Part 16

5.5K 123 1
                                    


SOPHIA'S P.O.V.

It's already Saturday.

Naalala kong wala nga pala akong ibang matatambayan ngayon kaya nandito ako sa school. Sa building ng Black Bears at nagpapahangin sa rooftop. Mag-isa lang ako.

It's been a month since makilala ko si Rex, and now, it's been a week since she changed from a weak me into a strong woman.

She was a great girl. Truly an angel na napunta sa section namin. Parang hindi pa nga ako makapaniwala na dito siya napunta. Pero masaya ako, kasi para akong biglang nagkaroon ng direction. Naging matatag ako.

She's the reason why I improve. I changed. I became strong.

Now, I have already decided to take her as my friend. To be her best friend. To stay by her side. And to fight for her. I have decided to be part of her life and try to be an angel like her.

I know a demon like me cannot be a friend of an angel. But I'll be trying my best.

Mahangin dito sa rooftop at nag-iisa lang din ako. For sure, may kanya-kanyang ginagawa ang Black Bears kaya wala sila dito.

Magkakaiba kami ng trabaho pagdating sa Underground Society pero iisang grupo kaming gumagalaw sa labas. Dati yun... nung buhay pa ang tunay na may-ari ng Underground.

Nang mamätay siya at pumalit ang ninong ng anak niya para mangalaga sa Underground, nag-iiba na ang mga pangyayari at nag-iiba na rin kami ng paraan ng pagkilos. Pero nasaan kaya sila ngayon?

Pinaghahandaan kaya nila ang beach games ng school? O nasa Underground Society sila ngayon at ginagawa ang kanya-kanyang trabaho nila?

Nevermind.

Honestly, nahihiya lang talaga ako sa pinagsasabi ko nung nakaraan.

Ahh.. napatakip talaga ako ng mukha nung ma-realize kong ang pangit ng lines ko nung time na niligtas ko si Michael sa mga lalaking yun. Of all the things, bakit ba kasi yung waterfalls pa ang nabanggit ko?

Sobrang tagal na nang huli kong gamitin yung line na yun kaya nga I feel like ang O.A. ko dun eh. Ngayon paano ko haharapin si Michael nyan? Nakakahiya. Baka natatawa na nga siya nung time na yun, eh!

Napayuko ako. Nakaupo ako sa rooftop ngayon pero parang ayoko na ring tumayo. Ilang araw ko nang kinahihiya yung sinabi ko na yun. My goodness, Sophia!

"Bakit nandyan ka? ," isang boses na narinig ko mula sa likuran.

Akala ko walang tao dito. Napalingon ako sa likuran at nakitang nakatayo si Michael. Agad akong napatalikod ulit at narinig kong natawa siya. My goodness, wag mo akong pagtawanan.

"Bakit nga nanjan ka? ," pag-uulit niya.

"W-Wala naman. Nagpapahangin lang."

"May I join you for a while? ," tanong niya sa akin.

Tumango lang ako.

"I wanna tell you something. Actually noong nakaraan ko pa dapat sasabihin 'to pero iniiwasan mo kasi ako. Yung ginawa mo that day was really amazing. Kanino mo natutunang gumamit ng yoyo as bladed weapon? ," saad niya.

Paano naman kasing di kita iiwasan kung feeling ko grabe yung ginawa ko?

"Actually, my mom loves collecting blades as her hobby and my dad's collection is yoyo. They gave me that weapon as a gift pero dahil nga delikado yun, ngayon ko lang ginamit ang bagay na yun ," sagot ko.

Basta may maisagot na lang.

"Your looks also changed a lot. Noon, no one notices you but now, parang gusto ko nang takpan ka wag ka lang pakatitigan nung mga lalaking galing sa ibang section ," sabi pa niya.

I began blushing. My goodness, Sophia, wag kang kiligin.

"At bakit naman? ," tanong ko.

"Phia, you became gorgeous."

Natawa ako. And at the same time, kinilig na rin. Di ko na mapigil. Of all the people na pupurihin ako, yung long-time crush ko pa talaga ang unang nakapansin.

"Rex told me to change. For myself."

He just nodded. Medyo awkward na pero parang gusto ko na lang ituloy yung usapan namin kahit di ko alam kung saan ba yan patungo. I got rejected a hundred times kaya nga ayoko na ulit umasa lalo na sa kanya.

Kilala siya sa school na pinakamahirap lapitan. At si Rex lang ang unang babae na sinabayan niyang pumasok. Madalas, wala naman kasi siyang pakialam. Kahit pa nagpapaiyak siya ng napakaraming babae mula sa higher sections.

At first, I was jealous of her.

"Ahh, about her ," his voice changed suddenly. Naging malungkot ng bahagya.

"Huh? ,"

"Phia, what do you think about Rex? ," he suddenly asked.

"Siya? Bukod sa mas maganda siya sa lahat ng babae sa room. Siya na din ang pinakamabait sa lahat."

"Hindi naman lahat ng maganda sa panlabas, eh, maganda na rin sa loob. What if ang nakikita ng lahat ay anghel, pero ang totoong mukha pala ay demonyo? Hindi rin naman lahat ng mabait, mabuting tao. What if, oo, mabait nga siya, pero mas masahol pa pala yung kaya niyang gawin kaysa sa atin? ,"

"Impossible. Siya na nga ang pinaka matalino sa lahat ng nakasägupä natin. Sa tagal natin sa section na 'to, siya lang ang mabait na taong tumagal dito kasama natin."

He sighed.

He faced me seriously.

"Phia, I'd like to ask you something ," he said, " Please... do everything you can para maging kaibigan siya. Change her the way she did for you. Imbes na mabait, gawin mo siyang mabuti."

I didn't understand it. But since I decided to be her friend, I nodded to him.

"I will. Pero ano ba ang ibig mong sabihin? ," tanong ko out of curiosity.

"The real Rex is not what we think she is. I believe my intuitions and everything I know about her. But I still hope na magbabago siya. Wala siyang tiwala sa sinuman and I'm afraid na kapag nadamay tayo sa gulo niya, baka wala tayong magawa."

And once again, he sighed.

Tumayo siya at lumakad palayo, leaving me speechless as I repeatedly think about it. Ano ba'ng problema? May mali ba kay Rex? Nakakaawa naman pala ang kalagayan niya. I want myself to be her friend. Gusto kong magtiwala siya sa akin.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon