Comments po. Salamat. xx
#
Nagtatawanan kaming lahat habang naglalakad palabas ng park. Paano, nagjoke na naman si Raz.
I felt Kale's arm on my shoulder. Tumingala naman ako at tiningnan siya. Napatingin din siya sa akin. I didn't comment about his hand and just smiled at him. He smiled back.
I smiled even more then removed my gaze away from him and looked at his friends. Kahit pa isang beses ko pa lang silang nakakasama lahat, alam ko ng hindi malayong maging close ko sila agad. They were fun to be with and all of them were nice.
Malapit na kami sa gate nang makarinig kami ng tumawag kay Kale. All of our eyes went to the source of the voice and my jaw dropped when I saw Carmen.
Great. Just great. Anong ginagawa niya dito?
Bigla ko namang naalala yung ginawa niya nung nakaraan, sa party niya. I stiffened instantly not because of fear but, of annoyance. Subukan niya lang na gawan ako ng hindi maganda.
Kale seemed to feel my unease that I felt his hand squueze my shoulder twice. And I wouldn't deny that his touch calmed me.
Nakita kong nagulat si Carmen nang makita ako at mas pumangit pa ang ekspresyon niya nang makita ang ayos naming dalawa ni Kale. Kung nasaan nakalagay ang kamay ng huli. Pero, agad ding nawala yun at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis habang nilalakad ang kaunting distansiya ng layo niya mula sa amin.
Doon ko na nakita ang dalawang kaibigan niyang tumulong para ibully ako. At magkasama pala silang tatlo.
Huminto sa harap namin ni Kale si Carmen. "Hi, Kale. Hi, Maika," magkasunod niyang bati sa amin.
Seryoso ko lang siyang tiningnan habang si Kale ay napabuntong-hininga lang.
Nang walang sumagot sa aming dalawa ay nagsalita ulit siya, "Pupunta ka pala dito, Kale. Hindi mo man lang nabanggit sa akin. At nakalimutan mo na naman akong itext. Wala man lang akong balita sa'yo nitong nakaraang buong linggo. Ganyan ka ba lagi sa mga dinedate mo?"
Alam kong sinadya ni Carmen na lakasan ang boses niya sa huli niyang sinabi. Alam ko, sinadya niya yun.
Napatingin naman sa amin ang mga kasama namin, lahat sila ay nagtataka ang ekspresyon. Sigurado, lahat ay iniisip kung ano yung sinabi ni Carmen. Hindi ko alam kung nabanggit sa kanila ni Kale na may dinedate siya. Pero, sa inasta nila kanina, parang hindi nila alam.
Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin ngayon? Iisipin ba nilang inaagaw ko si Kale kay Carmen?
Natigil ang pag-iisip ko nang alisin ni Kale ang kamay sa balikat ko, pagkatapos ay nagbuntong-hininga siya ulit.
Tiningnan ko siya at tumingin din siya sa akin. He smiled at me. That smile that was telling me to just trust him. And I did.
Inalis na ni Kale ang tingin sa akin at inilipat ito kay Carmen. "Can we talk alone?" diretso niyang tanong dito.
Agad namang tumango si Carmen. At naglakad na sila papunta sa di mataong lugar. Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin nina Jordane at inilayo sa mga lalaki at sa dalawang kaibigan ni Carmen.
"Ano 'yun, Maika?" agad na tanong ni Kelsey. "Sino ang babaeng yun?"
Hindi pa ako nakakasagot nang si Merlin naman ang magtanong, "Dinedate niya si Kale? Akala ko ba...kayo?"
I heaved a sigh. "There's no us. I told you, we're just friends."
"Cut that crap, Maika," si Jordane na ang nagsalita. "We both know here that you and Kale aren't just friends."
BINABASA MO ANG
All I Ever Wanted
Fiksi RemajaAll I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first? Meet Maika. The girl who got the all the good-good family, good grades, and a good life. Almost perfect. Isa na lang ang kulang-good boyfri...