Knock, knock, 17.1

40 4 0
                                    

FITHI

Seven days after Heya's death

HINDI KO AAKALAIN NA PAGKABALIK ko ng bahay ay makakatulog kaagad ako dahil sa kaba. Hindi ko aakalain na aabot sa ganoong punto si Michael na halos patayin na niya 'ko sa takot, at kung pagbantaan ako akala mo siya ang may hawak ng buhay ko.



Kung pag-uusapan ang nararamdaman ko ngayon, matatakot ako o magiging panatag pa rin buhat ng mga nangyari kagabi. Siguro ngayon natatakot pa rin ako, may halong takot pa rin bilang isang babae.



Dahil hindi ko alam kung ano pa ang mga kayang gawin ni Michael, at naiisip ko pa lang, tiyak akong mas worst pa sa naranasan ko kagabi.



Nakakapagtaka ang mga sinabi niya sa akin, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating ukol sa imbestigahan raw siya o si Joyce o kung hindi ay mapapaaga ang pagkikita namin ni Heya.



Is he just messing with my mind just to hide his name from our list of suspects?


But Joyce could also be the culprit, maybe she really has the answer to our questions about Heya's death.




.....




Patakbo akong bumaba ng tricycle na hinahabol ang aking hininga. Bwisit kasi na pago-overthink 'yan kinain tuloy ang oras ng pag-aayos ko papasok.



Dire-diretso akong pumanik ng hagdan ng 'di nililingon ang mga taong nakaharang. Nakakahingal dahil nasa third floor pa ang room namin at andito pa lang ako sa ground floor.



Pero bigla rin akong natigil noong marating ko na ang second floor. Nakaupo mismo sa gitna ng hagdan si Michael na animo'y humaharang sa dinaraanan ko at alam kong sinasadya niya 'yon.



Leche, ano ba 'tong nararamdaman ko simula nang magtama ang aming mga mata ay biglang kinilabutan ang buo kong katawan at nagsimula nang mamuo ang mga pawis sa aking noo.



Sa mga titig pa lang n'ya para na niya 'kong pinapatay. Nakakatakot ang bawat pagsulyap niya sa akin. Duck!



I mentally slapped myself again, talking to my thoughts and gaslighting myself that this time, dapat maging matapang ako para sa aking sarili. Kailangan kong maging matatag para maresolba ang nangyari sa kaibigan ko.



Natakot mo na 'ko, kaya hinding hindi na muli ako magpapauto.



I've done enough.



I'm done with you.



"Fifteen, this will be my last warning to keep youself away with this, or else ikaw rin ang mapapahamak, huwag mo na 'yan ituloy baka masaktan pa ang damdamin mo," he dryly said while still looking at me, and ang ginawa ko?

 

Lumapit pa 'ko sa kanya para mas titigan siya ng mabuti. Hindi na 'ko magpapatalo sa 'yo. Kahit magtitigan pa tayo rito magdamag hinding-hindi ako matatalo.

Knock Twice, She's here [COMPLETED]Where stories live. Discover now