Part 12

6.2K 150 0
                                    


MICHAEL'S P.O.V.

Naglalakad ako ngayon sa parking area ng school. Hindi ako sumama sa kanila na kumain sa cafeteria. Nakikita ko ang mga nakaparadang kotse dito ng mga teachers at ng iba pang students. There's a red, a brown a white and a black.

Wala bang nagkokotse sa kanila ng ibang kulay dito? Even the motorcycles, walang ibang kulay kundi pula, asul at itim.

Nagsindi ako ng sigarilyo at sumandal sa isa sa mga poste sa parking area. Tahimik ang paligid at ako lang ang nakikita kong tao... kanina.

Ngayon, kasalukuyang may apat na lalaking naglalakad papunta sa direction ko at nakikilala ko sila. Ang isa sa kanila ay ang lalaking binugbog ni Rex sa kanto papuntang school nang madatnan ko sila.

*FLASHBACK*

Papunta ako sa school ngayon. Seryoso ako, babawian ko talaga si Lhor kapag nakarating ako sa room.

Naglalakad na sana ako nang mapaharang sa harapan ko ang lalaking nakahandusay at ang babaeng duguan ang kamay. Nilapitan ko sila.

"Here." Inabutan ko siya ng panyo.

Inabot niya iyon at agad na pinunas sa kamay niya. "Salamat."

"Ako na'ng bahala jan. Kapag may nakakita sayo, mahirap na. Kung ako ang makikita, siguradong wala silang sasabihin ," sabi ko sa kanya.

*END OF FLASHBACK*

"Mag-isa ka yata. Nasaan yung babae? ," tanong niya sa akin.

Alam kong si Rex ang tinutukoy nila.

"Wala. Ako lang. Kung gusto nyo, puntahan nyo siya sa cafeteria ngayon. Andun siya, kumakain."

"Kung mag-isa ka lang ngayon, mabilis ka lang pala naming mapapatumba ," pagmamayabang na sabi ng isa sa kanila.

Natawa ako. 

Ako? Mapapatumba nila?

Agad na sumugod ang apat na lalaking yun at sinunggaban ako ng suntok. Nailagan ko yung una pero sinalo ng mukha ko yung mga sumunod. Shit! Nagkatalo na!

Binawian ko sila ng isang malakas na suntok at sipa habang patuloy na sinasalo yung mga suntok mula dun sa iba pa. Pinagtutulungan na nila ako. Sa hindi ko inaasahang pagkakamali, nagkaroon ng pagkakataon ang isa sa kanila na hampasin ako ng baseball bat sa likuran na nagpabagsak sa akin.

Madaya! Suntukan yung laban, ah!

Nakita kong tinapon ng lalaking nasa likuran ko yung baseball bat na hinampas niya sa akin at nilapitan ako. Kung nakakagalaw lang ako ngayon siguradong ihahampas ko din sa kanya yung hinampas niya sakin!

Maling spot yata ng likuran ko yung nahampas niya kaya niya ako napabagsak. Hindi naman ako napapabagsak ng mga ganyang bagay lang, eh.

"Kung ako sayo, hindi na ako lalapit sa kanya ," rinig kong boses ng isang babae mula sa kung saan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung sino yung nagsalita. I'm sure she's not Rex.

"At sino ka naman? ," agad nabaling ang tingin ko sa direksyon kung saan kasalukuyang nakatingin na rin ang apat na lalaki.

Pero hindi ko siya makita. Pinilit kong gumapang para matanaw ko siya. Hindi pa ako nanghihina, sadyang hindi lang ako makatayo dahil sa ginawa nila sa akin.

"Sino ka ba? ," tanong ulit nung isa pa.

"Ako? Ako yung pinagmulan ng lahat. Ako yung dahilan kung bakit inupakan nung babaeng yun yung tropa ninyo. Kaya nga I believe na dapat ako din dapat ang tatapos nun. Hahanapin ko na nga dapat kayo, eh. Fortunately, kayo pa pala ang lalapit sa akin ," sunod-sunod na salitang lumabas sa bibig niya.

I finally see her standing there. Sa harapan nila. She's beautiful.

I feel like gazing at the stars while staring at her deadly eyes.

I sense her dangerous smile.

I see her beautiful face and body.

Until I realized...

It was Sophia in the first place.

Natawa ako nang palihim. Natatawa ako sa sarili ko sa mga naramdaman ko nang oras na yun. She's literally not beautiful kung tatanungin ang lahat ng Black Bears but today I'm seeing the different her.

Iba sa natural na Sophia na umiiyak lang lagi kapag nasasaktan ng guys.

"Hey, Michael! ," pagbati niya sa akin.

Paano niya nagagawang ngumiti?

"Get out of here. Masasaktan ka lang nila! ," sabi ko kaagad.

Hindi niya kayang lumaban. Yun ang alam ko. Lagi lang din siyang nasa sulok gaya ni Rex habang kami naman ang laging kumikilos. Kahit sumama siya sa amin noon sa mga lakad ng Black Bears, ni Wala siyang maitulong.

Just go!

"Michael, have you seen waterfalls? ," tanong niya na nagpakaba sa akin.

Demonic smile.

Killer eyes.

Gayang-gaya niya kaming mga marunong sumugal gamit ang buhäy.

But today, I'll never hesitate to watch how you do things. Gusto kong malaman kung ano ang kaya mong gawin, Sophia.

"Let me see the waterfalls, Sophia ," walang alinlangan kong sagot.

Naglabas siya ng isang yoyo at sinimulang paglaruan iyon. 

UP AND DOWN.

"Mabuti pang umalis ka na, babae ," saway nung isa.

UP... DOWN...

"Baka gusto munang masaktan nyan, pre! Baka sa masarap na paraan ," mayabang na sabi nung isa pa.

UP... DOWN...

"Ayoko nga ," tanggi ni Sophia, "Gaya ng sabi ni Rex, kami ang worst section. Ang Black Bears. Kami ang namimili kung sino ang mabubuhay at hindi."

Matalim na ngiti ang sumilip sa mga labi niya bago iwinasiwas ang hawak na yoyo nang sumugod sila nang sabay-sabay. Madaya talaga sila, kahit alam nilang babae yun. Humampas yung yoyo ni Sophia sa mga leeg nila at nagulat ako nang bumagsak sila sa sahig.

Unti-unti akong tumayo. Hindi ko pa rin kaya pero pinilit ko na. Nakita ko ang napakaraming dugo at napalingon ako sa laslas na nilang lalamunan.

Blades? 

Ibig sabihin, hindi lang yun simpleng yoyo pero ang tali nun ay sinulid. Nakamamatay na sinulid dahil sa talim na kaya nitong taglayin.

And in just one go? Yun na yun?

"I thought it would be waterfalls ," napabuntong-hininga siya, "I definitely created a lake on their throat! Disappointing, Michael."

Umiling-iling siya habang nakangiti.

A fearful demon from a weak angelic impression...

"Tumayo ka na jan. Hanggang kelan mo balak humiga na lang? ," pagtataray niya.

She's different from Rex. Rex is a living demon inside an angelic body and Sophia's a demon hidden in a weak-looking body.

But both... They were demons that looked like angels.

Angel Of The Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon