. Yung tono kasi ng boses niya. Parang may nangyaring hindi maganda. "Bakit? Anong nangyari kay Kale?"

I heard her breathe deeply. "Maybe you want to see it for yourself. Itetext ko yung address. Pumunta ka dito."

Marami pa akong nais itanong. Kung ano ba yung sinasabi niya at bakit kailangan ko pang pumunta doon pero ang tanging nasabi ko na lang ay, "Okay."

Agad kong natanggap ang text mula kay Jordane. Binasa ko ang address at hindi ako pamilyar doon. Di bale na. Magtataxi na lang ako. Nagpalit ako ng jeans at hinayaan na ang black t-shirt ko saka nag-sneakers. Kinuha ko ang purse saka ni-lock ang bahay at lumabas na.

Pagkalabas ay doon ko pa lang napansing gabi na. Sa buong maghapon ay hindi man lang ako sumilip sa oras. I briefly glanced at my phone and saw it was already past eight.

Nakapara ako agad ng taxi. Binigay ko sa driver ang address at hindi man lang umabot ng tatlumpung minuto ay narating na namin ang lugar. It was a big house. No, it was close to being a mansion. Kaninong bahay ito?

Nang makapagbayad na ay lumabas na ako ng taxi at patuloy pa ring pinagmasdan ang napakalaking bahay. Nagpadala ako ng text kay Jordane para ipaalam na nandito na ako. Maya-maya pa ay nakita ko siyang lumabas sa maliit na gate. Pumasok kami sa loob at nakita ko ang malawak na driveway na may iba't ibang sasakyang nakaparada.

Tinanong ko na siya kung kaninong bahay iyon.

She looked at me seriously, like she was testing my mood before saying, "Carmen."

Napanganga ako doon. "What? Like si Carmen na nalink kay Kale?"

She nodded.

Mas lalo akong naguluhan. Pero, bakit? Paano? "Anong meron? At nandito kayo?"

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon