FITHI
Seventeen days after Heya's death
"SO FOR TODAY CLASS, hindi kayo pwedeng mag-group into yourselves kasi may male-left out, kaya ako ang magu-grupo sa inyong lahat. Ang task ninyo ngayon habang nasa meeting ay ito..." Paliwanag ng guro namin habang ipine-present sa PowerPoint ang gagawin namin ngayong araw.
Pagkatapos ipaliwanag kung paano ang gagawin ay nagtatawag na si Ma'am ng mga magkakagrupo ang guess what?
I'm group with that idiot, Michael and that girl named Olivia.
Very wow! Isang kinaiinisan kong mokong at ang isa naman ay hindi ko gaano kilala pero parang maarte s'ya.
"Now, puntahan niyo na ang mga ka-grupo ninyo at ang pasahan ngayong araw din, enjoy~" sa oras na pagsara ni Ma'am ng pintuan ay sinabayan ko ng pagsigaw kaya naman napatingin dahil sa gulat ang mga kaklase ko.
"Nothing," I explained.
"Huwag kang maingay, pwede? Kaaga-aga talak ka nang talak," hindi na 'ko manghuhula kung sino ang taong nagsalita sa likuran ko dahil alam kong si Michael 'yon.
"Para kang ale na nagtitinda sa palengke, sakit sa tenga ng boses mo,"
I sarcastically sigh, "edi sana hindi ka pumasok para hindi mo 'ko nakikita at sana sinalpak mo 'yang earpods mo sa tenga mo 'gaya ng lagi mong ginagawa para hindi mo 'ko marinig." Lumingon ako sa likuran kung nasaan siya at isinabit ang braso ko sa upuan. "'pag may gusto may paraan, 'pag ayaw maraming dada, parang ginagawa mo ngayon, Michael."
"Andito rin ako, 'wag kayong mag-away d'yan," singit ng isa ko pa pa lang ka-miyembro, ni hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala s'ya dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Michael.
Magkakaharap na kaming tatlo, pero katabi ni Michael si Olivia dahil ayoko ng may katabing iba. Si Olivia ang naging leader namin, kawawa naman siya dahil napunta sa kan'ya ang dalawang bobo.
Habang pinapaliwanag ni Olivia ang mga gagawin namin ni Michael ay napansin ko siyang iba ang pagtingin kay Olivia.
He is keep a deadly glaring toward her, bakit kaya?
Mukhang mabait naman 'tong si Olivia mukhang medyo maarte pero keri na, ayokong mangyari sa kan'ya ang ginawa sa akin ni Michael noon. Dapat wala nang madadamay pang iba at wala na dapat siyang magawan ng ganito. Ako na sana ang last.
"Ah ano, Olivia tabi ka na muna sa akin nahaharangan mo 'ko sa aircon." Palusot ko, hindi ko na s'ya pinaghintay dahil kahit nakaupo pa s'ya ay hinihila ko na kagad ang upuan n'ya patungo sa tabi ko.
"Gusto mo pala ng aircon, edi sana bumili ka at doon ka sa bahay mo magganyan," singit na naman ng mokong 'to. Singit nang singit nakakabuska na s'ya.
"Fyi, wala akong sariling bahay, umuupa lang ako," pambabara ko.
"E ano ba yung apartment? Hindi ba bahay rin 'yon?" Sarkastiko n'yang tugon tsaka lumiyad papalapit sa akin at ngumisi.
I make a rude expression on my face as a sign that I'm magnificent duper irritated on him. Walang yata siyang pakiramdam na inis na inis na 'ko sa kan'ya.
"Kung mag-aaway lang kayong dalawa, iso-solo ko na lang 'to, bahala na kayo sa grades niny—" hinto n'ya at idinuro sa amin ang hawak na ballpen na para bang may sasabihin siyang hindi niya matukoy.
"Ano uli pangalan n'yong dalawa?"
Oh fuck naman. Magnet ba 'ko at lagi ako napapalapit sa mga taong pilit sinusubukan ang pasensya ko.
.....
Isang napakahabang inat ang aking pinakawalan, "finally, natapos na rin ako at hindi ko na makikita ng mahabang oras ang pagmumukha ng Michael na 'yan,"
Nagutom ako, kaya napagdesisyunan kong bumaba para bumili ng pagkain sa cafeteria.
"Hungry Fithi, eat Fithi, Hungry me~" Pakanta-kanta ako habang bumababa ng hagdan ng makita ko si Olivia na mag-isang naglalakad.
Akmang kakawayan ko sana s'ya para mapansin ako ng makita kong umiba siya ng direksyon. Hindi sa classroom ang tungo n'ya kung hindi sa... swim room?
Sa room ng mga swimmer na kagaya ko? Isa rin ba siyang swimmer?
Due of curiosity, I tried to follow her. Mamaya na ang gutom, kaya pa naman tiisin. Pero ang makakalap kong impormasyon dito ay hindi.
Sinundan ko pa s'ya hanggang sa huminto siya sa isang locker.
Nakakapagtaka, bakit doon? Ano ang gagawin n'ya sa locker na 'yon?
Lalapit pa sana ako kay Olivia para siguraduhin kung tama at kung ano ang gagawin n'ya sa tapat ng locker ng bigla akong nakagawa ng ingay.
Leche naman! Bubuksan na sana n'ya ang locker kaso bigla siyang lumingon sa kabilang dulo ng swim room kung saan ako naroroon.
I gasped.
My jaw dropped and I felt like time stopped.
Akmang magsasalita na 'ko para kahit papaano ay hindi makahalata si Olivia na sinusundan ko s'ya nang may biglang humatak sa kamay ko.
Marahas n'yang hinatak ang kamay ko na para bang naghahatak lang ng basura. Ginamit niya ang kaniyang malaking kamay para takpan ang bibig ko.
Pilit akong sumisigaw pero hindi ko magawang makawala malalaki niyang bisig.
Nang lingunin ko siya ay ganun na lamang ang gulat ko. Bakit ba siya nandito rin?
Sinusundan ba talaga niya ako?
Nakakapagtaka rin dahil kunot-noo siyang nakatingin kay Olivia habang nakalagay pa rin ang kamay sa bibig ko para patahimikin ako.
END 26.
Author's speaking:
Who did Fithi saw? Is there something about Olivia or are they just being honest? Hmm?
YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
Mystère / ThrillerHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...