Knock, knock, 44

24 2 0
                                    

Trigger warning: may part po rito ay ukol sa suicide. About sa kung paano nag-suicide si Heya. Medyo maselan po ang tatalakayin ko. Binabalaan ko na po kayo.

You can skip this po, okay na okay lang sa akin. Basta ayoko pong maapektuhan ang mental health niyo dahil sa story na 'to.






FITHI

Nineteen days after Heya's death

WALA NANG ORAS PARA MAGMUKMOK at magpaka sadgirl. Kailangan ko gumalaw at maging alerto ang aking isipan.

Base sa sulat na ginawa n'ya? May clue kaya about sa mensahe kung nasaang lugar s'ya Saan kaya posibleng naroroon siya?

I read the message twice. Nagbabakasakali na may iniwan siyang palatandaan kung nasaan siya. Duck you Knox! I'm freaking cursing you right now in the front of your house!

I sigh, "wala naman akong magagawa 'pag minura kita nang minura rito. Para lang akong tanga na nagsasalita mag-isa."

At the last sentence before he says goobye with my name on it. This last sentence give me creeps. The air give me chills the second time I read it.





Tutuldukan ko na ang lahat, matatapos ito kung saan nagsimula.




Kung saan nagsimula? Oh goddamn it! I knew it! Sana nga tama ang hinuha ko. Sana nga nandoon ka sa aking pagpunta Knox.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kotse at mabilis itong pinaandar, kung pwede nga lang na lumipad na 'to gagawin ko para lang makapunta sa kinaroroonan ni Knox within a glimpse of eyes.





.....




"I knew you will come!" Isang nakakagulat na pamilar na boses kagad ang sumalubong sa akin sa pagtungtong ko pa lang ng rooftop.

Naroroon siya sa tabi ng pintuan nito, nakasandal sa pader habang nakahalukipkip ang mga kamay. Masaya ang awra ng mukha niya at nag-niningning ang singkit niyang mata na nakatitig sa akin.

Wala namang nagbago sa kan'ya ha? Walang pinagkaiba sa Knox na usually kong kasama sa imbestigasyon. Ang Knox na nakilala at naging kasangga ko nung nawala si Heya.

Walang nag-iba sa kan'ya. Nakakapagtaka.

I rolled my eyes, looking back and forth to him, "What the hell you're doing here?"

Hindi lang basta-basta ang lugar na 'to, ito rin kasi ang rooftop ng school building namin, ang lugar kung saan kinitil ng kaibigan ko ang sarili niyang buhay.

Nilunok ko ang takot ko at inilabas ang pagiging matapang para muling makatungtong dito, simula kasi nung nangyari ang 'di ko inaasahang insidente, ni pagtingala nga para lang tingnan ang langit malapit sa part na 'to ay hindi ko magawa.

Para bang nakikita ko si Heya sa tuwing lilingunin ko ang rooftop na 'to. Pero dahil sa emergency at pangangamba ko sa kapatid ni Heya ay naglakas-loob kong sinuong 'to na umaasang naririto nga si Knox, at sa huli ay tama naman ang hula ko.

He half smiled on me, "do you remember... everything now, Fithi?" His tone changed it become husky and serious.

I freaking know what he means. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, wala pa man rin akong sinasabi pero kusa nang tumutulo ang luha ko. Tama nga si Cedric, I'm such a crybaby.

"S-sorry Knox. S-sorry," I murmured.

Balak ko sanang lapitan s'ya at bigyan siya ng isang napakahigpit at mainit na yakap ngunit hinsi ko man lang magawa.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now