Part 3

9.8K 199 9
                                    


DIANNE'S P.O.V.

First offense, grade one, nanaksak ng kaklase.

Second offense, grade three, sinubsob ko yung kaklase ko sa desk habang nakaharap magulang niya.

Third offense, grade six, hinul0g ko mula sa third floor yung kaklase kong mahilig magkape at ngayon pinagkakapehan na siya.

Minor offense ko pa lang lahat nang yun! What's more? Nakasaksak na rin ako at maswerte siyang humihinga pa siya!

Napakarami ko nang nagawa at qualified na qualified akong pumasok sa Black Bears tapos magsasalpak lang sila dito ng anghel? Demonyo kailangan namin dito.

I repeat! 

We need a demon and not an angel!

See? Kausap pa niya ngayon ang isa sa pinakamalakas na tao sa school, si Lhor. Pinakaayaw ni Lhor ang umupo sa harapang bahagi ng room pero eto siya ngayon at nakikipagtawanan pa sa babaeng to.

"Why do I smell jealousy? ," pang-aasar ni Jaime sa akin.

"I'm not jealous. Hindi rin naman siya tatagal dito kapag nalaman niya ang kaya nilang gawin ," paninigurado ko.

Nagkibit-balikat siya nang sabihin ko yun. Everything is fine! As if namang pwedeng magsama ang isang anghel at isang demonyo. I totally crossed my arms and am irritated right now because of her. 

Basta! 

May mali sa kanya at hindi ko yun gusto. Bumukas ulit ang pinto at bumungad sina Ryan at Roxanne.

Heto na naman tayo sa lovebirds ng room na mas inuuna pa ang maglandian kesa pumasok. Wala naman kaming exact time dahil hindi naman pumapasok dito ang teachers maliban lang yung nakakagulat na pagsulpot ni Sir Leonard Cohen kanina.

Tumingin si Roxanne sa direksyon ko at alam kong ako ang tinitingnan niya. Ang nakakaloko niyang mukha na nagpapaalala sa akin ng ginawa niya bago masira ang pagkakaibigan namin. Sa sobrang inis ko ay lumabas ako mula sa room. Napansin ko din na wala si Rex sa loob ng room. Dahil nga kaming mga taga-worst section lang ang gumagamit ng building, minabuti ko na umakyat sa rooftop.

I stepped my right foot up the stairs and continued. I am taking every step as my eyes look up clearly at the sky right now.

"Nakita ko na siya ," salitang nagpahinto sa akin nang akmang ihahakbang ko na sa huling baitang ng hagdan ang paa ko.

Hindi ko makita kung sino ang nagsasalita dahil napako ang paa ko sa kasalukuyang posisyon ko pero sigurado akong lalaki ang nagsasalita base sa boses nito. Agad akong nagtago at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"Dito na siya nag-aaral gaya nga ng gusto mo."

Si Rex ba ang tinutukoy niya?

"Ano'ng ginagawa mo jan? ," tanong mula sa malumanay na boses ang nagpakaba sa akin. Nasa likuran ko siya.

Agad akong lumingon at nakita si Rex na nakatago din sa tinataguan ko. Hindi ko inaasahan na nandito siya. Narinig niya yung sinasabi ng lalaki, sigurado ako. Oo nga pala! Lumingon ako muli sa direksyon ng lalaki at sumilip kung nakatayo pa siya sa kinatatayuan niya kanina. Sayang! Wala na siya!

Nakakainis!

Tumayo ako mula sa pinagtataguan ko at inis na umalis sa harapan ni Rex. Hindi ko siya sinagot. Kung hindi lang siya dumating, baka nahuli ko na ang lalaking yun. Sumunod siya sa akin at huminto two steps behind from where I'm standing right now.

"Ano ba?! ," pagsusungit ko.

"Huh? ,"

"Umalis ka dito! Kung kailangan umalis ka sa Black Bears Section, gawin mo! ," sigaw ko.

