Part 30

4.2K 97 0
                                    


FLORIAN'S P.O.V.

Everything is according to the file Michael has given me. Much more information na kahit sino ay magugulat na malaman... at yun mismo ang gumugulo sa isip ko.

Ayokong maniwala...

Minahal ko ang Rex na hindi gaya ng nakikita kong siya ngayon... ibang tao at hindi gaya ng nasa files. Ang Rex na minahal ko ay ang taong masayang nakangiti sa room habang malayo akong nakatingin. Isang babae na kumikinang sa ganda habang nakikipag-usap kay Lhor.

Ayokong pakinggan yung mga sinasabi niya sa Underground kanina...

Everything that was written in that file was a very big different her sa nakilala namin. How could she kill fifty people in Underground Society nang mag-isa lang siya? That's the most impossible! At ang red-line policy ng ama niya sa kanya, what does it mean?

"Pwede ba, Phia! Stop crying! ," sigaw ko.

Rinig ko kasi ang kanina pang malakas na paghikbi ni Sophia mula nang lumabas kami ng Underground. Nasa labas kami ng clinic habang nasa loob naman si Michael at kasalukuyang tinatanggal ang balang tumagos sa bandang balikat niya. Sapilitan pa naming tinakot ang mga tao dito para lang unahin siya.

"Paano ako titigil? Huh! Nakita mo yung ginawa niya kay Michael, nakita mo kung paano kumilos si Rex, that's not her, Florian, hindi siya yun! ," pasigäw niya ring sabi.

"It's a different her ," ani Dianne na para bang wala sa sarili habang nakasandal sa balikat ni Roxanne.

"S-Someone's f-forcing her... ," boses na narinig namin.

Napalingon kami at nakita ang hirap na hirap magsalita na si Michael. Napatayo kami pero imbes na alalayan ko siya ay agad akong nag-isip.

Who's forcing her?

Umupo siya sa bench sa labas ng clinic at nakatingin lang kami sa kanya.

"You're saying na hindi siya kusang loob na nagsabi ng ganun? ," Jayvee asked.

"Yeah."

"How did you know? ," tanong ni Alexa.

"Habang nag-uusap si Sophia at Rex kanina, hindi nyo ba napansin si Jason sa gilid? ," tanong ni Michael.

Nandoon si Jason?

"Nakita mo si Jason? Hindi namin siya napansin ," sambit naman ni Ruiz.

"At ano naman kung nandun yung träydor na yun? ," inis na tanong ni Dianne.

"Sinenyasan niya ako. May nakatutok ng sniping gun sa atin sa itaas at sinenyasan niya ako para balaan kayo."

Natahimik kami. What the fuck is he saying?

What is he thinking?

"Alam niya ," basäg ni Franco sa katahimikan.

Napalingon kami.

"Alam ni Jason ang alin? ," tanong ni Jazz.

"Ang ginawa ni Rex three years ago. Alam niya din ang ginawa ni Rex... ," sagot ni Franco.

... na agad namang dingutungan ni Michael.

"At pinoprotektahan tayo ni Jason sa possible pa niyang magawa kapag nangyari ulit yun ," sambit ni Michael.

"So, totoo pala? Yung nangyari three years ago sa Underground Society na nakapätay si Rex ng fifty people? ," tanong ni Jaime.

Saan niya narinig?

Napansin niya siguro ang mukha kong may halong pagtataka at pagkabigla ang expression nang sabihin niya yun. He looked at me.

"It was rumoured ," sabi niya.

"Totoo. We tried telling everyone but no one believed. Malinis ang mga mga kalat na ginawa niya noon kaya hindi napansin ng iba. Lahat sila na pumigil sa kanya noon... namätay sila."

Thirteen of us. The original Black Bears, nang wala pa si Rex, it was just me, Michael, Lhor, Jaime, Alexa, Dianne, Roxanne, Ryan, Jazz, Jayvee, Jason, Franco and Ruiz. We found ourselves solving the mystery about what happened three years ago.

"Stay away from her. Or else you'll die! ," bigkas naman ng isa pang mula sa hindi namin matukoy na direction. 

We found Jason coming out from the clinic. Kung nasa clinic siya galing, ibig sabihin nagkausap sila ni Michael. Isang malakas na sapäk ang sinalubong niya mula kay Sophia na ikinagulat namin.

"Ano'ng karapatan mong bumalik dito?! ," gigil na sabi niya.

Tumayo si Jason habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya bago tuluyang nagsalita.

"I came here to give you this. Kinuha ko yan kay Rex para ibigay ko yan sayo, Phia. I only have one thing to tell all of you. Please, if ever na gusto ninyong bumalik para iligtas siya doon, don't step in the red line."

Matapos yun ay agad siyang nawala sa isang iglap. Inabot niya kay Phia ang isang bracelet na agad namang nagpaiyak sa kanya.

"What's that? ," tanong ni Lhor.

"I told her, when we promised to be friends, na kapag isa sa amin nasa pangänib, ibibigay namin ang bracelet na 'to."

"Hindi alam ni Rex na ibinigay ni Jason sayo yan. Which means alam ni Jason na nasa pangänib si Rex at gusto niyang-- ,"

"No! Hindi si Rex ang nasa pangänib kundi sila. Kung si Rex mismo ang nagbigay nyan, it means she's in danger, pero dahil si Jason ang nagbigay nang hindi alam ni Rex, it means may chance na mangyayari ulit yung nagawa niya three years ago and he believes na isa sa Black Bears ang makakapigil sa kanya."

Napalingon kami kay Michael.

"Michael, let's save her... please ," pagmamakaawa ni Phia.

"Y-You really wanna get involved? ," mahinahon niyang tanong kay Phia.

Tumango naman ito.

"I'm telling you about what happened three years ago, pero gusto mo pa ring iligtas siya? After everything she said to us, babalik ka pa rin doon? ," tanong ulit ni Michael.

"If sacrificing myself so that I can save her, I will. Hindi dahil itinäboy niya ako bilang kaibigan ay hindi na ako mananatiling kaibigan niya."

I heard Michael sighed. He looked at me but didn't say a word. Kumunot ang noo ko.

"What do you want me to do na naman, ha? ," inis na tanong ko.

"Florian, what do you think we should do? ," ani Michael.

Ano ba'ng dapat kong isagot? I mean, I'm in love with her pero ayoko namang madämay ang buong Black Bears. I don't know kung dapat ba akong kumilos pero gusto na yata nila akong suwäyin lalo na itong si Sophia.

Tsk! Ano pa nga bang magagawa ko?!

"F-Fine! ," sapilitan kong sagot.

Wala silang sinayang na oras at agad na tumayo. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip nila. Para bang sa mga isip nila sumang-ayon na silang lahat at hinintay lang akong sumama bago sila kumilos.

Bakit ba gusto nilang iligtas siya?

Mapapahamak lang kaming lahat!

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon