Knock, knock, 41

22 2 0
                                    

FITHI

Nineteen days after Heya's death 




"HUWAG KAYONG MAGMALINIS. Lahat tayo ay may kasalanan sa pagkamatay ni Heya. Lahat-lahat. Iisa-isahin ko pa ba ang mga nagawa n'yo? Better not. Dahil walang tao ang hindi nakakagawa ng mali, walang tao ang hindi nakakaisip ng kasamaan sa kapwa n'ya kaya huwag kayong magmalinis lahat."

Lahat?

Paanong naging lahat? 


Siguro dapat h'wag ko na lang intindihin ang huling sinabi ni Joseph bago n'ya kami palayasin sa bahay n'ya komo trespassing raw. At least ngayon makakampante na 'ko, makakampante na kaming lahat dahil malinis na ang pangalan ng kaibigan ko.

Pagkahatid na pagkahatid ko sa kanilang dalawa ay inumpisahan na raw ni Michael gawin ang pwedeng gawin para lang maisaayos ang pangalan ng namayapa kong kaibigan.

He used voicemail at iki-nut 'yon sa part na sinabi ni Joseph na siya ang nag-upload ng fake video at ang pag-amin naman ni Olivia na siya ang may pakana at mastermind tungkol sa doping video of Heya.

Knox said to not revealed the identity of those two on public, sabihin na lang na ang dalawang 'yon ay sa mismong school rin nag-aaral kagaya ni Heya. 

Yun nga lang gamuntik na nga sila mag-away ni Michael kasi kating-kati na si Michael na isiwalat sa publiko ang mga mukha ng taong sumira sa buhay ni Heya.

But then, he is her blood and brother. Kung ano ang desisyon n'ya ay susundin lang namin. Pero naging successful rin naman dahil binabatikos na ng lahat ang dalawang 'yon sa Social Media.

Almost half of the comments on Michael's post ay puro pagsosorry ng mga tao dahil naniwala agad sila sa nag-viral na video ng hindi man lang nakikinig sa kabilang side. 

At ang kalahati naman ay nadi-disappoint dahil sa ginawa ng dalawang yon ft. Joyce oo, isinama rin nga pala namin sa video ang pilipit na 'yon para magtanda naman sila sa ginawa nila sa kaibigan ko.

Bakit kaya ganun no? Kung kailan huli na ang lahat tsaka mo maa-appreciate yung taong 'yon.

Kung kailan wala na sila tsaka mo makikita ang halaga nila sa buhay mo. 

Kung kailan huli na ang lahat at wala nang magagawa pa para ibalik ang buhay ni Heya, tsaka mo pa lang malalaman na tama ang katwiran niya at mali ang inaakusa ng iba sa kan'ya.

Biglang nadako ang tingin ko sa orasan. Pasado ala-sais pa lang ng gabi pero ubod na ng rami ang mga nangyari. 

It's 6:00 pm, Heya hindi ba ito ang paborito mong oras? I bitterly smiled, ikaw unang naaalala ko kapag dumadako sa ala-sais ang orasan.

"H-Heya?" Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ng bigla-bigla ko siyang makita sa aking harapan. Unti-unting lumilinaw ang katawan n'ya hanggnag sa masigurado kong siya nga ang babaeng nakatayo sa harapan ko.

She thrust her cheekbones up while looking at me. "Thank you, Fithi. Pero paalam na rin, aalis na kami ni Cedric." Aniya at lumingon sa kabilang direksyon and there I saw Cedric grinned at me.

"Woy, Cedric!" At kumaway-kaway pa 'ko na para bang sinasabing long time no see sa isang kaibigan.

Hindi nga lang siya nagsalita, ngumiti lang at kumaway rin. Nakakapanibago ang tahi-tahimik n'ya.

"Paalam, Fithi," aniya Heya. "Sobra-sobra akong nagpapasalamat. Mamimiss kita." 

"No wait, please don't leave me! Dadalaw ka naman sa panaginip ko 'di ba Heya? Gaya ng lagi mong ginagawa sa akin? Hindi ba?" Paulit-ulit kong tanong habang tumutulo na ang mga luha ng 'di ko namamalayan.

Umiling-iling siya pero 'di pa rin nawawala ang ngiti n'ya habang si Cedric naman ay naglaho para lapitan si Heya. They're both holding hand together habang unti-unti na nga silang naglalaho sa paningin ko.

"HEYA! CEDRIC!"

Wala na. Wala naman na akong magagawa pa hindi ba? Tuluyan na nila akong iniwan mag-isa.

This is not the goodbye, I guess? Or am I just gaslighting myself para lang gumaan ang pakiramdam ko at i-comfort ang sarili.

Pero may point rin naman, this is not a goodbye but a see you later. At sigurado akong kahit wala na talaga sila ay magmamarka pa rin sa puso at isipan namin ang mga iniwan nilang masasayang alaala.

I tried to close my eyes while still crying, to... To remember them, and try to see them again for the very last moment.










HEYA

Two hours before Heya's death


Iniabot ko sa kan'ya ang halaga ng perang napag-usapan naming dalawa. "We got our deal, alright?" 

"Pero kasi madam..." Nagdadalawang-isip niyang sagot habang kinakamot ang sentido.

Nilagay ko ang hintuturo sa bibig ko para patigilin siyang magsalita at mag pero-pero."it's my choice and it's not your business para makialam sa takbo ng buhay ko po, okay?"

Tumango naman siya pero alam kong hindi pa rin siya kumbinse sa sinabi ko. Naiintindihan ko rin naman siya kasi mukhang inaalala lang niya ang magiging results ng sinasabi ko.

Ang resulta sa araw ng aking pagkamatay.

Sa araw ng prom, makakalimutan na nila ang pangalang Heya Albeji. They will forgot that I exist in this world.

At sa wakas, matatakasan ko na ang mapait na sinapit ko dahil sa pekeng pag-aakusa sa akin ng lahat. Ng lahat ng tao.

Hindi na 'ko makapag hintay. Matatakasan ko na ang problemang araw-araw kong binubuhat. Mag-isa kong kinakarga ang mga pasakit na binabato nilang lahat.

"Pero madam, paano po siya? Base po sa kwento n'yo sa akin, hindi basta-basta papayag 'yon," usisa n'ya.

I pout, "Yeah, I know." At sumenyas ako na para bang nag-iisip ng maaring gawin, "kaya nga nandyan ka para gawin ang trabaho mo—ang inuutos ko." 

"Paki-ano na rin ho, na sana huwag na niyang maalala ang mapapait na nangyari sa amin noon, yung time na halos hindi na 'ko ngumingiti sa harap n'ya. Ang mga panahong malungkot ako. Gusto ko po na mas i-highlight niyo yung mga oras na masasaya kaming nagbo-bonding. The time na wala kaming iniintinding problema— noong hindi pa nangyayari ang fake video,"

Huminto ako ng makitang nakangiwi s'ya, "gusto ko lang ho na maalala niya yung masayang ako, masayang Heya na nakilala niya noon. Hindi tulad ngayon na nawala na ang saya sa aking mga mata. But don't worry po, ayokong burahin n'yo ng panghabang buhay ang mga alaala niya."

"Gusto ko lang na pansamantala mawala ho, dapat maalala niya ng paunti-unti ang mga nangyari ng sarili lang n'ya hanggang sa tuluyan na 'kong mawala sa mundong 'to."

"Hallucinate her and make her not to remember what I told you today, the bad things that happened before. I just want you to experience and leave a memory of me, the happy Heya. Just do it temporarily, let her remember the bitter events of the past by herself."

"Masusunod, madam. Maasahan ninyo po ako."




END 41.

Author's speaking: 

So kaya pala minsan kusang nagpo-pop up ang mga alaalang nangyari noon (na hindi niya maalala) kasi nangyari pala talaga 'yon...

Hindi lang niya naalala very quickly because of hallucinations na pakana ni Heya. Ohhh now I get it.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now