Knock, knock, 37

27 2 0
                                    

FITHI

Nineteen days after Heya's death



I SMACKED HER FACE USING MY BARE HAND. "Let...us in."

"Why did you do that to me! Inaano ba kita?!" Aniya habang sapo-sapo ang pisnging gamuntik nang magkaroon ng dugo.

"Mahirap ba intindihin ang sinabi ko? English naman hindi ba? Hindi ka ba nakakaunawa ng English? O sadyang makitid lang 'yang utak mo?"

Ipinaikot ko ang hawak kong martilyo na para bang magaan na bagay na parang ballpen na ipinapaikot sa kamay.

"Nakikita mo 'to? Gusto mo ba eto na ang tumama d'yan sa mukha mong pilipit?" Pagbabanta ko abay ngisi. I feel the tension getting higher and I freakin love it.

"Papasukin mo kako kami."

"Hell no."

Akmang magsasalita pa sana 'ko nang hawakan ni Michael ang kamay ko para  awatin habang si Knox naman ang pumunta sa unahan ko para kausapin si Joyce. "Where the fuck is your evil twin?"

Joyce tilted her head. "Excuse me?!" Ewan, 'di ko alam kung nakikipagbiruan ba siya o sadyang nakakatawa lang ang tono ng pananalita n'ya.

"Knock it off!" Bulyaw ni Knox na umalingawngaw sa paligid. Nakakagulat dahil maging ang mga ibon sa puno na kalapit ng bahay nila ay nagising at nagwala. Ganon pala sumigaw si Knick Knox.

Ngayon ko lang s'ya nakitang namula ng ganito, nag aapoy na s'ya sa galit. Na halos ang mga ugat nito ay gumuhit na sa mukha n'ya. "Is he will be okay?" Bulong ko kay Michael.

"He is. He knows what he was doing."

Dahil sa gulat ay halos maihi sa salawal si Joyce at nakakagulat talaga dahil gumilid siya sa pintuan daan para papuntahin na kami sa loob.

"Kay Knox ka lang pala takot e," sarkastiko kong kutya sa kan'ya habang pinagmamasdan ang laman at estruktura ng bahay nila.

Hindi kami nagsayang ng oras para libutin ang bahay nila. Dumerecho na kagad kami sa second floor gaya ng sinabi ni Joyce kanina an doon namin matatagpuan si Joseph.

"Knock, knock,"

Bibilang pa sana ko hanggang tatlo 'pag 'di pa n'ya binuksan ay gagayahin ko ang ginawa ko kanina. Pero nakakapagtaka dahil bumukas kagad ang pintuan n'ya at iniluwa nito ang shirtless na si Joseph

"Shoot! Put some shirt on dammit! You're always like this," Narinig kong sigaw ni Michael.

Nagkibit-balikat lang si Joseph, walang kibo na para bang hindi nagulat dahil narito kaming tatlo. Parang... Parang alam n'ya na darating talaga kami. But how?

Pagkabalik n'ya ay binuka na niya ng tuluyan ang pintuan at roon namin nakita ang nakakasuyang estado ng kwarto n'ya. "You're disgusting motherfucker nonchalant person!"

Nakita ko sa peripheral vision ko si Joyce na papa-akyat ng hagdanan  "K-kuya y-you did this? Sayo ba ang lahat ng mga computer na nakapalibot sa kwarto mo?" Taka niyang tanong.

Joseph raised his one eyebrow and nodded. "Yes. Little me, you're right."

Tumawa ako ng nakakaloko, bwisit ka Joseph. "Paano mo naa-atim 'to? Minamanmanan mo kami, tingnan mo mula sa sementeryo may cctv na nakalagay at siguro ikaw rin yung lalaking nakikita kong nakamasid sa amin that time. You're disgusting piece of shit!"

"All of that cctv para lang alamin ang lahat. Lahat-lahat ng ikinikilos namin? Unbelievable Joseph!" Sarkastikong pumalakpak si Michael na animo'y dismayado sa inasal ng dating kaibigan.

"J-just let me explain first, okay?" aniya Joseph.

Nadako ang tingin ko kay Knox, naawa talaga ako sa kan'ya. Kanina pa siya iyak nang iyak na halos maubusan na ng tubig sa katawan. Pero sorry, kailangan ko 'to sabihin sa harapan niya, sa harapan ng lahat para magkaalaman na.

Ngayong araw ang lahat ng mga bagay ay mabubunyag. Ang lahat ng mga baho n'yo ay ilalabas. Lahat ng sikreto ay malalaman.

"You're the hacker that Heya keep saying to me! "

"He couldn't even mention your name the day I was asking who the bent animal hacked all her social media accounts with the source of the original video that was not edited. She can't even say your name because she still loves you! Mahal na mahal ka pa rin ng kaibigan ko, Joseph! S-she can't even curse you kahit na alam n'yang ikaw ang may pakana ng mga nangyari noon—lahat ng kalbaryong naranasan ni Heya. Hindi ka niya masisi sa lahat-lahat ng pinaggagagawa mo sa kan'ya. Nanaig pa rin sa kaibigan ko ang pagmamahal at pag-uunawa n'ya sa iyo. Na baka raw ginagawa mo 'to dahil sa ginawa niya noon kay Joyce."

Huminto muna 'ko para humigop ng hangin, "paano mo nagawa ang bagay na 'yon, Joseph ha? Bakit mo in-edit ang video ni Heya na umiinom ng vitamins and turn it into some illegal drugs para lang ipamukha sa mga tao na nandaya siya? That she been used doping? Tell me your freaking useless reasons!"

Umiiling-iling ito na halos maputol na ang ulo. I wish mangyari 'yon. "I'm not... I'm not the one who made that video, the video na ipinakita ko sa iyo noong lunch time. Eventually I'm here to help you! To help you too, Knox and Michael."

I was outraged, "What the hell you're talking about, Joseph?!" Don't you dare turn the tables down.

"Hindi mo yata natatandaan na ako ang dahilan kung bakit mo nalaman ang pinaka-content ng doping video of Heya. I was here to help you and answer your questions about that pero ngayon tingnan n'yo ang ginagawa n'yo ngayon sa akin. You're accusing me at my own house? How dare you?!"

"Pinagbibintangan mo ako sa mga bagay na wala naman katotohan, hindi makabuluhang opinyon n'yo. At pumasok pa kayo sa bahay ko ng walang consent ni isa sa amin. Tinakot at sinaktan n'yo lang ang kambal ko para lang papasukin kayo. All of you are trespassing..." He paused.

"This is our private property at basta-basta lang kayo pumapasok and you know what that's mean? It says that it's illegal."

At ngayon bini-bring out niya ang law? Well, may pambara ako sa lahat ng sinasabi mo. And I can proof to you that all of the things that I said and will say is TRUE.


END 37.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now