FITHI
Eleven days after Heya's death
"IS THIS MISS FITHI SAMRID?" Isang hindi pamilyar na boses ang bumungad mula sa kabiLang linya pero imbes na ibaba ko ang telepono na akalang prank call ay hindi ko nagawa.
Parang iba kasi kutob ko rito e, hindi ko maipaliwanag.
"Y-yes, sino kayo?"
Medyo may kaedaran na ang boses ng lalaki, "Kaano-ano mo si Mister Cedric Banda?" Tanong niya.
Bakit kilala niya ang kaibigan ko? Ano ba kasi ang nangyayari?
"Pulis po ang kausap ninyo ngayon, isa kasi kayo sa naka-saved ang contact number sa cellphone ni Cedric kaya isa rin kayo sa tinawagan namin, at ikaw lang ang kauna unahang sumagot." Huminto sina na para bang naghahanap ng pwestong hindi gaano maingay.
Para kasing may nagkakagulo sa background noise niya, nakakarindi. "Kailangan ka po n'ya, Fithi"
"A-ano po ba nangyari sa kanya?" wala sa ulirat kong tanong.
"We will send the address of the hospital he's confine at, he is still unconscious. Mas maganda po makausap namin kayo ng personal." Paliwanag niya sabay patay ng linya.
Nagkapatong-patong na ang mga isipin ko ngayong araw. Una, ano ang sasabihin namin kay Joseph tungkol sa nalaman niyang pangi-istalk namin kay Joyce, pangalawa, nanganganib ang buhay ng kaibigan ko.
His safety is my top priority because he is also my best friend's buddy.
"S-stay here, all of you. M-may importanteng tao lang akong dapat puntahan sa ngayon. He needs me." Balisa kong paliwanag sa dalawang lalaking halos magpalitan na ng tingin sa isa't isa.
Ewan ko kung magkagalit silang dalawa or what, wala na akong pakialam doon.
"Sino? Sasama na 'ko para sabay tayong pupunta sa taong sinasabe m—"
"I said stay here!" Hiyaw ko dahil tarantang-taranta na nga ako sumasabay pa siya sa iintindihin ko.
Iniwan ko silang nakaawang ang mga bibig, siguro nabigla sa mga sinabi ko na maging ako ay nabigla rin, hindi ko inaasahang masisigawan ko sila, lalo na si Knox.
.....
Nang makarating ako sa ospital ay kaagad kong hinanap kung saang room naka-confine ang kaibigan ko. Pilit akong gusto kausapin ng mga pulis pero ni isang salita ay wala akong ibinahagi, ang gusto ko lang ngayon ay makita ang kondisyon ni Cedric.
Bago ko pa maintuntong ang aking mga paa sa loob kung nasaan si Cedric ay pigil-hininga ako, pinipigilan kong umiyak dahil wala rin naman magagawa 'yon para sa akin. Mas ipinapakita ko lang kay Cedric na mahina ang kaibigan n'ya.
Gaya ng sinabi sa akin ng mga pulis he is still unconscious, hindi ko na siya halos makilala. Ang layo ng Cedric na palatawa at joker sa Cedric na nakaratay ngayon sa kama na puno ng swero at kung ano-ano pang nakaturok sa kanyang katawan.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa kanyang tabi. "Cedric, Fithi's here," bulong ko kahit na alam kong hindi pa man siya makakasagot.
Ano ba kasi nangyari sa iyo? Ang sabi ng mga pulis it was a car accident. Pero ang nakakapagtaka, paano ka maaksidente kung—
I shook my head, kung ano-ano na lang naiisip ko, bad thoughts popping to my mind, and ayoko ng ganito.
Ilang oras ang lumipas, hindi ko nga rin namalayan na nakatulog na rin ako sa tabi n'ya hawak ang kanyang kamay na umaasang magising siya ng mas maaga sa inaasahan ng mga doktor.
Wala pa ring pinagbago, kung ano ang dinatnan ko kanina ay ganun rin ang lagay ngayong nagising ako.
Akmang kukuha sana ako ng maiinom ng may biglang humawak ng kamay ko.
I knew it was him, ang bilis ng pintig ng puso ko. Dahil sa saya na sa muli ay magigising na s'ya
Mabilis akong tumawag ng nars at doktor upang suriin ang lagay ng kaibigan ko. Nakadilat na s'ya ngayon pero kita sa kanyang mga mata ang walang emosyon.
Ang sabi ng mga doktor ay normal na ang lahat na baka mamaya lang o bukas ay makakapagsalita na rin s'ya na parang normal na uli ang lahat.
At least ngayon nagkaroon ako ng pag-asang na mapapabilis ang pagre-recover n'ya.
Maghihintay ako hanggang sa magising ka na, Cedric.
"F-Fithi?" A familiar voice woke my soul that keep falling asleep. He did it! He's fully awake now!
"Oh thank God you're awake. M-masayang masaya ako, alam mo 'yon Cedric bro." Biro ko na lang tsaka wala sa ulirat na para bang kusang gumagalaw ang mga kamay ko at hinaplos ang kanyang ulo na parang batang naging mabait.
Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Nakakainis! Hindi naman ako basta-basta umiiyak, hindi ako crybaby.
"Y-you're crying, ngayon lang k-kita nakitang umiyak. You're not that tough huh?"
"I am tough and brave! Ikaw kasi e, ano ba nakain mo at nagpakatanga ka? Ba't ka naman na-aksidente?" Sarkastiko pero may concern na tanong ko sa kanya.
Ayoko naman siyang sermonan kaagad at ayoko rin na biglain sa mga nangyari sa kan'ya about sa aksidente.
Pero at the same time gusto ko talaga malaman kung paano at bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon.
"I had something to say," aniya bago pumikit na para bang hirap siyang alalahanin ang dapat na sasabihin.
"About the thing that we keep investigating on,"
"What about that? About Heya's true culprit, right?" Paninigurado ko.
He just nodded, "But first, I have a piece of advice to you." I paused, "Please, don't trust too easily on people. Huwag na huwag ka kagad maniniwala sa mga taong akala mo kakampi mo, mga taong bina-backstab ka habang ika'y nakatalikod. Suriin mo nang mabuti ang paligid at awra ng isang tao. Huwag kagad maniwala sa maboboka nilang pananalita,"
He has a point. Lalo na sa panahon ngayon dapat hindi kagad naniniwala basta-basta. Pero bakit bigla niya 'to nasabi out of the blue?
May something ba na dapat akong malaman? May something ba na dapat siyang sabihin sa akin?
END 20.2
Author's speaking:
Anong something 'yan?

YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
Mistério / SuspenseHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...