Part 19

5K 114 0
                                    


ALEXA'S P.O.V.

*FLASHBACK*

I can't believe what I just heard. Si Rex? May-ari pala ng Andrada Mall?

Nag makaalis yung lalaki, lumapit agad si auntie kay Rex at nagpasalamat. Tumikhim ulit si Rex bago ngumiti sa kanya. Maybe lumalabas ang dem0nic side niya tuwing naiinis siya o di kaya ay gälit.

"Madam, kung maaari eh pwede po ba kayong tumuloy sa munti naming bahay para kumain? Bilang pasasalamat na rin po. Mumunti mang pasasalamat, eh, maabutan ko man laang kayo. Mayaman ka man ngunit sana, ay hija, maaya man laang kita ," sambit ni auntie.

"Hindi naman po ako tatanggi. Kaya lang kasama ko po kasi sila at si Alexa na rin po ," mahinhin niyang sagot.

"Aba'y walang problema, madam. Kung hindi ba maiwan ay imbitahin na rin silang tumuloy sa aming tahanan para kumain."

"Hindi na po need na tawagin akong madam. Kahit Rex na lang po ang itawag nyo sakin ," pakumbaba pa niyang sabi.

"Eh, kung yaan ang gusto mo, ay! ," nakangiti na sagot ni auntie.

*END OF FLASHBACK*

Nandito kami ngayon sa bahay ni auntie. Halos magpapiesta na yata siya sa sobrang dami niyang inihandang pagkain sa harap ng classmates ko habang nakaupo lang sila sa harap ng hapag-kainan.

Half-Japanese ang pamilya namin. Pero si auntie na kapatid ni mama ay pilipino. Pilipino si mama at si papa naman ay Japanese.

Nagsimula silang kumain pero nakikita kong nagugustuhan naman nila yun. Napatingin ako ulit kay Rex. She's eating with chopsticks and it was elegant. I wonder kung saan siya nakatira.

"Hey, guys, let's play a game! ," ani Lhor.

"While eating? ," tanong ni Michael.

"Yes. It's a spinning food hunter. Kung kanino tatapat ang sushi, siya ang magtatanong."

"At sino naman ang sasagot? ," tanong naman ni Sophia.

"Maglalagay tayo ng juice. Isa-isa tayong iinom at kapag huminto yung ikot ng sushi plate dapat hihinto din yung pag-inom. Kung nakanino yung baso siya yung sasagot."

"Then.. what if nahinto yung baso at sushi sa parehong tao? ," tanong naman ni Florian.

"It's the chance na tanungin yung specific person. Ikaw yung mamimili kung sino yung tatanungin mo ," sagot ni Lhor.

"Game! ," sabay na sabi namin ni Rex dahilan para matawa kaming pareho.

At umikot nga ang spinner ng sushi. Sunod-sunod din kaming uminom ng juice until unti-unti na ring bumabagal ang ikot ng sushi.

And then it stopped.

Nakatapat sa akin ang sushi at si Lhor naman ang may hawak sa juice. Natawa ako.

"Ako muna ," panimula ko, "Clue about your crush."

"Angelic."

"Ang tipid naman! ," reklamo ko.

Muling umikot ang sushi at nagsimula na namang magsiinom ng juice ang lahat.

It stopped.

And this time, si Michael na ang may hawak ng juice at nakatapat naman kay Florian ang sushi. I saw him smirked.

"Michael. Alam nating ikaw yung pinakasuplado sa room. I would like to ask, nainlove ka na ba? I'm curious ," yun ang tanong ni Florian.

"Grabe ka naman sa suplado. Hindi ko lang sila pinapansin cause I'm not interested sa kanila. Pero inlove ako ngayon."

Muling umikot ang sushi at nagsimula na namang umikot ang juice. This time si Sophia na ang may hawak sa juice at kay Rex nakatapat ang sushi.

"It's your turn, Sophia ," masayang sambit ni Rex.

"Yeah. Well, I would like to ask, Rex, paano ka ba nagagalit? Madalas kasi you're just smiling, eh ," tanong ni Sophia.

"Madalas ako magalit kahit hindi halata dahil nakangiti ako. Pero kapag punong-puno na ako saka lang nahahalata yung galit ko. Mostly pinabayaan ko lang din mga bagay."

"Isa pa! ," excited sabi ni Lhor.

Malapit nang maubos ang laman ng baso ng juice kaya malapit na matapos ang game. Umikot muli ang sushi at ganun din ang baso.

This time, huminto sa harap ni Florian ang sushi at siya din ang may hawak sa baso ng juice. Ubos na ang laman nito ngayon.

Last game...

He chooses Rex to answer.

"Rex, sino ka ba talaga? ," yun ang tanong niya.

Nagsimula kaming magkatinginan. Alam namin ang ibig niyang sabihin. Na hindi bastang si Rex ang nakilala namin.

"Ubos na pala yung juice. Itigil na natin yung game ," suggest ni Lhor.

"Tara, nabusog na yata ako ," sambit naman ni Michael.

"Ako na magliligpit ," prisinta naman ni Sophia na sinenyasan pa akong samahan siya.

But, still the two of them doesn't want to stop. Magka eye-to-eye pa rin sila at hindi na maganda ang atmosphere dito.

"Rex, let's go ," akmang yayayain na sana siya ni Michael.

"I'm not yet answering him ," sagot niya kay Michael at saka bumaling muli kay Florian.

"I am me. Ang nakikita mo ngayon ay ako. Sabihin na nating I'm a deep blue sea. You may see the beauty at its surface... But once you try to dive it deeper, you may die drowning."

Nanginig ang buong katawan ko sa sagot niya.

"What do you mean? ," may halong pagtataka sa tanong ni Florian.

"Maybe some of the Black Bears dive deep already. Pero ikaw, Florian, you're not yet that deep enough, but you're already drowning."

Tumayo siya at naiwang mag-isa si Florian na nakaupo pa rin sa harap ng game. I know he's aware. And I know that Michael already know more information about Rex

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon