Warning: long chapter + revelation hihi
KNOX
Nineteen days after Heya's death
NAKA BEAST MODE NA YATA NGAYON ang Fithi na nakikita ko sa harapan ko. Mas maangas at mas nakakatakot s'ya kumpara sa Fithi na nakilala ko noon na maangas rin pero ibang klase talaga yung ipinapakita n'ya ngayon.
Untouchable!
"I know you're not the one who made the fake video," bulalas pa ni Fithi sabay ngisi. "But you're the one who uploaded it on Social Media. Ikaw ang nagkalat ng doping video ni Heya kahit wala naman 'yong katotohanan, kahit na alam mo sa sarili mong peke ang mga 'yon!"
Akmang susugurin ko na sana si Joseph at pauulanan ng suntok kagaya ng panahon sa labas. Ngunit may isang kamay ang humawak sa aking braso para pigilan ako sa gagawin. "Let me go, Michael."
Kunot-noo siyang umiling habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa akin. "Hayaan mo muna siya mag-rant. Alam ko na kapatid mo ang pinag-uusapan rito, pero please alam ni Fithi ang ginagawa n'ya. Let us trust her for doing this." Paliwanag n'ya at binitawan na ang braso ko.
"And that girl over there." At itinuro ni Fithi ang babaeng nakagapos ng lubid sa may pintuan. "Olivia Byers tell them everything!"
Mapait na tumango si Fithi. "Just... Please trust me, sa kotse ko na lang sasabihin ang lahat."
Nagkatinginan kami ni Michael at parehong nagdadalawang isip kung maniniwala ba kami or what? Pero si Fithi 'yan e, maniniwala na 'ko. S-she's my love after all.
"Bago tayo umalis, may ipapagawa lang ako sa inyong dalawa."
"Ano 'yon?" Tanong ko.
Ngumisi siya ng nakakaloko. Nako, alam ko na ang tinatakbo ng utak n'ya, tyak akong delikado. "Madali lang 'wag kayong mag-alala..."
"Kukunin ko lang ang lubid sa trunk ng kotse ko habang kayong dalawa naman ay dakpin si Olivia."
"Huh? P-paano? Bubugbugin namin? Hindi kasi ako pumapatol sa babae, Fithi," aniya ko habang papalayo siya.
"Do whatever you want. Okay, ikaw na lang gunawa Michael alam ko namang may dugo kang basag-ulo. Ikaw na lang ang magtali nito kay Olivia, Knox." Maootoridad niyang utos habang ini-aabot sa akin ant lubid.
"Basta kakailanganin natin s'ya pagpunta sa bahay ng target natin. Ilagay n'yo si Olivia sa trunk. I guess kasya naman s'ya roon. Siguro tapalan n'yo na rin yung bibig, ayoko ng marindi habang bumabyahe. Okay?"
Sabi na nga ba e, may pagkabrutal ang babaeng 'to. Kuhang kuha n'ya yung mga strategy ng mga murderer na napapanood namin ni Heya sa documentaries.
Kakaiba ka talaga Fithi, iba ka sa lahat. At iyon ang nagustuhan ko sa iyo.
"Oh so you don't want to tell them everything huh? So let me. Okay now listen peacefully ayokong may sasabat habang nagsasalita ako." She paused, itinuro ang babae at inirapan siya bago muling humarap sa amin.
"Nagsimula ang lahat sa selos. Si Heya ang laging pang una, sila ni Cedric at 'yang babaeng 'yan ay lagi na lang pangalawa, kumbaga lagi na lang siya nasa likod ni Heya. Hindi nabibigyan ng spotlight dahil natatabingan siya ng anino ni Heya, kaya puro kadiliman ang namamalagi sa utak mo, Olivia."
YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...