Prologue

198 6 0
                                    

"Nabalitaan n'yo na ba yung nangyari ngayon-ngayon lang?"

"May tumalon daw na estudyante, dito mismo sa school natin!"

"Seryoso kayo?"

"Why would I let myself got this stress if I'm just joking around."

"Guys, they're telling the truth! Kitang kita mula sa building na 'to ang katawan nya!"





Natuon ko ang atensyon sa labas ng pintuan ng dahil sa malakas na sigawan ng mga kaklase ko. Hindi ko sila maintindihan dahil parang nakakita ng zombie kung makatakbo sila palabas.

Mabilis kong nilulon ang kasusubo palang na cupcake, muntik na tuloy akong mabilaukan, and worse pa wala naman palang nakahandang inumin dito ang mga waiter dahil maski sila ay lumabas rin para makichismis. Idiom!

"What are they doing? They are all look stoofid." I chuckled.

Bigla akong napakurap.

Ako na lang pala ang natitirang tao rito.

Pati yung kausap kong waiter kanina nawala na rin.

Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi pa naman oras para sabihin ang Best in gown at Mr. & Ms. Prom Night.

Bakit sila naghihiyawan na parang mga nawawala sa katinuan.

Gusto ko pa sana ubusin ang mga nakahandang pagkain, lalo na ang cupcake pero nababahala kasi talaga ako.

Wala namang makakasagot ng tanong ko kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan sila nagtatakbuhan.

Nang makalabas na ay napatigil ako at hinabol ang aking hininga, ang bigat ng suot kong gown! Hindi ako gaano makatakbo ng mabilis.

Nakita ko na ang kumpulang mga tao sa labas ng building namin. Ang iba ay nagsusumiksik para lang maka-alis sa siksikang kumpulang mga estudyante. Ang iba naman ay naririnig kong humahagulgol.

Teka? Bakit? May role play ba?

I briefly examine the place. Siniko ko ang dapat sikuhin. Inaapakan ng heels ko ang mga nakaharang sa daraanan ko.

The situation is out of control. Pati mga teachers at guards ay walang palag sa amin, so that it fuels the panic that we are feeling right now.

Everyone is panicking, but not me.

Kumunot ang aking noo sa mga narinig ko.


"Sino raw yung estudyanteng 'yon?

"Nobody knows. I don't know either" sagot ng isa.

"But I think because of depression." sabat pa ng kasamahan nila.

"I guess so, sino bang wala sa ulirat ang tatalon basta-basta mula sa rooftop ng walang mabigat na dahilan,"he chuckled na para bang ginagawa pang biro na may taong nagpakamatay.




Napako ako sa aking kinatatayuan.

May nagpatiwakal sa mismong school namin.

Pero sino at bakit naman n'ya kaya nagawa 'yon?

Tumakbo pa ako at nang makarating na sa labas ng school ako'y nagpalinga-linga sa buong paligid.

Bigla ko kagad nahawakan ang aking ilong sa masangsang na amoy na bumungad sa akin na halos tumatarak hanggang sa utak ko ang malansang amoy .

Mahilig ako sa mga horror and disturbing movies, but not to this point na makakakita ako sa personal na taong duguan at nagkanda lasog-lasog na ang katawan mula sa malakas na impact ng pagbagsak.

Sino kaya ang babaeng 'yon?

Kawawa naman s'ya.

I walked closer to her.

Examining her briefly.

Mahaba ang buhok.

May katangkaran, balingkinitan ang katawan.

And wearing her favorite purple ribbon.

At...

Isa lang ang alam kong nagsusuot ng childish na pamusod na 'yon.

H-hindi...

Hindi maaari.

"Heya! Heya!" Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa takot ay walang pangundangang kusang tumatakbo ang mga paa ko papalapit sa babaeng nakahandusay sa sahig.

Hindi ko na maiwasang makaramdam ng panlalamig sa buong katawan. Hindi ko makontrol ang pagtulo ng aking mga luha. I feel terrified. Hindi pwede!

Ang matalik kong kaibigan—wala nang buhay...

Nagpupumiglas pa rin ako habang isinisigaw ng paulit-ulit ang pangalan niya, wala na akong pake kung matanggal ang make up ko at magmukhang baliw. Gusto ko lang muli'y masilayan ang kaibigan ko.

Pero kahit anong pilit ang gawin kong pagyugyog sa katawan niya ay hindi pa rin siya gumagalaw. Wala na talaga siya. Wala na si Heya.

I let my hand off on her. I was just dumbfounded as I let my tears fall. I felt sympathy that everyone around here is giving to me.

Noong dumating na ang mga pulis, ini-angat na nila ang katawan ng babae. Nagdadasal ako na sana, sana mali ang hinala ko.

Hamo na magmukhang tanga na iniiyakan ang maling tao, kesa malaman kong siya nga talaga ang nakadapa ngayon.

Tuluyan nang na-blanko ang utak ko at dumilim ang paligid nang makumpirma ko kung sino ba talaga 'yon.

I-it was Heya; my bestfriend, who is now covered in her own blood... And no longer alive.


END PROLOGUE.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now