Aminado akong galit sa kanya sa hindi ko malamang dahilan pero ayokong lumalapit siya sa akin. Naiinis ako. Naaalala ko si Roxanne sa kanya. Tama. Si Roxanne nga. Alam kong hindi siya si Medusa pero ahas pa rin siya. Ex ko si Ryan, at si Roxanne ang dahilan kaya kami naghiwalay. Magkaibigan kami ni Roxanne noon, not until ahasin niya si Ryan.

"Hindi ako aalis." Sagot niya na nagpanginig sa akin. Nilingon ko siya.

Natawa ako. "Magbabago pa yan. Lalo na kung makikita mo yung tunay na kami."

"Magbabago naman talaga... kasi hindi mo ako kilala."

Natigilan ako. Ano'ng ibig niyang sabihin?


LHOR'S P.O.V.

Bigla na lang nawala sa paningin ko si Rex. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya. First day pa lang niya ngayon at delikado pa para sa kanya ang mawala sa paligid. This worst section is also attractive to bad habits, not mentioning those cases na nauna naming ginagawa bago siya makarating dito. Bumukas ang pinto at pumasok si Rex. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Where have you been? ," nag-aalalang tanong ko.

"Sa rooftop ," tipid niyang sagot bago dumeretso sa seat niya.

"Wala tayong recess? ," tanong niya.

"Wala kang baon? ," tanong ni Florian pabalik sa kanya ngunit umiling lang siya.

"Tandaan mong mabuti, una, walang teacher na pumapasok dito. Pangalawa, bawal sa library. Pangatlo, bawal ang Black Bears sa cafeteria at ang huli--- ,"

"Hindi sila ang madedesisyon niyan." Mahinahong sagot ni Rex.

Sa pagkakataong yun... hindi na nakasagot si Florian.

"What? ," galit na tanong ni Jayvee mula sa likuran.

Lumingon kaming lahat pati na rin si Rex.

"Will you please repeat that? ," inis na tanong niya ulit.

"Hindi sila ang magdedesisyon kung papasok ng cafeteria ang Black Bears. Nabanggit ni Sir Leonard kanina na ito daw ang worst section. Parang hindi naman ," napalingon kami sa sinabi ni Rex.

Ano'ng sinasabi niyang 'Parang hindi naman'?

Kinwelyuhan ni Florian si Rex na hindi namin alam kung saang lupalop nagmula at bigla na lang sumulpot doon. "Parang hindi naman? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Galit na galit siya. Lumalabas kasi na puro angas lang ang kaya naming gawin at hindi rin marunong gumamit ng kapangyarihan ang hari dito. She really made us realize. At oo, kami nga pala ang worst section.

"Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit ako nandito. Ang alam ko lang at base sa nalalaman ko, kapag nasa worst section dapat hindi lang angas at tapang... ," at lumingon siya kay Florian na nananatili pa ring hawak sa kwelyo si Rex, "... dapat... Makita nila na malakas ka."

Malumanay pa rin ang boses ni Rex. Mahinhin kung pakikinggan at kalmado. Para bang hindi siya natatakot kay Florian. Bahagya siyang itinulak ni Florian palayo sa kanya at nag-walk out para bumalik sa original seat niya.

Ngumiti si Rex sa amin, "Pupunta ako sa cafeteria."

May halong pagtataka sa isip ko nang oras na iyon. Para bang tumigil bigla ang oras at parang si Rex lang ang may karapatang maglakad. Pansin ko ang lahat ng tao sa room na para bang nakahinto din at nakatingin sa kanya. Bigla na lang akong natauhan nang mabasag ang katahimikan at magsalita si Jazz.

"U-Uhm... Susunod ba tayo sa kanya? ," tanong niya.

Para bang natauhan kaming lahat at hindi na nagtanong kay Florian kung ano ang susunod na hakbang. Lumabas silang lahat at sumunod kay Rex na kasalukuyang papunta ngayon sa cafeteria.

"Hindi ka ba susunod sa kanila? ," tanong ko kay Florian na nananatili pa ring nakaupo.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon