Part 1

24.7K 306 8
                                    


LHOR'S P.O.V.

Another school year is waving as we welcome new students in this school. Nagkukumpulan ngayon sa harapan bulletin ang mga estudyante at pinagkakaguluhan kung anong section sila mapupunta. And until now nagkakagulo pa rin sila.

"Sayang ," maarteng boses na narinig ko mula sa isang babae.

Mukhang magkahiwalay sila ng section ng friend niya this year. Reshuffling na naman. Tumingala ako para tanawin ang pangalan kong nakasulat sa worst section at walang emosyon ang nanguna sa akin. Oo nga. Bakit pa nga ba ako titingala eh hindi naman kasama sa shina-shuffle ang Black Bears, yun ang pangalan ng section namin. Hindi din nag-iiba ang classroom maging ang pangalan ng section at ang pagtrato nila sa amin.

Lumakad ako palayo sa bulletin board. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang babae na papunta sa direksyon ko. Iiwasan ko na sana siya ngunit mas una pa niyang nahawakan ang braso ko kaya hindi ako nakaalis.

Tumingin ako sa kanya.

"H-Hi. Pwede mo bang ituro sa akin kung nasaan ang classroom ng Black Bears? ," inosenteng tanong niya.

"Bakit mo hinahanap? ," agad kong tanong.

Please. Please don't tell me na iisang room lang tayo.

"Ah, kasi yun yung section ko. Pwede mo ba akong samahan? ," malumanay na pakiusap niya.

Impossible! Ang isang anghel na gaya niya? Sa section namin?

"Seryoso ka talagang doon ang room mo? Hindi ka ba nagkamali ng tingin sa bulletin? ," paninigurado ko.

Tumango siya. "Tatlong beses na akong tinanong nang ganyan. Yung pinagtanungan ko kanina ganyan din ang sinabi."

Hindi ko sila masisisi. Natural nang walang may gusto na makihalubilo sa amin lalo na kung mababanggit ang section namin, pero ang hindi mapansin sa billboard ang pangalan niya ay tila nakakapagtaka. Hindi na ako nag-abala pang magkaroon ng pakialam at sinenyasan ko siya na sumunod sa akin na kaagad naman niyang sinuklian ng matamis na ngiti. Habang naglalakad ay napapaisip ako.

Imposible talaga. Hindi kaya mali siya ng nabasa o di kaya'y mali sila ng pinaglagyan sa kanya? Anghel ang mukha at boses niya. Anghel pati ang ugali niya. Paanong malalaglag sa worst section ang kagaya niyang anghel?

"Malapit na ba tayo? ," tanong niya na nagbalik sa aking sa katotohanan.

Nakita kong nasa harapan na kami ng room.

Tumindig ang balahibo sa buong katawan ko na umabot pa hanggang leeg. Paano niya nalamang dito na yun?

No, Lhor, tiempo lang. Tiempo lang yun.

"Pasok ka na. Iisang room lang tayo kaya iisa lang ang papasukan natin ," pagyaya ko sa kanya nang makita kong hindi siya umalis sa kinatatayuan.

Tumango lang siya at sumunod sa akin.

Umupo siya sa upuang malapit sa bintana kung saan natatanaw ang arena ng school. Dito siya napadpad, hindi siya makaka-attend sa bawat kasiyahan ng school kahit magpumilit pa kami. Sayang, anghel pa naman siya. Baka mahawa siya ng kadem0ny0han mula sa mga loko dito.

"Bakit dyan mo napiling umupo? ," tanong ko.

Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Sa ganitong pwesto ko kasi nakasanayang umupo." Tipid niyang sagot.

Hindi talaga dito ang seat na gusto ko pero minabuti ko na rin na tabihan siya. Mahirap na, baka Yung nag-iisang anghel dito madem0ny0. Sa hindi inaasahan, napalingon ako sa likod at napansing masama ang tingin nila. Sinenyasan pa ako ng tanong na, ' sino yan? '

"Classmate natin." Malakas na sagot ko.

Napalingon na din sa likuran si --- Sino nga ulit siya?

Tumayo siya at humarap sa kanila. "Hi, ako nga pala si Jhaydrex, Rex, in short. Nice to meet you."

Nagpalipat-lipat ang paningin nila sa akin at kay Rex. Nanlaki ang mga mata nila. Nakita ko rin na agad tumayo si Jazz mula sa kinauupuan niya at hinila ako palayo kay Rex. Nagtataka din siguro sila dahil gayang gaya nila yung reaction ko kanina.

"Saan ka dumampot ng anghel? ," tanong ni Jazz na nagpakunot sa noo ko.

"Gago ka ba? ," agad kong sabi.

"Napakaimposibleng may ganyan kagandang anghel sa Black Bears. Ibalik mo na siya sa section niya ," usal niya.

"Why don't you ask her? ," sarkastikong sabi ko.

Lumapit nga siya kay Rex at nagtanong. "Hi. Rex, right? Anong section ka nga pala? ," panimula niya.

"Black Bears."

Napaatras si Jazz na para bang gulat na gulat. "S-Seryoso siya bro? ," baling niya sa akin.

Tumango na lang ako at umupo ulit sa tabi ni Rex. Hinarap naman ako ni Rex at nag-poppy eyes.

"Where's the teacher? ," malumanay na tanong niya.

Napalingon na naman sila sa kanya at maging ako ay natawa rin. Naghahanap siya ng teacher na papasok sa room namin. Nakakatawang wala talaga siyang alam at bakas iyon sa inosenteng mukha niya.

"Walang teacher na pumapasok dito, babae ," sagot ni Dianne sa seryosong tono.

Isa siya sa mga babaeng napadpad sa Black Bears. Noon puro lalaki lang ang meron dito, not until binasura na rin ang ibang girls sa lugar na ito. Si Dianne ang rank two sa may pinakamaraming gulong nagawa.

"So, paano kayo ga-graduate kung walang natutunan sa teachers? I mean, paano yung grades ninyo? ," may pag-aalalang tanong ni Rex.

Nagsiiwas ng tingin ang mga tao sa room.

"Ayaw ba sa inyo ng teacher o ayaw ninyo sa teacher? ," dagdag pa niya.

Natawa ako. Humarap ako sa kanya kahit medyo may inis nang nahalo sa utak ko.

Malakas na hampas sa mesa ang narinig namin kaya napalingon ang lahat sa harapan. Si Florian pala ito na kapapasok lang sa room. Umayos ng upo ang lahat. Sa section ng Black Bears, siya ang nagsisilbing hari. Walang kumakalaban sa kanya na nasa higher sections.

"Sa tingin mo ba may estudyanteng papasok ng eskwelahan kung hindi naman mag-aaral. Sila ang may ayaw sa amin. Sila ang dahilan kaya hindi kami nakakaalis sa building na to. Naiintindihan mo ba?! ," pasigaw na sagot nito.

Ngumiti lang si Rex at dahan-dahang tumayo.

"Ibig sabihin ba, gusto ninyo na may teacher pero ayaw nila sa inyo? ," intriga niya.

Humarap siya sa buong class at napalingon din ako sa mga kaklase ko. Tama siya. Gusto namin ng teacher pero ayaw nila sa amin. Binubulok nila kami dito at yun ang masakit sa side ng pagkatao namin. Oo, mga barumbado nga kami. Mga tarantado. Pero hindi nila kami kailangan na tratuhing hayop.

"I-I need t-to go outside for a while," paalam ni Rex.


Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon