Knock, knock, 20.1

33 2 0
                                    

SOMEONE

One year before Heya's death


"NAAAMOY MO RIN BA 'YON?" Tanong ko kagad sa kapatid ko dahil hindi ako mapakali, kanina pa ako nakaka-amoy ng usok. Na parang naputol na kawad ng kuryente, parang amoy sunog.

Nilibot ko ang aking paningin, maging ang aking katawan ay mabilis na pinalibutan ang buong bahay. Wala naman na kakaiba, wala namang nagbago.

Nakakapagtaka, ano 'yong naaamoy ko?

"T-tingnan mo banda roon." Uutal-utal niyang sambit habang nakaduro sa pumipisik na saksakan.

Agad akong napako sa kinatatayuan habang hawak-hawak ang balikat ng nakakabata kong kapatid. Gustuhin kong gumalaw pero bakit tila ayaw makisama ng katawan ko?

Bwisit!

Galaw!

Mabilis na kumakalat ang apoy, nakaka-alarma kasi ngayon ko lang naalala na ang saksakan na pinagmulan ng apoy ay isang pulgada lang ang layo sa lalagyanan ng gasul.

Bumalik lamang ako sa ulirat ng marinig kong umiiyak at nagmamakaawa sa akin ang bunso. Maging siya ay nanginginig habang nakakuyom ang mga kamao sa suot kong t-shirt.

"My little me," kailangan niya 'ko at kailangan ay mas malakas ako sa lahat. Kailangan kong maging matatag dahil ako lang ang mayroon siya, at siya na lang ang natitirang yaman na mayroon ako.

I aggressively grabbed my little me's hand at inilayo sa kumakalat na apoy. Hindi pa huli ang lahat, kaya ko pa 'to resolbahan.

"Dito ka muna little me ha, babalik kaagad ako huwag kang aalis sa sala, okay? Pupunta lang ako sa kwarto may kailangan tayong kunin doon. Kailangan na kailangan natin ang bagay na 'yon." Muli kong paalala bago kumaripas ng takbo.

"A-apoy..." Mahina niyang sambit, pero hindi ko siya pinansin, bago kumalat nang tuluyan ang apoy kailangan kong kunin ang lahat ng importante sa bahay na 'to.

Mabuti na lang at ako ang may handle ng natirang pera na ipinamana sa amin ng namayapa naming mga magulang. Kumuha ako ng malaking bag at roon inilagay lahat —cards, cash, anything that I feel useful.

"bilisan mo!" Hiyaw n'ya pero iba na ang tono ng pananalita niya kaya naman mabilis akong umalis ng kwarto para tingnan ang kondisyon n'ya.

Eto na naman ang nararamdaman ko.

Hindi ko maigalaw ang aking mga paa para puntahan siya. Pilit ko man galawin ay hindi ko magawa.

Para akong binuhusan ng isang malaking timba ng yelo.

Napakalamig. Ngunit nagliliyab ang init na kumakapit sa katawan ko.

Ang duwag ko... Ang duwag duwag ko!

Wala kang silbing kapatid. Wala akong silbi...

Unti-unti nang nilalamon ng apoy ang buong kusina hanggang sa bumulusok na 'to papuntang sala.

Nasa gitna siya, umiiyak, nagwawala, tinatawag ang aking pangalan.

Na-trap na kami. Kakayanin ko ba 'to?

Malayo pa ang pagitan bago ako makarating sa kanya pero ni isang maaaring daanan ay wala akong makita.

Punong puno ng apoy ang bahay.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now