• finale •

7.5K 183 46
                                        

"So, reminder long quiz on Friday. We'll resume our discussion tomorrow. Good bye."

Matapos magpaalam ni Mr. Castro - ang professor namin sa College Algebra - ay nagsimula nang magligpit ng gamit ang buong klase. Huling subject na rin kasi namin ito ngayong araw.

Dalawang buwan na mula nang magsimula ang klase dito sa unibersidad na pinapasukan ko. So far, naeenjoy ko naman ang buhay kolehiyo. Medyo challenging kesa noong high school pero kinakaya naman. Nakatulong din na marami na akong nagiging kaibigan. Dumadali ang buhay kapag may karamay.

"Maika, labas tayo!" sabi ni Jenny at pumuwesto sa tapat ng upuan ko. "Kasama sina Gretz, pati sina Charles."

Natigilan ako sa ginagawang pagliligpit at tumingin sa kanya. Nahihiya akong ngumiti. At sa ginawa kong iyon ay alam na niya ang sagot ko.

"Hindi ka na naman sasama!" Siya na ang sumagot para sa akin. "Lagi nang ganyan, pati nung mga nakaraang araw. Nakakatampo na."

Natawa ako. "Sorry na. Nauna lang kasi 'yung appointment kong 'ito. Don't worry babawi ako next week."

"Promise 'yan ah!"

"Promise!" At nagtaas pa ako ng kanang kamay na parang nanunumpa.

"Sige una na kami. Ingat ka ha."

"Kayo rin! Ingat! Enjoy!"

Nitong mga nakaraang araw, lagi na kaming nagkikita ni Tita Arlene, nagkukuwentuhan sa mga nangyayari sa kanila ni Kale.

Mula noong hinatid ko si Tita sa bahay ni Kale at nagkausap silang dalawa, nagsimula na silang mag-bonding. At lahat ng progress sa relasyon nila ay sinasabi sa akin ni Tita.

Noong una, sa telepono lang kami nagkukwentuhan hanggang sa nitong simula ng  linggo ay mayroong nangyaring malaking improvement at hindi napigilan ni Tita ang excitement at sinabi talaga ng personal.

She said Kale remembered her birthday at niregaluhan pa siya. I was shocked that day, greeted Tita a great one and wished her well in life. Nagpaumanhin pa ako't wala akong nabili para sa kanya. Hindi naman kasi ako nainform.

But, really, I was so happy for her. Ang laki na nga talaga ng improvement nila ni Kale.

Pero sa ilang beses na pakikipag-usap ko kay Tita Arlene, hindi ko kailanman nakausap si Kale.

Minsan nga, para akong tanga na iniisip na kapag nakipagkita ako kay Tita ay nandoon din si Kale. O di kaya naman ay kapag papasok ako ng school ay makikita si Kale sa labas ng dorm ko, o sa labas ng school.

Sobra ko na siyang namimiss. At hindi rin nakakatulong na wala siyang naging sagot sa mensaheng ipinadala ko kay Tita. Wala. Ni hindi na nga siya nagtext o anuman. Kahit simpleng 'kumusta ka na daw' o 'hi daw pala sabi ni Kale', wala akong narinig mula kay Tita Arlene.

Nahihiya naman akong magtanong kasi parang di appropriate. Kaya ayun ako, naghihintay, umaasa na may mabanggit si Tita Arlene na may  pinapasabi si Kale sa akin.

At kagaya ng mga nagdaang araw, iyon din ang hinihintay ko ngayon.

"Maika! Natutuwa ako't nakarating ka!" sabi ni Tita nang makalapit ako sa table niya. Binigyan niya ako ng beso saka umupo na ako sa upuang nasa tapat niya.

Kinuha ko sa bagpack ang regalong binili ko kahapon at iniabot yun sa kanya. "Para sa inyo po. Belated happy birthday po."

Bahagyang lumaki ang mata niya sandali sa nakita saka ngumiti nang malapad. "Naku, hija! Salamat! Nag-abala ka pa."

"Wala pong anuman," sagot ko. "Talagang hinanap ko po 'yan matapos na malaman yung birthday nyo. Sana nga po magustuhan niyo 'yan."

"Naku, oo naman," sagot niya. "Magugustuhan ko ito."

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon