FITHI
Five days after Heya's death
NAKARATING NA KAMI sa resto na sinasabi ni Knox, naghanap kami ng maaring pag-pwestuhan, yung doon raw sa medyo hindi nadaraanan ng mga tao.
Simula nung sumalubong siya sa amin ay hindi na n'ya binitawan sa kanyang balikat ang tangan-tangan na tote bag.
"Ano ba kasi ang laman n'yan?" Not my curiosity side bothering me about that shit.
Ayaw pa kasi i-straightforward sa amin ang lahat, bakit kailangan pa magpaligoy-ligoy.
He genuinely smile at me even though pinagtaasan ko s'ya ng boses dahil sa irita. Bakit ganun na naman siya sa akin? Ngiti nang ngiti kahit wala namang camera.
Si Knox ang nasa dulo katabi ng pader at sa tapat n'ya si Cedric na ngayo'y hayok na namimili ng o-orderin habang ako ay katabi si mokong na may mysterious tote bag.
"Okay na kuya eto na lahat ng order namin, thanks," aniya Cedric nirepeat ng waiter ang order naming lahat bago umalis.
Lumingap muna sa paligid si Knox bago ilagay sa lamesa ang kanina pa n'yang iniingatan. "Finally," bulong ko sa sarili.
Inalisan n'ya 'to ng damit at bumungad sa amin ang isang laptop—mula pa kanina ang tinatago lang pala n'ya ay laptop? Ano 'to nanakawin ng iba? Hello almost all people here in resto ay mayayaman hindi nila pag-iinteresan iyan.
"First of all bago kayo magsalita sa utak n'yo ng kung ano-ano about this thing in front of us. Let me tell all of you," at dinuro-duro pa kami habang nakangiti kaya hindi ko na naman makita ang mga mata n'ya.
"W-wait? Why are you smiling at me, Fithi?" sarkastikong sambit ni Knox kaya naman halos mabali na ang leeg ko sa kakailing. I caugh off guard.
Bumalik kami sa ulirat ng pumekeng ubo si Cedric at ininguso ang tungkol sa laptop.
"This laptop belongs to my deceased sister"
Kapwa kami napatulala ni Cedric habang nakalingon sa laptop na hinahalungkat na ngayon ni Knox. Heya's laptop doesn't even have a passcode! Kaya madali namin itong nabuksan.
"Alis nga tatabi ako, hindi ako makarelate e kasi hindi ko makita." Maktol ni Cedric at kumuha ng bangko para itabi sa akin, kaya kahit masikip na ang upuan namin ay nagpumilit pa rin siya para lang maki-epal.
And look, here we are parang sandwich na siksik sa palaman. Bakit naman po pinagitna ninyo pa 'ko sa dalawang mokong na 'to.
Hindi man lang na-distract si Knox sa bangayan namin ni Cedric kaya naman kapwa na kami tumahimik at lumingon sa ginagawa n'ya ngayon.
Hinahalungkat n'ya ang lahat ng files doon ngunit bigo kami dahil walang importanteng laman ang mga 'yon kundi puro documentary movies, her swimming competition.
"Try to look at her albums," Cedric politely asked him, sinunod naman rin kagad siya nito. Halos mapasabunot si Knox sa kanyang buhok ng makitang aapat lang ang laman ng folders niya.
H E Y A is the folder names na pinag-isipang mabuti ng kaibigan ko.
Baka mamaya maibalibag pa 'to ni Knox kaya naman nagpresinta na ako na ako na ang maghahanap ng maaaring clues about her death bukod sa email n'ya sa amin and paintings.
H— ang unang folder na binuksan ko, puno lamang ito ng mga selfies n'ya na hindi niya inu-upload on Social Media.
E— ang pangalawang folder, selfies rin n'ya sa iba't ibang competition na sinalihan at napanalunan n'ya with her trophies and certificates too.
Y— second to the last folder, I guess this belongs on her two favorite hobbies. Swimming and painting, different people na nakakasalamuha n'ya, kasama pa nga kami rito ni Cedric pati sila Michael.
Sandali...
What the duck?
Ganon na lamang ang gulat ko nang mabuksan ko ang huling folder na may nakalagay na letrang A.
"Sino kaya 'to? Tingnan ninyong mabuti," inilayo ko sa mukha ko ang laptop at itinutok sa dalawa. Wala rin silang naisagot sa pagtataka ko, kumunot-noo lang silang dalawa habang nanunuod sa ginagawa ko.
"Babe," muli kong binasa ang nakalathala sa screen, nakakapagtaka dahil nickname lang ang nakalagay dyan wala naman kaming maisip na may kapangalan sa school namin na babe.
Napabungisngis akong muli nang may biglang pumasok sa aking isip. May tawag rito diba?
"Callsign for couples," pero wala naman akong kilalang naging boyfriend n'ya ang alam ko kasi no boyfriend since birth siya, 'yan ang pagkakaalala kong binanggit niya sa akin.
"So nagkaroon pala ng kasintahan ang kaibigan ko ah." Natatawa ako habang patuloy na iniiscroll ang mga photos na naka-include sa folder na 'yon.
Pero nawala rin ang bakas ng ngiti sa aking mga labi ng mabasa ang isa sa convo nilang dalawa ni 'babe'
Heya's writing the real name of her boyfriend.
T-teka totoo ba 'tong nababasa namin? Inalis ko ang pagkakapako ng kamay ko sa mouse at sinimulang kusot-kusutin ang mata na nagbabakasakaling namamalik-mata lang ako.
"Si Joseph 'to 'di ba? Nagkaroon sila ng relasyong dalawa ni Heya?" Pagtatanong ko sa mga mokong na 'to na umaasang may makukuha akong sagot.
Akala ko from the very first place na si Cedric ang possible na maging boyfriend ng kaibigan ko dahil napaka desenteng tao ni Cedric kahit na joker s'ya ay masasabi kong isa syang boyfriend material na bagay na bagay kay Heya.
"Yea," maikling tugon ni Cedric kaya pareho kami ni Knox na napalingon sa kaniya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi, edi sana mas nakakamove on na tayo sa nagaganap." Pagmamaktol ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang batok habang nanlilit ang mga matang nakatingin sa akin na kulang na lang mag peace sign s'ya. Loko talaga 'tong mga kasama ko.
"Hindi naman kasi kayo nagtanong kaagad e."
Oh duck!
Goddam—
Give me patience as tall as the Statue of Unity please.
Give me more patience for these two punks!
END 15.1
Author's speaking:
Kung si Heya may Joseph, sa akin na lang po si Cedric, mhehehe
![](https://img.wattpad.com/cover/346657463-288-k458047.jpg)
YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
غموض / إثارةHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...