I divided the epilogue into three parts para hindi gaano kahaba basahin para hindi rin boring smthn like that. Sobrang hba kasi ng nagawa kong epilogue, nacarried-away si Kit hihii
Enjoy reading, my bunbun!
KNOX
"
KAYA BUKAS, GAYA NG SINABI KO SA graduation speech ko kanina. I will held a live on faintbook. I will tell there all. All of what keeps bothering on my mind. Sasabihin ko at ipapangalandakan ko sa kanila ang nararapat nilang marinig."
Sana marami ang manuod ng live ko mamaya. Hindi ako kinakabahan ni pagnginig nga ng tuhod o kahit na anong kilabot sa katawan hindi ko nararamdaman.
Determinadong-determinado ako sa aking mga ilalathala mamaya. Ang sinabi rin sa akin ni Michael na may tinawagan siyang agency na sakop ng isang channel sa telebisyon, pumayag raw kagad ang nasabing channel nung i-point out ni Michael ang theme ng live namin.
Kaya mas lalo akong nasiyahan at na-excite. Konektado sa tv ang lahat ng sasabihin ko. There is a chance na marami talaga ang makakanuod mapa cellphone man, tv or any gadgets.
I will start the live show at exactly 6pm, Heya's favorite time of the day.
.....
4:58 pm
Aligaga akong nag-aayos ng mga kakailanganin naming gamit. Ringlight, high quality camera, where to angle it. Although may mga katulong ako, pero ayoko rin naman na sila lang ang kikilos, ako na ang nakaabala, nakakahiya naman kung wala akong gagawin.
Si Fithi naman ang abala sa pag-aayos ng mga bisita namin. Higit sa inaasahan ko ang mga taong dadalo, triple pa na dumami sila habang palapit nang palapit ang oras ng pagsasagawa namin ng live.
Si Michael naman ang abala sa pakikipag-usap sa agency. Para tuloy siyang matino sa porma at pormal na pakikipag-usap niya sa mga tao sa gilid.
Napagdesisyunan nilang rito isagawa sa Arena ang live. Maraming tao na ang nagsisidalo dala ang kanila-kanilang sarili, pamilya, na animo'y may theater na mangyayari mamaya.
May mga matatanda, kakaunti lang ang nakikita kong mga kabataan siguro'y inaabangan na lang nila 'to sa cellphone para makatipid rin sa gastusin.
"Knick Knox, tara nga rito!" napabalikwas ako ng marinig ko ang pagsigaw sa akin ni Fithi. Kaya otomatiko akong napalingon sa aking likuran kung saan siya naroroon.
I make the 'why' face the second I get there. "Fix your neck tie, para kang bata promise."
"I can't" pagsisinungaling ko.
Napangiwi siya sabay pamewang, habang nakatingin sa akin na para bang hinuhusgahan buong pagkatao ko. "I really can't" dugtong ko pa.
"Ang dami mong alam no, akala mo maniniwala ako. Isang Summa Cum Laude na estudyante tapos pag neck tie lang hindi alam." Dada niya, I half-smile ng makita siyang tumingkayad upang ilagay sa leeg ko ang neck tie.
I giggled. "I love you, Fithi."
She mocking the way my tone said I love you to her. Hindi siya makasagot dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa leeg ko.
Naco-conscious tuloy ako sa aking Adam's apple baka nakakasagabal sa pag-aayos niya. I feel my heart thumped while looking into her gorgeous and simple face.
![](https://img.wattpad.com/cover/346657463-288-k458047.jpg)
YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...