JOSEPH
Six months before Heya's death
"HEYA..." I sigh. "B-babe?""Don't you dare call me babe from now on, ano ba!" bulyaw n'ya sa akin, "ano pa ba ang gusto mong sabihin sa akin?"
"Mahal kita." Diretso kong sambit habang nakaharap sa kanya.
Ilang segundo ang lumipas pero wala akong tugon na natanggap. Malungkot akong bumuga ng hangin bago muling maglakas-loob magsalita. "Mahal kita, Heya. Hindi masusukat sa salitang mahal kung gaano kita pinapahalagaha—"
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla s'yang tumawa nang nakakaloko. "Nagpapatawa ka ba? Mahal mo kamo ako?" She continued to laughing right in front of my face.
"Mahal, pero bakit mo 'ko ginaganito. Bakit pinapadama mo sa akin na para lang akong walang kwenta sa iyo," ipapaliwanag ko pa sana muli ang side ko nang bigla siya magsalita.
"Siguro ginagawa mo na naman ang lahat ng ito ng dahil sa kanya. For that person's sake, doesn't it?" Mangiyak-ngiyak nitong tanong, kahit ayaw man niya ipahalata ay nakikita ko ang bawat paggalaw ng balikat niya.
Parang sinaksak ako ng paulit-ulit dahil sa tinuran n'ya. Hindi mo rin siya masisisi dahil naiipit lang sya sa pagitan namin ng taong 'yon. Pero hindi mo rin ako masisisi dahil mahalaga sa buhay ko ang taong sinasabi niya.
I'm weak and pathetic.
Wala akong iniwan sa kanyang magagandang alaala, puro sakit at sama ng loob.
I'm a whole coward.
Alam kong hindi na ako ang taong deserve n'ya. She deserves someone who is willing to take the risks to be with her.
She doesn't deserve some trash like me.
I deserve the pain that I encountered now.
"Ayoko na, Joseph."
Wala na tuluyan nang gumuho ang mundo ko, tumatagaktak na ang luhang sa mga salita lang ni Heya lumalabas. Ang bawat salitang binitawan niya ay para bang martilyo na hinahampas ang ulo ko ng paulit-ulit, pinipira-piraso at itinapon ng walang kahirap-hirap. "Pagod na pagod na 'kong mag-explain sa iyo ng lahat, ng nangyari sa pagitan naming dalawa."
Wala na. Wala na talaga huli na ang lahat, hindi ko napansin na wala na s'ya sa harap ko habang ako ay nilalamot ng dilim at lungkot.
Ang sakit sa puso.
Winawarak at pinupunit ng hindi man lang ako makasigaw.
"Paalam, Heya."
......
Nagdadalawang isip pa 'ko kung papasok ako sa natitirang time, wala na rin naman ako sa mood para mag-aral. Siguro hindi na lang ako papasok ng isang linggo. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko.
Mag-aalas dose na ng hapon ng mapatingin ako sa school clock namin, dalawangpung minuto na lang ang hinihintay at babalik na si Ma'am. May oras pa para kunin ko ang aking bag at makalayas na.
Ngayon ay napakaraming tao ang nagkalat sa hallway at nagtatakbuhan, wala akong pake kung ano mang chismis ang meron sa kanila at nagkakandarapa ang mga tao rito para pumunta roon.
Noong malapit na ako sa pintuan ng classroom namin ay nakarinig ako ng pagsigaw ng isang lalaki sa katabing kwarto.
Nagkukumahog akong tumakbo papasok at ng marating ko na ang loob ay nadatnan ko si Heya at Michael. Bumungad sa akin ang nakatayong si Michael at ang nakaluhod ngayong si Heya katabi ang mga nakakalat niyang gamit na tiyak akong kagagawan ng hinayupak na 'yon.
YOU ARE READING
Knock Twice, She's here [COMPLETED]
Misterio / SuspensoHer best friend swears to dig deeper about the truth after Heya jumps off the rooftop, taking her own life. She will investigate the darkest secrets of those who are connected to Heya. No one should be trusted, everyone has something to do with what...